Part 8: Mission
"Alam kong ang ibabaw ng lupa ay masyadong malawak para mahanap ang aking ama. Pero hindi ito nangangahulugan na susuko ako. Sa tingin ko ay magiging komplikado na ang lahat mula dito," bulong ni Yue habang nakatingin ito sa karagatan.
Tumingin sa kanya si Seres, "Yue, minsan ay hindi nagiging mabait sa atin ang buhay. Ang buhay ay maihahalintulad rin sa mga alon ng karagatan. Tumaas ito at bumababa na ang ibig sabihin ay walang permanente sa buhay. Sa isang iglap ang lahat ay maaaring magbago,"paliwanag niya, nagbitiw ng simple ngiti.
"Katulad ng buhay ko, minsan ay masaya at kung minsan naman ay sobrang lungkot. Marahil ito ang dahil kaya walang perfect araw. Dahil kung ang bawat araw sa ating buhay ay perpekto na, hindi na gagawa ang Diyos ng bukas" tugon ni Yue, tumabi siya sa kanyang ina at saka humiga sa hita nito.
Sabay nilang pinagmasdan ng magandang paglubog ng araw sa kalangitan.
Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ito sa takdang araw na ibibigay na kay Yue ang kanyang misyon. Noong araw ding iyon ay nagkaisa ang mga elder Mermaid na ipaliwanag ang mga bagay na dapat niyang gawin.
"Yuelo, nais kong malaman mo na ibibigay namin sa iyo ang misyon dahil alam namin ikaw lamang ang pinaka may kakayahan na isagawa ito. Ikaw lamang ang may kakayahang lumaban sa mga tao katulad ng ginawa mong pagpaparusa sa mga mangingisdang nang aabuso sa karagatan. Batid namin na ikaw ay may sapat na lakas at tapang para tumayo sa iyong paa at maglakbay doon sa itaas ng lupa," ang paliwanag ng mga matatandang mermaid guides.
"Kung ganoon, ano ba ang aking misyon? Ano ba ang mga bagay na dapat kong gawin?" tanong ni Yue, hindi niya maiwasang malito.
"Una sa lahat ay narito ang tatak ng tangke na nagsabog ng lason sa ating tahanang Liquara. Ito ang pumatay sa libo libong lamang dagat kabilang na ang ilan sa ating mga kalahi. Nakasulat sa tangke ng langis ang salitang "Guerrero".
"At ayon sa mga kalahi nating mga sirena na naka base sa itaas ng lupa ay pag aari ng isang mayamang negosyante na si Ryou Guerrero ang mga barkong nagtapon ng lason sa ating tahanan. Siya ang dapat managot sa trahedyang ito," paliwanag ng mga elder mermaids.
"Nauunawaan ko," simpleng sagot ni Yue.
"At ang iyong misyon ay PATAYIN si Ryou Guerrero! Buhay ang kanyang inutang kaya't buhay rin ang kabayaran!" Kailangan mo siyang patayin upang maipagahiganti ang ating mga kalahi at mahal sa buhay na kanyang napatay!" ang galit na salita ng elder mermaid.
"Pero elders, si Yue ay hindi isang mamamatay tao! Bakit kailangan siya ang gumawa ng ganitong bagay?" pagtutol ni Seres.
"Nasabi ko na ang dahilan kung bakit at ayoko nang paulit ulit. Gagawin ni Yuelo ang misyon at ito ang tinitakda para sa kanya!" sagot ng mga elders.
"Pero, wala akong karanasan sa pagpatay ng tao," sagot din ni Yue.
"Nagpapatawa ka ba Yuelo? Wala kang karanasan sa pagpatay ng tao? Hindi ba't ilang mga mangingisda na ang pinatay mo at ilang mga inosenteng tao ang nadamay noong palubugin mo sa tubig ang isla ng mga mangingisda? Huwag mo kaming artehan na parang isa kang maamong tupa."
Tawanan silang lahat!
Samantalang napahiya naman si Yue sa kanyang sarili. "Pero ang sitwasyon na nais niyo ay magkaiba."
"Magkaiba? Sa tingin ko ay walang pinagkaiba iyon dahil pareho lamang pagpatay ang sentro ng gawain. Siguro naman ay mas madaling pumatay ng isang tao kaysa sa pumatay ng isang buong isla. Tama ba? Yuelo?"
Natahimik si Yue at hindi na nakasagot pa. Alam ng lahat na kapag gumawa ng desisyon ang matatandang mermaid ay hindi na ito nababago pa. At walang magagawa si Yue kundi ang sumunod at ihanda ang kanyang sarili. Umiiyak pa rin si Seres noong mga oras na iyon ngunit ang mga luha ay bale wala dahil ang sitwasyon na hindi na mababago pa ng pag iyak.
"Sasama ako sa iyo sa itaas ng lupa, gusto mo bang mamuhay na lang tayo doon ng magkasama?" tanong ni Seres.
"Inay, mas ligtas sa lugar na ito. Hindi ko makakaya na dalawa pa tayong malalagay sa panganiba ang buhay doon sa itaas," Pagtanggi ni Yue. He was thinking na mas magiging maayos ang buhay kanyang ina dito kaysa doon sa ibabaw ng lupa. Siguro ay kaya na niyang i-handle ng maayos ang kanyang sarili.
Noong una ang akala ni Seres na simple misyon lamang ang ipapagawa kay Yue katulad ng mga ipinapagawang misyon sa ibang mga sirena na umaakyat sa lupa. Karaniwan sa kanila ay nag aaral lamang bumasa o sumulat, nag t-trabaho at nakikisalamuha ng normal sa mga tao.
Kaya ganoon na lang ang kanyang pagkabigla noong malaman na ang major mission ni Yue ay ang patayin o I-assassinate ang may ari ng pinakamalaking oil company sa lupa na si Ryou Guerrero.
Kahit tutol siya at ayaw niyang pumayag ay wala siyang nagawa dahil si Yue na mismo ang nagdesisyon na gawin ang misyon para ikatatahimik ng lahat. Habang nandito si Yue sa Tsunaria ay paulit ulit lamang siya bubulabugin ng mga matatandang sirena para isagawa ang misyon.
"Yue, kung talagang desidido ka na at hindi na kita mapipigilan ay nais kong dalhin mo ito," wika ni Seres, ibinigay niya kay Yue ang isang uri ng kabibe, kulay berde ito.
"Ano ito, inay?" tanong ni Yue.
"Hanapin mo si Marine, kaibigan namin siya ng iyong ina. Ibigay mo sa kanya ang kabibeng ito at alam na niya ang dapat gawin,"paliwanag ng kanyang ina.
"Pero, paano ko matatagpuan si Marine? Masyadong malawak ang ibabaw ng lupa?" tanong ni Yue na may pagkalito.
"Don't worry, kapag nakatungtong ka na sa lupa, ang kabibe mismo ang magdadala sa iyo kay Marine. At mayroon akong isa pang hiling sa iyo," dagdag ni Seres.
"Ano iyon, inay?"
"Yue, pakiusap ingatan mo ang iyong sarili. Hindi magiging madali ang pagtungtong mo sa lupa, may mga araw na makakaramdam ka ng takot at pangamba, may mga gabi na makakaramdam ka ng lungkot. Ngunit nais kong malaman mo na nandito lamang ako para sa iyo. Kapag bumalik ka dito sa karagatan ay naghihintay lamang ako sa iyo," wika ni Seres, at nagsimula na siyang lumuha.
Noong mga sandaling iyon ay walang nagawa si Yue kundi yakapin ang kanyang ina. They are not related by blood ngunit pinagbibigkis naman sila ng kanilang mga puso. Mahal na mahal si Seres si Yue dahil silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay.
Natatakot siya para sa binata dahil alam niyang hindi madali ang buhay doon sa ibabaw ng lupa.
Pero ang twist of fate ay hindi matatakasan at mga nakatakdang maganap ang siyang mangyayari.
Ilang araw ang lumipas at dumating ang araw na si Yue ay aakyat sa highland, dala niya ang lahat ng itinuro sa kanya ni Seres. Naging emosyonal ang dalawa habang nagpapaalam sa isa't isa. Gayon pa man ay nangako si Yue na iingatan ang kanyang sarili at babalik na dala ang tagumpay sa kanyang misyon.
Isang mahigpit na yakap ang huli niyang iginawad kay Seres bago siya tuluyang lumangoy palabas ng Tsunaria. "Ingatan of ang sarili mo Yuelo!" ang sigaw ng kanyang ina habang pinagmamasdan siyang lumangoy palayo.
"Umasa ka ina! Mahal na mahal kita!!" ang sagot ni Yue at kumaway pa ito saka lumangoy ng mabilis.
Nagliliwanag ang kanyang pilak na buntot na gumuguhit sa karagatan. Noong mga sandaling iyon ay halo halo ang emosyong naramdaman niya dahil hind niya alam kung ano ang hihintay kanyang pag akyat doon sa high land.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...