Chapter 7

68 4 0
                                    

Pagkatapos ni Angela na kumain ay kinausap siya ng lalaki.Nakakahiya talaga marami na nga siyang kinain at dumighay pa siya ng malakas sa harapan ng lalaki until now di niya pa ito kilala kahit pangalan lang nito.

"By the way I'm David Buenaventura and you are? pakilala ng lalaki sa kay Angela.

Magkaharap sila sa ngayon sa dining table at nahugasan naman ni Angela ang pinagkainan niya kanina.Nakakahiya naman kasi sa poging kidnapper niya kung ito pa ang ipaghugas niya ng pinagkainan niya.

"Angela Cereno." Tipid niyang sagot sa kay David.

"Nagtatrabaho ka pala sa city Hall and you're also one of the executive assistant of my dear friend Ricardo." Anang David sa kanya.

Kaya nagulat si Angela bakit alam ng lalaking ito kung ano at saan siya nagtatrabaho?

Siguro nabasa nito kung ano ang nasa isipan niya.

"Sorry pero pinakealaman ko ang nasa bag mo kagabi.And that's the reason na hindi ka na dapat mag-alala na hahanapin ka pa ni mayor Ricardo and ng nanay mo.They knew that you're here on my condo." Anito.

"Pero kailangan ko na talagang umuwi David please naman.Kung ano man ang naging atraso ko saiyo pwede mo naman Siguro akong patawarin diba?" Ani Angela.

Hindi man lang nagsalita ang binata bagkus he keeps staring at her firmly while grinning.

Si Angela naman ay nagpipigil ng inis kailangan niyang habaaan ang pasensiya niya.Para sa ganoon makumbinsi niya si David na pwede na siyang makauwi sa kanila.Naiilang kasi siya kapag nakakaharap niya ang binata at di niya alam kung bakit.

"If you really want to go home then I have my condition before I'll allow you to get out of this pad." Anito.

Kinakabahan man si Angela sa maaaring maging kondisyon ng binata.Pero kailangan niya talagang makauwi sa ngayon kaya dapat sunggaban niya na ang mga kondisyon ng binata.

"Ano ang kondisyon mo?" Ani Angela at nariyan pa rin ang kaba sa dibdib niya.

"Be my bed partner." sagot ng binata sa kanya.

Halos parang nabingi si Angela sa narinig at nanlaki ang mga mata niyang nakatingin Kay David.

"Ulitin mo ang sinabi mo." Ani Angela sa galit na tono.

"I said be my bed partner.And I'll allow you to get out of here.And sweetheart I am not kidding here." Ani David saka siya tinitigan ng may pagnanasa.

"Maniac!" Ani Angela dito saka niya sinampal ang binata.Nanginginig siya sa sobrang galit.Nagsisi talaga siya kung bakit sumama pa siya kay Perla kagabi.Sana wala siya sa sitwasyon niya sa ngayon.

Malakas ang sampal na ibibigay ni Angela sa binata.Kaya halos mabingi ito sa ginawa niya at nagulat na lang siya ng bigla siya nitong itinayo at isinandal sa pader.

"Don't force me to punish you woman.And no woman slap me except sa ginawa mo a while ago." Ani David kay Angela galit ang nakikita ng dalaga sa mga mata nito ngayon.Bumaba ang tingin nito sa mga labi ni Angela and he knew that he can't control himself anymore.He kiss her firmly.

At si Angela naman ay nagulat sa ginawa ng binata.Wala siyang kaalam-alam kung paano humalik Kaya hinayaan niya lamang na halikan siya ng binata.

"Shit!I know you're too innocent and unexperience to this things." Ani David saka siya binitawan nito.Saka lumayo ito kay Angela at isinabunot nito ang buhok pagkatapos.

Napaiyak na lamang si Angela di niya alam kung paano siya makatakas sa binata.

Habang si David naman ay pinipiga ang dibdib nito ng marinig niya na umiiyak ang dalaga.Kaya bumalik siya sa pwesto ni Angela at inalo ito.

My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon