Part 24: Kindness

546 42 1
                                    

Part 24: Kindness

YUELO POV

Nakangiti si Ryou habang nagpapamigay ng mga bags at notebook sa mga batang mag aaral . Kitang kita ko rin ang saya sa mga mata ng mga bata habang tinatanggap ang kanilang regalo. Ngayon ko lamang napagtanto na mga tao ay hindi pala ganoon kasama.

Simula bata ako ay namulat ako sa paniniwala na ang mga tao ay mga halimaw at walang ginawa kundi ang abusuhin ang mga bagay dito sa mundo. Ngayon, iba ang nakikita ko kaysa sa mga bagay na matagal ko nang pinaniniwalaan.

May mga tao rin pa lang mapagbigay at iniisip ang kabutihan ng kanilang kapwa. Isa na nga dito si Ryou Guerrero na ngayon ay nagdodonate sa mga batang mahihirap na walang pambili ng mga gamit. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi habang isa isang binibigyan ang mga ito.

Samantalang ako naman ay nakatayo lamang sa isang sulok at nakatanaw sa isang heartwarming na eksenang iyon.

At habang nasa ganoong posisyon ako ay tumingin sa akin si Ryou at inanyayahan niya akong lumapit sa kanya. "Mga bata, bukod sa mga note books at bagong bags na inyong natanggap ay magbibigay pa si kuya Yue ng iba pang regalo," masayang salita ni Ryou at ipinakita niya ang aking mga tindang bracelet sa mg bata.

Natuwa silang lahat nagpalakpakan.

"Ang lahat ng mga ito ay regalo sa inyo ni kuya Yue, anong sasabihin niyo sa kanya?" ang masayang salita ni Ryou.

"Salamat po kuya Yue!" ang sagot ng mga bata at nagpalakpakan sila.

Pumila ang mga bata at isa isa naming ikinabit sa kanilang mga wrist ang mga bracelet. Ang mga kulay asul ay sa mga batang lalaki, at ang mga kulay pink naman ay sa mga batang babae. Masayang masaya ang lahat noong sandaling iyon at syempre ay masaya ako dahil naging parte ako ng kanilang kasiyahan kahit na sa isang simpleng paraan.

Tumagal ng ilang oras ang activity na iyon, bago kami umalis ay muling tumayo ang mga bata sa entablado at hinandugan nila kami ng isang magandang awitin. Hindi pamilyar sa akin ang kanta ngunit ito ay tungkol sa pagmamahal at pagpapasalamat. Hindi ko maiwasang mapaluha habang pinakikinggan sila.

Oo nga pala, nakalimutan ko na ang aking luha ay nagiging perlas kaya naman nahuhulog ito sa aking damit kapag pumapatak. "Ayos ka lang?" tanong ni Ryou noong makita ako sa ganoong emosyon.

Tumango ako at agad nagpahid ng mga mata, "Oo naman, masaya lang ako. Salamat sa pag invite sa akin dito. Narealize ko na ang maraming magagandang bagay dito sa mundo. Katulad ng ngiti ng mga batang ito, sa tingin ko hindi ito mapapantayan ng kahit na anong bagay," ang sagot ko habang nakatanaw sa mga batang kumakanta. Paminsan minsan ay sinasabayan ko pa ang kanilang awitin.

Nakatingin lang sa akin si Ryou at nakangiti, kitang kita ang kanyang magandang mata at magandang ngipin na lalo nagpapa gwapo sa kanya. "Ang cute mo pa lang umiyak," ang biro niya sabay pisil sa aking pisngi.

Natawa ako, "huwag mo na nga akong inisin dyan," ang kunwaring pagmamaktol ko. Gayon pa man ay talagang humanga ako kay Ryou dahil mapagkawang gawa siya at matulungin.

Matapos ang pagbisita namin sa paaralan ay tumuloy kami ni Ryou sa aming paboritong tambayan, doon sa sea wall. Pareho kaming umupo at tumingin sa karagatan. Hindi ko alam, pero ito ang pinaka mapayapang lugar para sa aming dalawa. At mas komportable ako sa ganitong lugar kaysa doon sa magaganda at mamahaling restaurant doon sa sentro ng siyudad.

Tahimik lang kami ni Ryou noong mga sandaling iyon, pareho kaming nagpapakiramdam kung sino ang unang kikibo at magsasalita. Bagamat ang hangin sa kapaligiran ay malamig at nagbibigay ito ng magaang pakiramdam kapag humihinga ng malalim.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon