Part 48: Sadness

460 44 0
                                    

Part 48: Sadness

YUELO POV

Isang komplikadong desisyon ang umalis at tumalikod sa lahat ng bagay na aming nakasanayan. Ngunit wala naman kaming ibang pamimilian dahil napakadelikado sa amin ang manatili sa isang lugar.

Ngayon ay tiyak na magsisimula na ang pagbabago sa aming buhay, magsisimula na kaming magpalipat-lipat sa iba't ibang lugar upang makatiyak sa aming seguridad at kaligtasan.

Dahil hindi na rin maaaring bumalik ang aking ina na si Seres sa Tsunaria ay minabuti na lamang niya sumama sa amin at muling tumuntong sa high para magsimula ng bagong buhay.

Kaya naman sa bukas ng liwayway at magkaroon kami ng mga paa ay agad naming kinuha ang aming mga gamit at patahimik kaming lumisan sa aming tinitirhan na tahanan malapit sa seawall. Tiyak na mamimiss ko ang mga taong parating bumibili sa akin ng mga souvenirs at tiyak na mamimiss ko rin si Ryou, ang taong nagbigay sa akin ng kaligayahan.

"Malungkot ang luminsan ngunit ito lang ang nararapat naming gawin. Sana ay dumating ang araw na makabalik akong muli dito at makagawa ng mas magagandang ala-ala. Pero sa ngayon, ang pansamantalang pagpapaalam ang aking ibubulong sa hangin. Sana ay marating ito sa lahat ng taong mahalaga sa akin.

Sumakay kami nila inay at tiya Marine sa bus patungo sa malayong lugar. "Don't worry magiging maayos rin ang lahat sa atin. Ngayon ay magpahinga muna kayo dito sa bus at pagmasdan ang magagandang tanawin na ating madaraanan."

Lalong humigpit ang pagyakap ko sa braso ni Inay, "basta ako? Masaya ako dahil kasama natin si inay ngayon. Kahit papaano ay may dahilan pa rin ako para ngumiti at ipagpatuloy ang magulong hamon ng buhay," ang tugon ko naman.

"Ngayon ay medyo naninibago ba ako at nag aadjust sa aking paligid pero makakasanayan ko rin ito. Mas masaya ako dahil kasama ko kayong dalawa ngayon. At kahit saan pa tayo makarating ay paulit ulit akong magiging masaya dahil nandito kayong dalawa," tugon ni inay.

"Sayang, hindi masyadong maganda yung reunion nating tatlo dahil punong puno ito ng tensyon at problema. Gayon pa man sigurado kong masaya ang tunay na ina ni Yue at ngayon ay ginagabayan niya tayo," ang sagot ni Tiya Marine habang nakangiti.

Habang nakatingin ako sa bintana ng bus ay nagbalik sa aking ala-ala ang magagandang bagay na pinagsamahan namin ni Ryou simula noong unang beses kami magkakilala hangagang sa naging malapit kami sa isa't isa. Pinipilit ko ring balikan ang mga sandaling magkasama kami sa seawall, kapwa kami nakatanaw sa kalayuan habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa kalangitan.

Para sa akin si Ryou ay hindi masamang tao at wala siyang ginagawang masama sa kanyang kapwa. Ang insidente sa Aquarius Maritime Tankers ay hindi niya sinasadya dahil ito ay literal na aksidente at pinagbayaran na ni Ryou ang kasalanang na iyon.

Sinuri kong mabuti ang sitwasyon, ngunit kahit saang anggulo ay hindi ko makita ang kasamaan ni Ryou, hindi ko makita ang kanyang kasalanan. Kaya paano ko siya papatayin? Paano ko maaatim na wakasan ng buhay ang taong hindi naman gumagawa ng masama? Ito ang mga bagay na hindi maunawaan ng aming kalahi dahil ang mahalaga sa kanila ay gumanti. Hindi nila tinitingnan ang bawat anggulo ng pangyayari. Parating one sided at sila ang tama.

"May tanong ako," ang pagbasag ko ng katahimikan.

"Ano iyon, Yue?" tanong ni inay sa akin.

"Pinag putol putol ang katawan ni Merwin, tama? Saan nila ito dinala?" tanong ko sa kanila.

"Hmmm, ang sabi ay ibinenta daw ito ng malaking halaga sa mga eksperto upang pag-aral kung paano nakakahiga sa tubig ang mga mermaid. At ang ilang parte daw ng kanyang buntot ay binili ng mayamang negosyante para kanyang sarili interest. Ang buntot ni Merwin ay kulay pula, kaya't tiyak na maganda ang kalidad nito," ang wika ni tiya Marine.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon