Sa di kalayuan ay may nakikita na sasakyan na kulay puti si Angela.Napakunotnoo siya hindi pamilyar sa kanya kung kanino ang sasakyan na nasa harapan ngayon ng kanilang gate.
"Kaninong sasakyan yon bes?" ani Perla sa kanya.
"Hindi ko alam." Sabi niya sa kay Perla.
"Baka may bisita si tita." Ani Perla sa na ang tinutukoy nito ay ang nanay niya.
"Siguro." Tipid niyang sagot.
Inihinto ni Perla sa harapan ng gate nila Angela ang sasakyan nito.
"Pasok ka muna bes." Sabi ni Angela dito.
"Naku bes wag na may pupuntahan pa kasi ako.Thank you sa libre ha." Ani Perla sa kanya.
"Ikaw kanina Ka pa nagpapasalamat sa akin.Walang anuman Bes but next time dapat taya mo na ha?" Ani Angela na nakangiti dito sabay bukas ng pintuan ng sasakyan nito saka siya bumaba.Bago niya isara ang pintuan ng sasakyan ng kaibigan ay nagpasalamat siya dito.
"Ingat sa pag drive Bes ha." Aniya saka siya kumaway ito.
Pinaharurot naman ni Perla kaagad ang sasakyan nito.Parang nagmamadali ata ang kaibigan niya.Tinatanaw niya ang sasakyan nitong papalayo saka siya pumasok sa gate nila.Napakunotnoo siya kung bisita ng nanay niya ang may ari ng sasakyan na Vios na yon na nasa harapan ng gate nila. Bakit hindi ito pumasok sa loob ng bahay nila?Ang lapad pa naman kasi ng bakuran at garahe nila.May sasakyan sila na nasa garahe nila pero kasya pa doon ang dalawa pang sasakyan kung sakali man na may bisita sila.
Nang makapasok siya ay kaagad niyang naririnig ang mga tinig na nagtatalo.Iwan niya kung bakit kinakabahan siya at parang pamilyar ang tinig na naririnig niya.
"Niloko mo ako Chelsea and that's the reason I stay away from you 15 years ago.You're the first one who cheat not me.Gumanti lang ako sa'yo." Anang tinig ng lalaki na naririnig ni Angela.
Sa bawat paghakbang niya ay parang kay bigat ng mga paa niya at parang ayaw niyang marinig ang sasabihin ng kanyang ina.Ang lalaki ay nakaside view habang kinakausap nito ang nanay niya at hindi siya magkakamali kahit mahaba na ang panahon na wala ito sa piling nila ay kilala niya ang lalaking nakipagtalo ngayon sa nanay niya.
" Wala akong choice noon Leandro kundi ipaako ko ang anak ko sa'yo.I told you Alfred raped me pero ayaw mong maniwala sa akin noon.Dahil grabe ang tiwala mo noon sa kaibigan mong hayop.Nagpaliwanag ako sa'yo noon ng paulit-ulit habang nagmamakaawa ako na tulungan mo akong kasuhan si Alfred.Pero ano ang ginawa mo ha?Hindi ka naniwala sa akin at binawala mo ako.Until such time na pinagbubuntis ko noon si Angeline.Takot na takot ako noon kaya I took advantage na may nangyari sa atin.Kaya sabi ko ipaako ko sa'yo ang batang dinadala ko." Anang nanay niya habang umiiyak ito.
Dahil sa narinig ay natutop ni Angela ang bibig sabay singhap.At hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.Hindi niya alam na rape victim pala ang kanyang ina.Kahit Siya at Angeline ay walang alam dito.Dahil kahit kaylan hindi man Lang nagkwento sa kanila ang ina tungkol sa mga pinagdadaanan nito.Siguro ito Rin ang rason kung bakit minsan naririnig niyang umiiyak ang kanyang ina.Kung ganoon magkaiba sila ng ama ni Angela.
"Pero sa una palang hindi mo na sinabi Chelsea.Yes sinabi mong nirape Ka ni Alfred but nakita ko noon na lagi kayong magkasama kahit ako ANG asawa mo?Hinahalik-halikan Ka niya pa SA pisngi noon at sa labi.So paano ako maniniwala na nirape Kanya ha?" Anang tatay niya sa kanyang ina.
"Hindi yan totoo Leandro pinilit niyang sirain tayo. Oo Hinahalik-halikan niya ako noon sa noo at labi.Pero tiniis ko yon kahit diring-diri ako sa ginagawa niya.Dahil habang ginagawa niya yon sa akin ay tinutukan niya ako ng baril sa gilid ko.Dahil alam niyang nasa paligid Ka Lang." Anang nanay niya may mga luha pa rin itong namamalibis sa mga pisngi nito.
BINABASA MO ANG
My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)
Fiksi UmumThis is the love story of David. Can you love someone truly if you thought you can't move on to your first love? David can't resist the beauty of Angela.On their first meeting ,he thinks in his entire life ngayon lang sya naniniwala ng love at firs...