Masakit na buong katawan ni Angela.Nauuhaw at nagugutom na din siya.Nag-alala din siya sa kalagayan nilang mag-iina.Inalis na ni Precious ang piring niya sa mata pero may mga tali Pa din ang mga niya kamay at paa niya.Pero buti na lang nakahanap siya ng paraan kanina paano matanggal ang tali niya sa kamay.Dahil nakalimutan ni Dwayne ang cellphone nito sa lamesa na malapit lamang sa kinauupuan niya ay kaagad niyang naisipan na tawagan si David para makahingi siya ng tulong dito.Pagkatapos ay binura niya ang call logs at ibinalik niya din na itali ang mga kamay pero maluwag na.Baka kasi pagdudahan siya ni Dwayne at ni Precious kung tuluyan niyang tanggalin ang tali sa kamay.Nagulat siyang biglang bumukas ang Pinto.
"How's my step sister?"tanong ni Precious sa kanya habang may bitbit na paper bag ng sikat ng fast food chain.Nakasunod dito sa likuran nito si Dwayne wala na itong suot na bonnet na itim sa ngayon.Tahimik lang na nagmamasid si Angela sa kanilang dalawa.
"Oh ito kumain ka muna.Dahil kailangan mong paghandaan ang paghihirap mo." Ani Precious saka tumawa ng malakas at ipinatong nito ang mga pagkain niya sa lamesa kasama ng tubig na nakalagay na kaagad sa baso.
"Paano naman yan kakain ang kapatid mo Precious kung nakatali ang mga kamay niya?"ani Dwayne dito.
"Ay oo nga pala ang tanga,tanga ko."ani Precious saka nilapitan si Angela upang tanggalin ang tali na nasa kamay niya.
Pinapanalangin lang ni Angela na Hindi mahalata ni Precious na pinakailaman niya ang tali sa kamay niya.Napapikit siya ng tuluyan nitong hawakan ang mga kamay niya habang niluluwagan ang tali nito.
"Oh ayan na siguro makakain na niyan ng komportable."ani Precious sabay tayo.
Laking pasasalamat naman ni Angela dahil kahit papano ay Hindi nito nahalata na may nagbago sa kanyang pagtali sa kamay.Nang tuluyan ng natanggal ang tali niya sa kamay ay kaagad naman na sinunggaban ni Angela ang mga pagkain na sana harapan niya.Kailangan niya kumain para makaipon ng lakas para makatakas sa dalawang ito.Nanganganib silang mag-ina.Habang kumakain siya ay siya naman' nagmamasid ang dalawa sa kanya pero binalewala niya na lamang.Ang important sa kanya mabusog siya.
"Kain ka lang ng kain Angela total huling kain mo na lang yan."ani Dwayne sa kanya.
"Oo nga naman."dagdag Pa ni Precious saka nagtawanan Pa ang mga ito.
Napalunok si Angela sa sobrang takot.Base sa kinikilos ng dalawa ay nakadroga ang mga ito.Nanlilisik ang mga Mata ni Dwayne habang nakatingin sa kanya ganoon din si Precious.Mamula-mula din ang mga Mata ng mga ito.Pero nagfocus lang si Angela sa pagkain niya.Kailangan niyang matapos kumain kaagad para makapag-isip siya kung paano makatakas sa dalawang ito.Nang makatapos ng pagkain si Angela ay kaagad siyang uminom ng tubig at nagpahinga.Niligpit na din ni Precious ang pinagkainan niya.
"Bantayan mo muna yan Dwayne ha.May kukunin lang ako sa sasakyan sa baba."anang Precious dito.
Matagal bumalik si Precious kaya parang naiinip na din si Dwayne sa paghihintay dito.Naghihikab ito at alam ni Angela na wala itong tulog buhat kahapon na pumunta sila dito sa farmhouse.Napatingin si Angela sa mga kamay hndi pala ibinalik ni Precious ang tali ng mga kamay niya.Bago siya yumuko ay tiningnan niya muna kung nakatingin sa kanya si Dwayne.Nakaupo ito sa sulok habang nakapikit.Ang gago madali palang matulog kapag pagod at puyat.Kaya kaagad-agad niyang tinanggal ang tali sa paa.Pagkatapos ay tayo siya ng dahan-dahan para Hindi marinig ni Dwayne ang ingay mula sa upuan.Tiningnan ni Angela ang bawat sulok ng kwarto na iyon kung may makikita siya na panghampas sa ulo ni Dwayne.Buti na lang nakakita siya ng kahoy.At dahan-dahan siyang lumapit kay Dwayne at inihampas niya dito ng malakas.Saka siya naglakad ng dahan-dahan.Lumingon siya sa kinaroroonan ni Dwayne may mga dugo na dumadaloy sa ulo nito.Gustuhin man niyang makonsensya dahil sa ginawa pero kailangan nilang maging ligtas na mag-ina.Hawak ang tiyan ay dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan.Nang makita niyang papanhik si Precious ay kaagad na nagtago si Angela sa is a sa mga kwarto na iyon.Naririnig niya ang mga yapag ni Precious.Pakanta-kanta Pa ito habang nagpapanhik ng hagdanan.Nang tuluyan na itong nakapanhik ay naging alerto naman si Angela sa pagbaba ng hagdanan na walang ingay.Nangtuluyan na siyang makababa ay kaagad siyang lumabas ng maindoor.Pero bago mangyari yon ay may pumigil sa likuran niya.
"What do you think your doing my dear step sister?"ani Precious sa kanya sabay tutuk sa kanya ng baril at hinawakan nito ang buhok ni Angela at sinabunutan siya nito.
Napadaing naman sa sakit si Angela.
"Precious please pakawalan mo na ako.Maawa ka sa Akin."nagmamakaawang saad dito ni Angela.
Ngunit tawa lang ang sagot sa kanya ni Precious.
"Bakit naman kita pakakawalan ah?"anito sa kanya sabay pinaharap siya nito sa kanya saka pinagsasampal siya nito.
"Kulang Pa to sa mga ginawa ng daddy sa mommy ko.Kulang Pa to sa mga ginawa mo sa pag-agaw ng asawa ko."ani Precious habang pinagsasampal siya sabay sabunot ng buhok niya.
Pakiramdam ni Angela ay nandidilim ang kanyang mga paningin.Ngunit pinilit niyang lumaban kay Precious tinulak niya ito.Ginamit niya ang lahat ng lakas para matulak ito.Hanggang sa narinig niya na lamang ang pagbagsak nito sa sahig.
"Wala akong kinalaman sa ginawa ng tatay ko sayo Precious.At hindi ko inagaw sayo si David.Come to think of it siya ang lumapit sa Akin at nangligaw."Ani Angela sa galit na tono habang umiiyak na din.
"Anong walang kinalaman ha?May kinalaman ka!May kinalaman kayo lahat ng pamilya mo.Inagaw nyo lahat sa Akin!.Pamilya ko at ang asawa ko."Sigaw ni Precious sabay tayo at itinutok nito ulit sa kanya ang hawak nitong baril.
"Lahat kayo kinuha niyo sa Akin."anang Precious hawak ng dalawang kamay nito ang baril habang may mga luha sa mga Mata nito.
"Lahat!lahat!"sigaw nito sabay itinaas ang baril na hawak nito at ipinutok.
Nanginginig ang katawan ni Angela sa sobrang takot.Alam niyang papatayin talaga siya ni Precious.Inobserbahan niya ang mga bawat kilos nito.
Tumawa ng malakas si Precious habang nakatingin sa kanya.
"Natatakot ka pala?tanong ni Precious sa kanya sabay tawa ulit habang umiiyak ito.
Itinutok nito ang baril sa kanya at nakikita na ni Angela na pitikin na nito ang gatilyo ng baril.Kaya napapikit na lamang siya habang hinihintay na matamaan siya ng baril.Nang biglang bumukas ang maindoor at pumasok ang mga kapulisan at tumakbo si David upang agawin kay Precious ang baril at nagtagumpay naman ito.Kasunod nito ang tatay ni Angela.Pinusasan ng mga pulis si Precious.Bigla naman napamulat si Angela dahil sa komusyon dahil nanlaban si Precious sa mga pulis.Ngunit wala itong magagawa ng tuluyan itong mapusasan.
"Thank God we're on time love."ani David saka niyakap ng mahigpit si Angela.
Si angela naman ay iyak ng iyak habang kayakap ang nobyo.Nilapitan din siya ng ama saka niyakap."Salamat anak ligtas ka."anang tatay niya habang umiiyak ito.
"Kung hndi nga kayo nakarating ng tama sa oras baka bangkay na talaga ako."ani Angela habang umiiyak.
Nakita nilang pinusasan din ng mga pulis si Dwayne.Habang bumababa ito ng hagdanan ay kaagad naman itong nilapitan ni David at sinikmurahan at sinuntok sa mukha nito.
"Pinagkatiwalaan kita Dwayne akala ko Pa naman maasahan ka.Pero dahil sayo muntik ng mawala ang mag-ina ko.Pagbabayaran mo ito sa bilangguan ang ginawa mo."anang David na galit na galit.
"Mr.Buenaventura kailangan po ng statement ng nobya niyo para tuluyan na natin' maakyatan ng kaso ang dalawa."anang isang Pulis kay David.Tumango naman ang huli at lumabas na sila at isinakay si Angela sa ambulance para maagapan kaagad ang mga sugat at gasgas sa para at katawan.Habang si Dwayne naman at Precious ay isinakay ng mga pulis sa sasakyan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)
General FictionThis is the love story of David. Can you love someone truly if you thought you can't move on to your first love? David can't resist the beauty of Angela.On their first meeting ,he thinks in his entire life ngayon lang sya naniniwala ng love at firs...