Part 28: Imagination
"Dahan dahan lang po ang pagbangon sir Ryou, may masakit po ba sa inyo?" tanong ng maid noong sandaling idilat niya ang mga mata.
"Anong nangyari? Bakit nandito ako?" ang nagpapanic na tanong ng binata noong matagpuan ang sarili na nakahiga sa kanyang silid.
Agad namang lumapit sa kanya ang kaibigang si Gino at pinakalma siya nito, "chillax bro, bakit ka ba nagpapanic? Huminahon ka nga muna."
"Nasaan si Yue? Nasaan ang iba? Anong nangyari sa kanila?" tanong ng binata at noong sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata ay naalala niya ang kakaibang pangyayari kagabi. Habang siya nakalubog sa karagatan ay iniligtas siya ng isang merman na may silver na buntot. Niyakap siya nito at mabilis na dinala sa mga batuhan kung saan siya magiging ligtas.
Habang nakahiga ay nagawa pa niyang idilat ang kanyang mga mata at dito ay nakunpirma niyang isang kakaibang nilalang nga ang nagligtas sa kanya.
"Arrghh!" tila kumikirot ang kanyang ulo habang binabalikan niya ang pangyayari kagabi. Ang lahat ng ito ay malinaw sa kanyang isipan. Iyon nga lang ay hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng nagligtas sa kanya. At sino naman ang maniniwalang isinalba siya ng isang sirena?
"Bro, ligtas naman ang lahat. Ang nangyari kagabi ay isang natural calamity. Walang nakapag-ppredict ng lindol. At ang pinakamalakas na bahagi nito ay tumama mismo sa ilalim ng karagatan. Mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng tsunami o kung anumang mas malagim na sakuna. Ang yateng sinasakyan niyo ay tumagilid ngunit nakasurvive naman ito. Tumagal lamang ng ilang sandali ang paglindol at noong tumigil ito ay bumalik na rin sa normal ang lahat," ang paliwanag ni Gino.
"Nasaan si Yue? Ang ibang mga sakay ng yate?" tanong ng binata.
"Si Yue ay iniligtas ng mga life saver ng bangka at ligtas ito. Wala namang nasaktan at ang mga painting collection mo ay ligtas rin, ngayon ay nasa warehouse na ulit ang mga ito. Siguro mas maganda kung pahinga ka muna," ang wika ni Gino.
Natahimik si Ryou at napaisip, "Sandali, sino yung nagligtas sa akin?" tanong ng binata.
"Tumilapon ka daw sa karagatan, mabuti at alerto ang mga life guard ng yate. Isa doon ang nagligtas sa iyo," ang sagot ni Gino.
"Life guard? Sigurado ka? Parang iba yata ang nakita ko doon sa ilalim ng tubig," ang sagot ng binata na hindi maiwasang magtaka at mag isip.
"Kakaiba katulad ng? Don't tell me na iniisip mong isang sirena ang nagligtas sa iyo?" tanong ni Gino.
Inilapit ni Ryou ang mukha niya kay Gino at saka bumulong ito, "maniwala ka sa akin bro, hindi life guard ang nagligtas sa akin. Iba ang nakita ko, isang nilalang na may silver glowing tail na parang isang sirena," ang seryosong sagot ni Ryou.
Natahimik si Gino at napatingin ng seryoso sa kaibigan, maya maya nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at biglang humagalpak sa pagtawa. "Bro, huwag mo nga akong biruin ng ganyan."
"Hindi ako nagbibiro, totoo yung sinasabi ko dahil iyon ang nakita ng dalawang mata ko," ang katwiran ni Ryou.
"Bro, alam mo ba na may paniniwala ang mga matatanda na kapag raw ang isang tao ay nalagay sa life and death situation ay nagkakaroon siya ng hallucination. Maaaring nagkaroon ka nito at ang nasa isip mo ay ang makakita ng isang sirena na magsasalba sa iyo. Kaya iyon ang ipinakita ng iyong mga mata sa iyo. Maaaring isa itong uri ng visual projection na kung ano ang nasa isipan mo ay iyon makikita mo. Halimbawa kung ikaw ay nasa isang lumang bahay at iniisip mo na may multo doon, the moment na humarap ka sa binata ay nakakita ka ng white lady pero ang totoo ay gawa gawa lang ito ng mata mo dahil hindi naman talaga white lady ang nandoon kundi isang kurtinang puti na lamang. Marahil ay na-misinterpret mo ang life guard into mermaids. Well, iyan ay isang scientific explanation lamang," ang paliwanag ni Gino.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
ФэнтезиIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...