Nasa labas na ng Mall si Angela at nag-aabang ng taxi.Next time talaga mag-eenrol na talaga siya sa driving school para hindi na siya mahihirapan pa sa pagcommute medyo traffic pa naman sa ngayon .Tiyak na mahihirapan siya sa pagsakay kahit pumipila ang mga taxi na naroroon.Dahil maraming pasahero rin ang nag-aabang.
Habang bitbit niya ang Pizza at Ice cream na pasalubong sa ina at kapatid ay hindi niya maiwasang nakadama ng lungkot na may nakita siyang batang pulubi na palapit sa kanyang kinaroroonan.
"Ate pahingi naman po ng pera kahit barya na lang po.Kasi nagugutom na ako kanina pa." Anang batang babae sa kanya.
Ang mga mata nito'y parang nakikiusap sa kanya habang nakatingin ito sa kanyang mga Mata.
"Teka sandali ha". Ani Angela dito at kinuha niya sa bag niya ang wallet niya at kumuha ng isang daang piso saka ibinigay niya ito sa batang babae.
"Yan ibili mo yan ng pagkain mo ha.Saan ba mga magulang mo?ani Angela sa bata.
"Ulilang lubos na po ako ate.Dito lang po ako sa kalsada natutulog.Saka ate salamat dito ha hindi Ka lang pala maganda ,ang bait mo pa." Anang bata sa kanya.
Dahil sa sinabi ng batang babae ay napangiti si Angela.
"Salamat.Ikaw din eh maganda Ka din." Aniya sa bata.
Totoo naman kasing maganda ang batang kaharap niya sa ngayon.Maganda ang pilik mata nito,at may katamtamang kataasan ng ilong na bumagay sa bilugang mukha nito.Kahit madungis ang bata at punit-punit ang damit ay agaw pansin pa rin ang kagandahang taglay nito.
"Talaga ate?" Namilog ang mga mata nito sa tuwa dahil sa sinabi niya.
"Oo naman" ani Angela saka ginulo ang buhok ng batang babae.
"Pareho pala tayong maganda ate at syempre ang cute pa." Anang bata.
"Ano ba pangalan mo?tanong ni Angela dito.
"Cathy po."sagot nito.
"Ako naman si ate Angela mo Cathy." Aniya.
"Gandang pangalan mo ate tunog pangalan ng anghel mula sa langit.Sana hindi pa sumalangit ang kaluluwa niyo ang ganda niyo eh." Anang bata.
Imbis na magalit sa sinabi ng bata ay natawa na lamang si Angela.
"Oh siya bili Ka na ng pagkain mo.Diba sabi mo nagugutom Ka na?" Ani Angela.
"Salamat ate Angela na maganda sana makapag-asawa Ka na ng maaga." Anito saka kumaripas ng takbo.
Napailing na lamang si Angela saka napangiti na rin dahil sa sinabi ng batang babae SA kanya.
"Diba anak yon ni former Mayor Leandro yon?" Anang tinig mula sa likuran niya.
"Ah oo ito 'yong panganay niya si Angela ang ganda at ang bait na bata naman.Kahit kaylan talaga mabait yon talaga." Anang isa pa.
Hindi alam ni Angela na natatandaan pa siya ng dalawang matandang babae na anak siya Ng dating Mayor sa bayan nila. 15 years na ang nakakaraan pero natatandaan pa siya Ng mga Ito.Lumingon siya sa kinaroroonan Ng mga Ito at ngumiti na lamang.Gumanti rin ng ngiti ang mga ito.Dati kasi tuwing may kampanya si tatay niya ay sumasama siya at na expose din siya SA mga Tao kaya siguro siya nakilala ng mga ito.
Pumara siya ng taxi at sumakay na kaagad pagabi na pala 6:45 p.m na ayon sa relong pambisig niya.Mabuti na lang may bakanteng taxi na pumipila kanina.Naaliw kasi siya sa paglilibot kanina sa Mall pagkatapos niyang kumain kanina sa foodcourt.Medyo takot siyang mag-isa habang nagtataxi especially kapag Gabi na.Pero mukhang ok naman ang pagmumukha ni manong driver mukha naman itong hindi addict.
BINABASA MO ANG
My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)
General FictionThis is the love story of David. Can you love someone truly if you thought you can't move on to your first love? David can't resist the beauty of Angela.On their first meeting ,he thinks in his entire life ngayon lang sya naniniwala ng love at firs...