Part 74: Atonement
Matagumpay na naibalik ni Ryou si Yue sa karagatan kahit pa ang naging kapalit nito ay ang kanyang sariling buhay. Ngayon, ang lahat ay nakadepende na sa kanya, kung paano niya maililigtas ang kanyang sarili mula sa malupit na kamay ng mga tao sa kanyang paligid.
Walang nagawa si Yue kundi ang lumangoy sa kabila ng matinding sugat na tinamo ng kanyang katawan. Ang kanyang puso ay kumikirot dahil sa katotohanan na kanyang nalaman. Ngayon ay wala na siyang aasahang pag asa na makita at makasama ang ama dahil matagal na pala itong namatay sa kamay ni Fredrick Singh.
Kumikirot din ang kanyang puso sa sinapit ng lalaking kanyang pinakamamahal. Kitang kita niya kung paano nag sakripisyo ito upang maibalik siya sa karagatan at maitakas.
Pinilit ni Yue na lumangoy at lumayo sa isda bagamat kada galaw ng kanyang buntot ay nagdurugo ito at nahihirapan siyang lumangoy ng maayos.
Sa kabilang banda ay hindi pa rin sumuko sina Jihan, Nigel, Warren at iba pa!
"Habulin at hulihin si Yue! Hindi siya makakalayo at tiyak na nasa paligid lamang siya ng isla!" ang sigaw ni Jihan na hindi maitago ang matinding galit na nararamdaman.
Mabilis silang sumakay sa speed boat para hulihin si Yue. Dala nila ang kanilang mga armas, mga baril at arrow rifle na gagamitin sa paghuli sa kanilang target.
Sumakay rin sa speed boat si Fredrick Singh kasama ang kanyang mga tauhan upang tumulong sa paghuli kay Yue. "Bilisin niyo! Hindi siya makakalayo!" ang sigaw ng negosyante.
Nagsimulang umikot ang mga speed boat sa paligid ng isla at hindi naman sila nabigo. Agad nila nakita si Yue na lumalangoy sa ilalim lalo't kada galaw nito ay sumasabog ang dugo sa kanyang buntot. "Hayun siya! Pasabugan niyo! Barilin niyo!" ang galit na sigaw ni Jihan siya na mismo ang kumuha ng baril at pinaputukan si Yue sa ilalim ng karagatan.
Nagsimula na rin bumaril at magpakawala ng mga bala ang mga tauhan ni Fredrick Singh, ngayon ay umuulan ng mga bullet at rifle arrow sa ilalim ng karagatan
Sa ilalim ng tubig kung saan lumalangoy ng mabilis si Yue ay kitang kita kung paano sumibat ang mga bala sa tubig. Ginagawa niya ang lahat upang iwasan ang mga ito ngunit ang kanyang pagkilos ay limitado dulot ng matinding kirot na nararamdaman.
Mabilis ang paglipad ng mga bullet sa paligid, ang iba ay sumasabog na animo dinamita. Ngunit sa kabilang banda ay mabilis rin ang paglangoy ni Yue, nagliliwanag ang kanyang sugatang buntot sa tuwing siya ay gumagalaw ng mabilis sa tubig.
"Ang tatanga niyo! Pasabugan niyo siya!! Bilisan niyo!" ang sigaw ni Jihan siya mismo ang kumuha ng madaming mga bombang pampasabog sa box at itinapon ito sa ilalim ng karagatan.
Sumabog sa ilalim tubig, yumanig sa buong paligid at sa lakas ng impact ay nasabugan si Yue, para itong isang isdang tumilapon sa ibabaw ng tubig. Mas lalong napinsala ang kanyang katawan sa lakas ng mga bombang sumasabog sa paligid.
Malakas ang kanyang paghinga, pagod na rin ang kanyang katawan pero walang balak sila Jihan at iba pa na tumigil, buo ang loob nila na hulihin ang target at maibalik ito sa laboratoryo.
Hindi pa nakontento ang mga tauhan ni Fredrick Singh, muli pa rin silang nagtapon ng mga bomba sa paligid hanggang sa tuluyang mapinsala ang katawan ni Yue!
Hinawakan ni Nigel ang arrow rifle at inasinta si Yue, lumipad ng mabilis ang palaso at tumama sa kanyang dibdib!
"Bulls eye! Hulihin na siya!!" ang sigaw ni Nigel tuwang tuwa sila noong makitang tinamaan si Yue ng palaso sa kanyang katawan! Agad nilang hinagisan ng lambat si Yue at hinila ito gamit ang speed boat. Hindi pa na kontento si Jihan, kumuha pa siya ng baril at binaril ang buntot ni Yue upang hindi na ito makalangoy pa ng maayos.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...