Part 25: Desperate
Umaga pa lamang ay pinatawag na ni Ryou ang head ng glam team na si Kurt upang iutos na ayusan at bihisan ng maganda si Yue para sa magaganap na party mamayang gabi. Hindi naman tumanggi ang stylist dahil alam niya kung gaano kagwapo si Yue at kahit simpleng pag aayos lamang ang i-apply sa binata ay lumalabas parin ang pagiging stunner nito.
"Kayo na ang bahala sa kanya, gawin niyo ang best ninyo para magmukha siya presentable mamayang gabi," ang utos ni Ryou sa glam team.
"Leave it to me sir, at huwag kang mag worry dahil ang lahat ay under control. Sa estado ng kagwapuhan ni Yue, kahit pagdamitan siya ng basahan ay maganda pa ring tingnan sa kanya at hindi maitatanggi iyon. In fact, kapag magkasama nga kayong dalawa ni Yue ay para kayong perfect couple. Actually mas match kayong dalawa kaysa doon kay Sir Jihan," ang bulong ni Kurt kay Ryou habang nakangiti ito.
Habang nasa ganoong pag uusap sila ay biglang entrada ni Jihan sa scene at dito ay narinig niya ang sinabi ni Kurt kay Ryou tungkol sa "perfect couple" pero agad ring nagtakip ng bibig si Kurt at pinigilan ang kanyang sarili sa pagsasalita.
"Anong sinasabi mong perfect couple si Ryou at Yue? Nababaliw ka na bang bakla ka?" ang tanong ni Jihan.
"Sir Jihan, hindi naman iyon ibig kong sabihin," ang sagot ni Kurt.
"Sinungaling! Hindi ako bingi dahil narinig ko ang lahat! Fuck shit ka ha!" ang galit na sagot nito sabay sampal kay Kurt.
PLAK!
"Hindi na ako magpapaayos sa iyo dahil hindi ka naman talaga magaling, nagmumukha lang akong mahirap sa mga style mong bulok!" ang dagdag pa nito.
"Grabe naman po kayong magsalita Sir Jihan, kung ituring mo ako ay parang hindi ako tao. Hindi mo man lang ako irespeto," ang sagot ni Kurt.
"Irespeto? Bakit ko gagawin iyon? Ano ka ba dito? Make up artist ka lang naman. Isang mababang uri ng beautician na hina-hired ni Ryou dahil kaibigan niya ang nanay mo at naaawa siya sa inyo. Huwag ka na ngang sumagot sa akin! Gusto mo bang sampalin ulit kita?" pagbabanta nito.
"Jihan, tama na nga iyan. Huwag mo ng saktan si Kurt, wala naman siyang sinasabing masama. Hindi rin maganda na parati kang nananakit dahil baka mapuno sa iyo ang mga taong hinahanamak mo at ikaw naman ang saktan nila. Sige na Kurt, lumabas ka na at gawin ang pinag uutos ko," ang salita ni Ryou na hindi maitago ang pagkainis.
Humarap si Jihan kay Ryou. "Ah, now I know! Balak mong iinvite si Yue mamaya sa exhibit party mo. Tama?" tanong nito.
"Yeah, dahil ang painting ni Yue ang isa sa ididisplay doon at deserve niya ng recognition. Hindi natin ito pwedeng ipagkait sa kanya bilang isang mahusay na artist," katwiran ni Ryou.
"Mahusay na artist? Are you kidding me? Mahusay? Tingnan mo nga itong painting niya, parang gawa ng isang grade schooler. Kung ganito lang pala kapanget ang artwork na gusto mo edi sana nagpainting na lang din ako baka sakaling mas maganda pa ang gawa ko kaysa sa gawa niya."
"Oh edi gawin mo, nagtungo ka ba dito sa opisina ko para mag iskandalo? Gustong gusto mo ba talaga na naririnig nila ang boses mo? At yung mga pang aaway mo sa akin sa tuwing nagpupunta ka dito?" tanong ni Ryou sa kanya.
Natahimik si Jihan at naupo sa sofa, "look, kaya ako nagkakaganito ay dahil desperado na ako gustuhin mo. Ikaw lang ang tanging lalaki na nababagay sa akin. Simula pa noon ay aware ka naman na gusto na kita at ginagawa ko ang lahat para sa iyo. Ano pa ba ang problema okay naman sa dad ko na magsama tayong dalawa? Tiyak na okay din ito sa parents mo, kung saan man sila naroroon," ang tugon niya kay Ryou.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...