Chapter 10

80 4 0
                                    

"Ate nasa labas si kuya David.Papasukin ko ba ate?" Tanong ni Angeline sa akin.Pumasok siya sa kwarto ko na kahit katok Di nito man lang nagawa.Kahit kaylan talaga may pagka daga rin itong kapatid ko.Mabuti na Lang nakabihis na ako pupunta kasi Kami ngayon SA simbahan para magsimba. Kinaugalian namin nina Angeline at nanay magsimba tuwing linggo kahit di kami kompleto.Dati di ako nasanay na kami lang tatlo ang nagsisimba.Pero lumipas ang mahabang panahon sakalaunan nasanay na rin ako.

"Linggo ngayon bakit nandito ang kumag na yon?Sige papasukin mo baka amagin yon SA labas mamaya." Sabi ko Kay Angeline at tumalima Naman Ito at pumanaog para buksan si David.

Matapos kasi  ang paglunch namin noong Huwebes ni David sa buffet restaurant na yon ay di ko na siya pinansin.Sobra kasi akong napikon sa pang-aasar niya sa akin .Di ko talaga alam kung ano nga ba ang totoong ugali non.May pagkabipolar din minsan ang kumag na tikbalang.

Bago ako bumaba ay sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin.Naka white dress ako na above the knee  length.Pinarisan ko ito ng red stilleto shoes na pinatingkad nito ang kaputian ko sa paa.Naglagay rin ako ng pang-ipit sa aking buhok at ang tanging bruloloy ko sa katawan ay ang sieko brand na relo. Naglagay rin ako ng kaunting makeup sa aking pisngi at lipbalm naman sa aking bibig.Ngumiti ako ng pilit sa salamin nalulungkot kasi ako ngayon.Dahil sa araw na ito ang kaarawan ni tatay.Kamusta na kaya siya?Masaya kaya siya sa ngayon?Miss na rin ba niya Kami nina nanay at Angeline?SA tuwing maalala ko si tatay parang tutulo ang mga luha ko sa aking mga mata.Kaya imbis na maiiyak na naman ako ay kaagad na Lang akong pumanaog baka naghihintay na sina nanay at Angeline sa sala namin.

Habang bumababa ako ng hagdanan ay naririnig ko ang malakas na tawa ni nanay at ni Angeline.Nang nasa dulo na ako ng hagdanan ay nakita ko silang nakipagkwentuhan sa kay David.Napairap ako ng magtama ang mga Mata namin ng kumag.

"Goodmorning love!sigaw nito habang may ngiti ito sa mga labi at saka lumapit sa akin.May hawak-hawak itong  plastic na walang label.

"Love may dala akong mangga peace na Tayo ha?" Aniya sa akin at ngumiti naman ng pagkaloko-loko sabay bigay sa akin ng dala niya.Akala ko nagbibiro lang siya totoong mangga nga ang laman ng plastic at medyo mabigat pa ito.

"Naglilihi ba ako?Bakit mo ako binigyan ng ganito?Baka kapag kinain ko to mamaya maimpatsu pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Ito naman bakit naglilihi lang ba ang dapat bigyan ng mangga?Di ba pwedeng ibigay sa isang tulad mo na kasing ganda nang punong mangga at kasing asim ang bunga nito ang iyong umaga." Anito at napatawa Naman sina nanay at Angeline dahil sa sinabi niya.

"Nay , Angeline natawa pa kayo sa sinasabi Ng kumag na to? Kahit kaylan talaga panira ka talaga Ng araw ko David." Ani ko sabay walk out.

Akala siguro nito madadala niya ako sa mangga na dala niya.Kahit paborito ko yon di ko kukunin yon sa kanya.Ngunit sinundan niya ako at nakangiti na lamang sina nanay at Angeline sa aming dalawa.

"Love naman sorry na oh. Maganda ka naman talaga kaya nga girlfriend kita diba? You're beautiful as these mango.Tanggapin mo na to as my peace offering .Sige ka pagdi mo to tatanggapin magtatampo talaga ako sa'yo.Tiniis ko ang kagat ng mga insekto pag-akyat ko ng mangga para ibigay ko lang to sa'yo." Ani David sa akin.

Pinalakihan ko siya ng Mata sabay bulong dito:Hindi mo ako girlfriend  atsaka wala akong pakialam diyan sa mangga mo.Ihahagis ko pa yan sa pagmumukha mo eh." Sabi ko dito sabay irap sa kanya.

Pero ang kumag ngumiti lang sa akin at kinindatan ako.Mapupungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"My Mona Lisa." Aniya  at lumapit sa akin sabay  haplos ng pisngi ko at hinalikan ako sa mga labi.He encourage me to open my mouth and respond to his kisses.Kaya kahit di ako marunong humalik ay nagpaubaya na lamang ako.

My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon