Part 55:Imitation

410 39 0
                                    

Part 55: Imitation

JIHAN POV

"Fuck! Ngayon lang ako nainsulto ng ganito sa buong buhay ko! Ginawa ko naman ang lahat para akitin at makuha siya pero wala pa rin!" ang naiinis kong salita sa harap ni Lexie.

"Baka naman impotent at jutay iyang si Ryou kaya hindi ka niya pinapatulan? " ang sagot ni Lexie sa akin.

"Excuse me, HINDI siya impotent at lalong hindi siya jutay, minsan na niya ako na mouth fuck kaya ramdam ko ang tirik na tigas nito at ang kanyang malaking kahabaan!" ang sagot ko sa kanya.

"Well, baka sobrang pressured lang siya sa work kaya di tumalab ang alindog mo this time," pagpipilit ni Lexie.

"Ah basta, hindi impotent at jutay si Ryou! Mas iisipin ko pang ikaw yung impotent at maliit ang etits kesa sa kanya!" ang sagot ko.

"Bitch!" ang natatawang sagot ni Lexie. "Siguro masyado lang righteous si Ryou at hindi siya basta basta nakikipag sex ng walang seryosong commitment. I mean, siguro ay maaari niyong gawin ang ganoong bagay kapag kasal na kayong dalawa," ang dagdag pa niya.

Halos ilang taon na rin ako sa tabi ni Ryou Guerrero. Magbuhat noong araw na turuan siya ng aking ama sa negosyo ay para na akong isang aninong makasunod sa kanya.

Oo, mayaman ako at nakukuha ko ang lahat ng bagay na naisin ko, pero si Ryou ang tanging bagay sa mundo na hindi ko basta basta makuha. Pero heto pa rin ako, parang isang obsessed na lalaking nakasunod sa kanya sa kahit saan.

Mayroon akong tatlong importanteng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy akong nakasunod sa kanya.

Una, ay dahil siya ang ideal man ko, sobrang attracted ako sa kanya. Gwapo, matangkad, matalino, gentleman at hard working. Responsable siya kaya't nakuha niya agad ang loob ng aking ama. At kung titingnan ang status namin sa buhay ay makikitang bagay na bagay kaming dalawa.

Ikalawa, gusto ko siyang maging asawa upang may katulong ako sa paghawak ng mga negosyo. Tiyak na magiging mahusay siyang successor ng aking ama. At wala akong makitang ibang lalaking fitted sa ganoong responsibility kundi si Ryou lamang.

Ikatlo, dahil ayokong mapahiya sa aking circle of friends. Ang alam nila ay perfect ang samahan namin at going strong ito. Alam rin nila na malapit na kaming ikasal, hindi ko maafford na pagtawanan nila ako o kaya ay kaawaan dahil hindi ako minahal pabalik ng lalaking gusto ko.

"Nga pala Ji, mayroon akong magandang balita sa iyo," ang nakangiting wika ni Lexie.

"And what is that? Siguraduhin mo lang na mas maganda pa sa akin iyang balita mo," sagot ko sa kanya.

"Well, nabalitaan ko lang naman sa mga body guards ni Ryou Guerrero na umalis na si Yue at wala na siya sa lugar na ito."

"Totoo ba? At paano ka naman nakatitiyak?" tanong ko.

"Dahil pinuntahan nila si Yue sa kanilang tirahan pero wala ng tao doon. Ang sabi sabi ay nagtatago daw itong si Yue ngayon dahil isa siyang.. OMG, kriminal at wanted siya sa mga otoridad."

"OMG! Is that true? Kaya naman pala malungkot at parang walang gana si Ryou nitong nakakaraang araw. At kaya naman pala halos isang linggo ko nang hindi nakikita ang mukha ng lalaking iyon! I can't believe na isa pala siyang kriminal! Sinasabi na nga ba na mayroon siyang maitim na sikreto," ang sagot ko, nakaramdam ako ng kakaibang saya noong mabalitaan ko ito.

"Well, iyan ang pinakamagandang balita na sinabi mo sa akin," ang dagdag ko pa.

"At hindi lang iyon dahil may naisip akong magandang idea," ang nakangiting sagot ni Lexie.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon