Chapter 31

23 0 0
                                    

"Nay bakit niyo po nilihim sakin na ako ang naging bunga ng karahasan nig tatay ko sayo ha?tanong ni Angeline sa ina habang namimilibis ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kanina pa siya takbo ng takbo sa subdivision  nila para makaiwas sa ina.Gustuhin man niyang lumabas ng guardhouse.Pero papalapit palang siya kanina ay hinarang na siya ng guard.Tinawagan daa kasi ang mga ito ng nanay kanina.Kaya wala siyang magagawa kundi tumakbo at umikot lang sa kalsada at kung saan na block na siya napadpad.Medyo malayo-layo na ang bahay nila mula rito sa kinaroroonan  nila ngayon.

"Angeline anak please patawarin mo ang nanay." Umiiyak na saad ng ina.

Ngunit isang iling ang sagot ni Angeline dito.

"Mapapatawad  po kita nay.Pero hindi ko mapapatawad ang ginawa ng tatay ko sayo.Hayop siya!Hayop!" Sigaw ni Angeline.

"Anak tama na yan please." Anang nanay niya at nilapitan siya at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry  po nay,sana pala di mo na lang ako binuhay.Dahil alam ko sa araw-araw na makikita mo ako.Naalala mo ang ginawa ng tatay ko sayo." Ani Angeline sabay iyak naman.

"Sshhh anak kahit kailan hinding-hindi ko pinagsisihan na binuhay kita dito sa mundo wala kang kasalanan anak.At kung mayroon mang may kasalan  iyon  ay ang tatay mong si Alfred." Anang nanay niya at humikbi din.

Nag-iiyakan silang mag-ina sa kilid ng kalsada na iyon.Mabuti na lang at mangilan-ngilan ang bahay na nandoon palang at ang iba naman ay underconstruction Pa.

"Dapat papanagutan ng tatay ko sa batas ang ginawa sayo nay." Anang Angeline sa ina.

"Kahit gustuhin ko man anak dati.Ngunit wala akong tapang na guluhin ang buhay ng tatay mo.Saka wala akong sapat na ebidensiya na Ibibigay sa korte.Wala din akong nakuhang suporta noon mula kay tatay Leandro mo.Dahil hindi siya naniwala na nirape ako ng kaibigan niyang si Alfred your father. Inisip ni tatay Leandro mo na niloko ko siya at may relasyon kami ni tatay Alfred mo.Nagpaliwanag ako sa kanya.Pero hindi siya nakinig anak."Mahabang paliwanag ng ina sa kanya.

Awa at galit ang naramdaman ni Angeline ng marinig ang sinabi ng ina.

Awa para sa ina at galit para sa tatay niya.Tatay niyang rapist na kahit kailan hindi niya kayang tawaging tatay.Kriminal ang tatay niya para sa kanya.Alam niya kung paano kasakit para sa ina ang lahat ng nangyari dito.Lalong-lalo na walang pumanig at walang naniwala dito.

Kung hindi man nakuha ng nanay niya ang hustisya na hinihingi dito.Ngayon siya ang gagawa para dito.Sisiguraduhin niyang makakamit ng nanay niya ang hustisya.Pero  imbis na sasabihin yon sa ina ay pinili niyang itikom ang bibig at saka niya lang sasabihin dito.Kapag nagtagumpay siya sa Plano.

"Anak umuwi na tayo pagod na pagod na ako kanina Pa sa kakahabol sa yo." Anang nanay niya.

"Sorry po nay nabigla lang po kasi ako kanina.Saka di ko po talaga matanggap ang mga naririnig ko po kanina." Aniya sa ina.

Masakit talaga kanina ang mga naririnig ni Angeline.But maybe it takes time para maghilom ang mga sugat sa puso at isipan niya.And she  thinks,this is the most unfortunate time of her life.Ok lang naman sa kanya na mawalan ng tatay basta wag lang siya mawalan ng nanay.All her she assumed that tatay Leandro is her real father.Once in life she dreamed  too na someday maging ok din sila at mabuo pa ulit sila.Buong buhay niya na buhay siya sa maling akala.

Maya't Maya ay naramdaman niya ang kamay ng ina sa balikat niya saka inaya siya nitong maglakad pauwi sa kanilang bahay.Umuwi sila na may mga bahid ng mga luha ang kanilang mga Mata.Pero  kahit walang nagsasalita sa kanila habang naglalakad.Alam nilang mag-ina na ok na sila.Nagpapaliwanagan na ang isat-isa sa kanila.

My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon