Lumabas muna ng bahay si Angela.Magluluto sana siya kaso wala pala silang stock na mantika. Medyo malayo-layo din ang lalakarin niya.Pero mas mabuti nga yon para makapag exercise siya kahit papano.Mag-aalasais palang ng umaga kaya wala siyang nakikitang naglalakad na mga tao na mga kablock nila.Dito sa Subdivision na kung saan sila nakatira ay may tindahan din at maganda dahil kompleto ang mga tinda ni Aling Fe ang mabait nilang kablock/kapitbahay nila dito.Mahigit labing-limang minuto din siya naglalakad nang makarating siya sa tindahan ni aling Fe.
"Pabili po." Saad niya.
Mabuti na lang maaga din bumubukas ng tindahan si Aling Fe.
"Oh Angela ikaw pala ,ang aga mo ata ngayon ineng." Anang Aling Fe sa kanya.
"Opo Aling Fe.Eh nawalan po kami ng stock na mantika sa bahay po namin.Pabili nga po."aniya sabay ngiti sa matanda.
"Ilan ba?anito sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Isang bote lang po." Ani Angela.
"One hunded lang ining."anito sa kanya.
Kaya binigay niya dito ang buong isang daang piso.
" Buntis ka ata Angela.Ilang buwan na ba yan?"tanong sa kanya ni Aling Fe.
"Anim na buwan palang po."sagot niya sa matanda.
"Aba tatlong buwan na lang may apo na pala si mama mo mabuti nga yan malilibang siya sa pag-aalaga." Anito sa kanya.
Ngiti lang ang isinukli ni Angela dito.
"Nasaan ba ang asawa mo hindi ko ata nakita siya dito ah?Tanong nito.
Iwan ba ni Angela kung sasagutin niya ang tanong ng matanda o hindi.Pero pinili niya na lamang na sagutin ang tanong nito.
"Nasa trabaho po kasi siya lagi." Sagot niya dito.
"Ah ganoon ba?Naku ang swerte naman ng asawa mo sayo Angela.Dahil bukod sa maganda kana matalino ka pa."anito sa kanya.
"Naku naman si Aling Fe nambola naman siya pero salamat po.Oh siya alis na po ako ha?Magluluto pa po kasi ako." Aniya sa matanda.
"Sige ineng ingat ka sa paglalakad ha?"anito sa kanya sabay ngiti.
Ngumiti na lang si Angela saka naglakad siya ulit bitbit ang isang boteng mantika.Habang naglalakad siya ay naramdaman niyang may nakasunod sa kanya.Lumingon siya pero wala naman' tao sa likuran niya.Kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.Nang liliko na siya paputang daan na kung saan papunta iyon sa bahay nila.Nang biglang may pumiring sa mga Mata niya.Biglang nagpanic si Angela at sisigaw sana siya ng biglang tinakpan ng estranghero ang bibig niya.
"Sumunod ka sa Akin kung ayaw mong mamatay pati ang dinadala mo."anang estranghero na lalaki sa kanya sabay tutok sa kanya ng baril sa tagiliran niya.
Hindi alam ni Angela ang gagawin.Kinakabahan siya para sa kaligtasan nilang mag-ina.Ang alam niya wala siyang inagrabyadong tao.Sana pala di na lang siya lumabas kanina kung ganito lang pala ang mangyayari sa kanya.Wala Pa naman' katao-tao sa kinaroroonan nila ngayon.
"Sino ka Ba?Bakit ano Ba ang kailangan mo sa Akin pera?Wala akong perang dala dito nandoon sa bahay."anang Angela sa estranghero.
"Hindi na mahalaga kung sino ako at hindi ko kailangan ang pera mo.Dahil as malaki Pa ang makukuha ko kung madala kita kay boss."anang lalaki.
"Sakay ka sa kotseng yon."anang lalaki.
Ang tinuturo nito sa kanya ay ang itim na Montero.Tinted ang sa loob nito at na tiyak ni Angela na kung ano man ang mangyayari sa loob ay hindi makikita ng mga taong nasa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/166083104-288-k710884.jpg)
BINABASA MO ANG
My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)
Ficção GeralThis is the love story of David. Can you love someone truly if you thought you can't move on to your first love? David can't resist the beauty of Angela.On their first meeting ,he thinks in his entire life ngayon lang sya naniniwala ng love at firs...