Part 14: Extraordinary
"Gaano ka na katagal na pipinta? Paano ka nag comes up sa idea ng merman na may silver tail?" unang tanong ni Ryou sa kanya.
"Nagsimula ako noong nakaraang buwan lang. Tungkol sa idea, siguro ay fascinated lang ako sa mga mermaid na mayroong silver tail. Sa tingin ko ay unique sila at extraordinaryo," sagot ni Yuelo.
"Few months ago? Talaga pa lang gifted ka. Yung ibang artist ay ilang taon ding nag p-practice para maging mahusay at maibenta ang kanilang works. Naniniwala ka pala sa mga mermaid? Nakakita ka na ba ng isa?" tanong ni Ryou.
"Kapag sinabi kong naniniwala ako ay tiyak na pagtatawanan mo lang ako," sagot ni Yuelo, napanguso ito na parang bata, ang cute niya sa ganoong ekspresyon.
"Why should I do that? Hindi ko ginagawang katatawanan ang paniniwala ng iba. What if I told you na nakakita na ako ng mermaid?" tanong ni Ryou sa kanya.
"Talaga? Saan naman?" tanong ni Yuelo.
"In your painting, a mysterious silver tailaid merman," sagot ni Ryou, nakangiti lang ang binata.
"Sabi sa mga alamat, ang mga silver tailed mermaid ay nagdadala ng kamalasan sa sinumang makaka kita sa kanya. Kaya iwasan mong maka kita ng isa," ang sagot ni Yuelo
Natawa si Ryou, "and you actually believe in that? You know, ang mga katulad kong businessman ay hindi naniniwala sa misfortune dahil tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Ang pag unlad ng tao ay dahil sa kanyang husay, dedikasyon at pagpupunyagi. On the other hand, ang pagbagsak naman niya ay nakadepende sa kanyang desisyon sa buhay. Ang mga masasamang pangyayari sa buhay ko ay hindi ko kailanman inisip na misfortune. Para sa akin ito ay lesson na ituturo sayo ng tadhana para sa susunod ay hindi ka na muling magkakamali," ang seryosong sagot ni Ryou.
Noong mga sandaling iyon ay may kakaibang naramdaman si Yuelo habang nakatitig sa mata ng binata. Para bang lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. At tila nakakalimutan na niya ang totoong misyon niya. "Isa kang taong punong puno ng emosyon," ang tanging nasabi ni Yue sa kanya.
Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap ng dalawa. Narealize ni Ryou na maayos naman pa lang kausap si Yuelo at hindi ito kasing weird katulad ng unang impresyon niya.
Iyon nga lang ay napansin niyang hindi kumakain ang binata, madalas din itong palinga linga sa kanyang paligid na parang hindi komportable sa kanyang kinalalagyan.
"Are you okay? Hindi mo ba gusto yung pagkain? Gusto mong umorder ako ng iba?" nag-aalalang tanong ni Ryou.
Umiling si Yuelo, "sorry, hindi lamang ako sanay sa ganitong lugar," ang nahihiyang wika nito.
"Gusto mo bang lumipat tayo ng place?" tanong ni Ryou.
Ngumiti si Yue at sumang-ayon. "Pwede bang ako ang mamili ng lugar?"
Wala nagawa si Ryou kundi ang sumang -ayon, "Sure."
At iyon ang set up, agad na lumipat sila Ryou at Yuelo ng lugar. Sumakay sila sa sasakyan at si Ryou pa ang nagdrive nito. Paminsan minsan ay natatawa na lamang ang binata dahil parang batang nakatingin si Yuelo sa labas ng bintana ng sasakyan at sinusundan ng tingin ang lahat ng kanilang madaanan. "Ey, hindi ka ba nahihilo? Ako ang nahihilo sa iyo e," ang biro nito.
Umiling lang si Yue at saka ngumiti bilang tugon.
Makalipas ang ilang sandali ay huminto ang sasakyan sa isang bagong bukas na amusement park sa tabi ng sea wall. Ito ang napiling lugar ni Yuelo para ituloy ang kanilang date.
Nagtataka si Ryou dahil hindi niya ineexpect na sa ganitong lugar sila pupunta ngunit pinagbigyan na lamang niya ang kagustuhan ng binata. "Bakit dito mo ako dinala?" tanong ni Ryou sa kanya. Habang lumalakad sila ay nakasunod ang nasa mahigit sampung body guard ni Ryou. Lahat ay nakasuot ng black suit and tie na parang cast ng Men In Black.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...