Part 46: Secrets
YUELO POV
Kahit napinsala si Seito sa aking pag atakeng ginawa ay nakaya pa rin niyang lumangoy ng mabilis at labanan ang malalakas na alon sa paligid. Wala akong idea na ganito katatag ang kanyang katawan.
Sa halip na umatras ay muli pa siya lumangoy upang atakihin kami ni Ryou. "Traydor ka Yuelo! Dapat lang na patawan ka ng parusang kamatayan!" ang sigaw ni Seito, halos namumula na ang mga mata niya sa matinding galit sa akin!
Hawak pa rin niya ang patalim sa kanyang kamay at saka mabilis na parang kidlat na lumangoy para atakihin ako. At dahil sa matinding takot napasigaw na lamang ako, dahil sa matinding emosyon ay muling nagliwanag ang aking kaliskis at mabilis na tumaas ang alon sa iba't ibang direksyon.
Dahil sa malakas na pagsalpok ng tubig ay muling tinangay palayo si Seito. Samantalang si Ryou naman ay inanod rin at inilubog sa karagatan ng mala delubyong tubig.
Agad akong sumisid sa ipinaka ilalim upang isalba ang katawan ni Ryou. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso at dinala ito sa pinakapampang karagatan.
Wala na siyang malay..
Iniwan ko siya doon at nagtago na lamang ako sa malaking batuhan hinintay ko na mayroong makakita sa kanya at irescue siya. Sa huli, hindi naman ako nabigo dahil agad na may lumapit kay Ryou at tumawag ito ng tulong upang madala siya sa ospital.
Noong mga sandaling iyon ay nagdesisyon akong lumangoy palayo. Ngayon ay wala na akong sikretong maitatago kay Ryou, alam na niya kung anong klaseng nilalang ako. At marahil ay ito na rin ang simula ng katapusan ng aming samahan.
Sana ay may kakayahan akong burahin ang kanyang ala-ala para mabura ko ang portion na ito at maibalik sa normal ang lahat. Pero wala, hindi na ito saklaw ng aking kakayahan.
Ngayon ay wala na akong mukhang maihaharap kay Ryou at dahil alam na niya ang aking sikreto ay kailangan ko na ring lumayo sa kanya dahil tiyak na malalagay sa panganib ang aking buhay kung kakalat ito at malalaman ang lahat na hindi ako isang normal na tao.
Ibayong kirot sa dibdib ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Wala akong nagawa kundi ang huminto na lamang sa isang batuhan at umiyak hanggang sa mabawasan ang sakit na aking nararamdaman.
Kasalanan ko ba talaga ang lahat ng ito? Kung babalikan ko ang lahat ay nakahanda naman talaga akong patayin si Ryou simula pa lamang. Ang hindi ko lamang napaghandaan ay ang mahulog at mapamahal sa kanya. Sa tingin ko ay maling istratehiya na ilapit ang aking sarili sa kanya dahil nahulog lamang ako at humina.
Hindi naman ako ang nagtraydor kundi ang aking puso. Tama nga sila, ang malalakas ay humihina at ang mga matatapang naman ay naduduwag kapag sila ay umibig at nagmahal. Patuloy sa pagpatak ang aking luha, nagiging puting perlas ako kapag humahalik sa tubig na parang isang piraso ng kumikinang na kristal kapag lumulubog sa pinaka ilalim ng tubig.
Ilang minuto rin akong tumagal sa ibabaw ng batuhan bago ako muling mag dive sa karagatan at umuwi na lamang sa aming lugar kung saan naghihintay si tiya Marine, tiyak na labis na siyang nag aalala sa mga sandaling ito.
Mabilis akong naglangoy pauwi at habang sumasabay ako sa alon ng karagatan ay napansin kong nagliliwanag ang pendant sa aking kwintas kaya naman nagdesisyon akong magtungo sa ibabaw ng karagatan. Mabilis kong hinubad ang kwintas at itinaas ito para itapat sa buwan.
Noong mga sandaling timaan ng sinag ng buwan ang kwintas ay naglabas ito ng isang malakas na liwanag na tumuturo sa direksyon patungo sa Isla ng Karikit, ang isla ng aking mga ninuno.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...