Chapter 30

24 0 0
                                    

Angela's POV

Nang makarating ako ng bahay namin ay kaagad kong nakita na hinihintay ako ni nanay sa labas ng gate. Pababa palang ako ng taxi makikita ko sa kanyang mukha ang lungkot habang ako ay naman ay hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang dapat kong sasabihin sa kanya tungkol samin ni David.Bumaba ako at kinuha ko ang mga bagahe ko sa compartment ng taxi tinulungan din ako ng manong driver.Pagkatapos ay nagbayad na ako ng metro at nagpasalamat sa kanya.Nang makaalis na ang taxi ay kaagad kong dinampot ang aking dalawang maleta ang isa ay kinuha ng nanay at ang isa hawak ko pumasok na kami sa aming gate habang iniiwasan ko ang mga tingin ng nanay.Dahan-dahan akong naglalakad dahil malaki na ang aking tiyan.Hinaplos-haplos ko ito upang makalma ko ang aking naramdaman sa ngayon.Magkahalong kaba at takot ang pumapaloob sa ngayon sa buong pagkatao ko.Sa wakas nakarating din ako sa loob ng bahay namin.Naramdaman ko pa rin na nakasunod lang sa akin si nanay umupo ako sa sofa na nandoon at napabuntunghininga at ganoon din ang ginawa ng nanay.Katahimikan muna ang pumagitna sa amin habang matamang nakatingin naman siya sa akin.

"Anak alam na ba ito ng tatay mo?" tanong ni nanay sa akin.

"Ang ano po nay?"pagmaang-maangan ko sa kanya.Pero sa totoo lang grabe ang kaba ko ngayon parang may alam na ata si nanay tungkol sa akin.

"Anak wag kang magmaang-maangan pa alam ko na ang nangyari sa inyo ni David at kung bakit naririto ka sa ngayon." anang nanay.

"Saka pumunta pala dito kanina si Precious at sinabi niya ang lahat sa akin." dagdag pa ni nanay.

Kaya di ko maiwasan na mapahagulhol na lang sa harapan ni nanay.At di ko aakalain na imbis na sumbatan niya ako at magalit siya.Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin.Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya habang kayakap ako.Alam ko na umiiyak ang nanay ko masakit isipin na nasasaktan siya dahil sa akin,dahil sa ginawa kong katangahan.Oo tanga ako,sobrang tanga ko.Certified Public Accountant ako,may matino akong trabaho bilang executive assistant ng Mayor sa bayan namin,may matino akong pamilya kahit hindi kami kompleto.Pero pumatol ako sa may asawang tao.Lahat ginawa ng nanay ko na punuin kami ng pagmamahal ng kapatid ko pero heto ako hinanap ko ang pagmamahal na mas hihigitan sana ang pagmamahal ng nanay ko.Ngayon ko lang narealized na wala palang hihigit sa pagmamahal ng isang ina.Oo nakatagpo nga ako ng pagmamahal sa katauhan ni David pero ang pagmamahal na iyon ay hindi maging akin hanggang kailan pa man dahil kahit kailan wala akong karapatan na mahalin siya pagmamay-ari siya ng kapatid kong si Precious.Totoo man o hindi ang kasal nila ni David wala pa rin akong karapatan na agawin siya kay Precious.Kahit baligtarin man ang mundo magkadugo kami ni Precious at masakit ang maagawan alam ko.Dahil iyon ang ginawa ni tita Gilda sa amin.Sobrang sakit ng maagawan kaya kahit masakit man na kalimutan ko na si David gagawin ko.

"Nay I'm sorry di ko po sinasadya." umiiyak na saad ko.

"Alam ko anak,Alam ko.Kaya wag na wag mong sisihin ang sarili mo nagmahal ka lang.At di mo naman alam na ang lalaking mahal na mahal mo ay pagmamay-ari pala ng kapatid mo." anang nanay sa akin habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko.

"Hindi ganito ang pinangarap ko nay ang maging babae ng isang may asawang tao." sabi ko sabay iyak ng malakas at umiling-iling pa ako.

"Alam mo anak hindi mo man pinili na maging babae ni David pero ang Diyos ang naglagay sa'yo sa sitwasyon na yan at alam ko maging ok din ang lahat anak.At kung ano man ang maging reaksyon ng tatay mo tungkol dito let him be.Pero wag na wag ka lang niya sasaktan dahil ako ang makakalaban niya."Anang nanay sa akin

"Ate?narinig kong saad ni Angeline.Nakasandig siya sa hamba ng pinto ng kwarto niya habang umiiyak.Pumunta siya sa gawi namin ni nanay at niyakap niya kaming dalawa.

My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon