Chapter 2

132 7 2
                                    

Nagising si Angela ng marinig niya ang mga ingay sa paligid niya.Ang dahilan niyon ay ang pag-usap ng dalawang bantay na katabi rin ng kapatid.Mga pitong pasyente ang naroroon sa emergency room.

"Pasensiya na ineng na gising ka sa ingay Namin." Paumanhin ng isang matanda sa kanya.

Ngumiti si Angela ng tipid sabay sabing:ok lang ho manang.

Bumangon siya at sinilip ang kapatid na tulog pa.Saka niya tiningnan ang orasan na nasa dingding ng emergency room.Mag-aalasais na pala ng umaga kaya pala nagugutom na rin siya.Dahan-dahan siyang bumangon at inunat-unat ang katawan. Masakit kasi ang katawan niya dahilan siguro sa hindi komportable ang higaan niya.

"Manang pwede po makisuyo po paki bantay muna po ng kapatid ko bibili lang po ako ng pagkain labas." ani Angela sa isang babae na nakangitian niya kani-kanina lamang.

"Sige ineng. Ano nga pala pangalan mo?tanong nito.

"Angela po " Sagot niya.

"Bagay saiyo ang pangalan na iyan ineng.Para kang angel tapos mukhang Ka pang bata.Siguro 18 years old Ka palang ano?

Tumawa ng mahina si Angela.
"Hindi ho manang 24 na po ako" Anito rito.

"Hindi halata ha mas mapagkamalan kang bata" anito sa kanya.

Kayo po manang ano pangalan mo?

"Tawagin mo na Lang akong aling Pacita ineng.Pacita ang pangalan ko." Anito.

"Sige ho manang lalabas po muna ako ha.Mamaya po natin eh dagdagan ang kwentuhan natin." Paalam ni Angela saka lumabas ng emergency room.

Nang nasa labas na siya ay kaagad niyang nakita ang nagtitinda ng lugaw.Yan na Lang muna ang kakainin niya para maiinitan ang kanyang tiyan.Sigurado mamaya nandito na ang kanyang tiyahin at sana may dala itong pagkain para sa kanya.Ayaw niya sanang gastusin ang perang nasa wallet niya .Dahil baka mamaya may eririseta ang doctor na gamot para sa kapatid niya.Nahihiya siya sa kanyang tiyahin na ito pa ang gagastos sa gamot ng kapatid niya.Pero fifty pesos Lang ang ibabawas niya sa pera niya.Bumili na rin siya ng pandesal pampares sa lugaw

Nang makabili na siya ng lugaw at pandesal ay kaagad siyang bumalik sa emergency room.At nakita niya na kumakain ang mga bantay ng mga pasyente at ang iba naman kagigising pa lamang.

"Manang Pacita pandesal ho."Alok niya sa matanda.

"Salamat na lamang ineng may pagkain kami rito ng anak ko." Anito

Napano pala ang anak nyo manang?tanong niya.

"Naaksidente sa motor lasing kasi pumilit na magdrive.Pinigilan sana ng pinsan pero nagpumilit siya na umuwi sa bahay.Kaya heto ngayon nasa ospital kami.

"At ano naman ang nangyari diyan sa kapatid mo ineng?

"Naaksidente rin po manang.Nang dahilan sa asaran naaksidente Siya mabuti na Lang ho nakapagpreno ang driver.Dahil Kung wala napuruhan sana siya.

Habang nagkukwetuhan sina aling Pacita at Angela ay kumakain siya.

Maya't maya ay dumating naman ang pakain ng mga pasyente. Kaya natigil ang kwentuhan nila ni aling PacitaSi Angeline naman ay gising na at yon ang pinagpapasalamat ni Angela dahilan Hindi na ito ililipat sa ICU.Kahit hindi siya Nurse alam ni Angela na Hindi malala ang natamo ng kapatid.Nasobrahan Lang siguro ito ng takot ng maaksidente at yon ang dahilan na nawala ito ng malay.Pero eh assure niya na ok talaga ang kapatid mamaya kapag nakapag x-ray ito.Kung pwede lang naipa citiscan niya ang ulo nito.

"Angeline kumain ka muna susubuan ka ni ate." Anita sa kapatid.

"Ate wala akong gana."mahina nitong saad.

My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon