Part 19: Courage
Tuluyan ng naging interesado ni Ryou Guerrero kay Yue. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para makilala ng husto ang binata.
Gumawa siya ng back ground check kay Yue, kung saan ito nakatira, ano ang ginagawa niya sa buhay, anong klaseng tao ba ang nakapaligid sa kanya.
"Narito ang impormasyon about kay Yue, ano pa ba gusto mong ipagawa? Bakit hindi ikaw ang lumabas doon at ikaw ang magtanong?" tanong ni Gino.
Natawa si Ryou, "Iyan ang role mo bilang best friend ko, so anong nahanap mo? Report it now, mister detective," pang aasar niya.
Umupo si Gino sa table ni Ryou at inilapag ang mga photos ni Yue na kayang nakuha noong mga nakalipas na araw. "Totoong good looking siya, in fact napaka head turner niya. No wonder kaya na stunned at namesmerized ka sa kanya. Tungkol naman sa uri ng pamumuhay niya, siya ay mahirap lamang at nakatira naman sa isang maliit na bahay malapit sa karagatan. Wala na siyang pamilya at ang tanging nag aalaga lamang sa kanya ay ang kanyang tiya. Pareho silang street vendor at kung minsan ay nag bebenta ng mga paso at painting sa daan," ang paliwanag ni Gino.
Tumango si Ryou,"kung ganoon ay totoo nga ang kanyang mga sinabi sa akin na siya ay mahirap lamang. Hindi agad ako naniwala dahil tingnan mo naman ang kulay ng balat niya, kutis pang mayaman ito."
"That's why you don't judge the book by its cover. Bukod pa doon si Yue ay nagtitinda lamang ng mga souvernir items sa mga tourista. Ito yung major source of income niya," dagdag ni Gino.
Natahimik si Ryou habang nakatitig sa mga stolen shots ni Yue, "bakit siya nakapaa? Wala ba siyang sapatos o tsinelas man lang?"
"Iyan ang di ko masasagot, siguro ay trip lang niyang magpaa sa buhanginan. O baka naman wala siyang pambili ng tsinelas? Wait, bakit ba kailangan ko pang sagutin iyan? Bakit hindi mo siya punatahan at ikaw mismo ang magtanong sa kanya kung bakit ganoon ang trip niya? Magkaroon ka nga ng bayag, pare!" pang aasar ni Gino, sabay abot ng address kung saan matatagpuan si Yue.
Natawa si Ryou, "Fine! Pero pupunta ako doon bilang simpleng person. Sabihin mo sa security guards na maaari nila akong sundan ngunit make sure na nakatago sila sa paligid," ang sagot ni Ryou.
Napakamot ng ulo si Gino, "Dude, I just want to remind you one thing, I'm your business partner at hindi ako ang personal assistant mo."
"Pero best friend kita since college at role mong suportahan ako. O sige na, pwede mo na gamitin yung condo ko kapag makikipagsex ka sa dalawa mong girl friends. Huwag mo lang masyadong dumihan yung kobre kama dahil mahal iyon," ang natatawang sagot ni Ryou.
"Deal iyan ha!"
"Yeah! Deal!" sagot ni Ryou habang nakatangin sa address ni Yue.
At iyon nga ang set up, dahil gustong gusto na niyang makita ang binata ay agad siyang bihis ng simpleng casual attire. Madalas ay makikita si Ryou nakasuot ng formal suit at expensive business attire. Kaya't mukha siyang mature na lalaki sa kanyang itsura.
Now it's different, dahil si Ryou Guerrero ay nakasuot ng fitted rugged jeans, simple printed shirt at rubber shoes. Ngayon ay mas mukha siyang gwapong teen ager, para isang model at boy next door ang datingan.
Noong bumaba siya sa lobby ng kanyang bahay ay nagulat ang lahat. Hindi sila sanay na makita si Ryou sa ganoong kasuotan. Casual attire suited him very well at mas lumalabas ang kanyang tunay nakagwapuhan.
"How do I look?" tanong ni Ryou sa kaibigang si Gino bago sumakay sa kanyang sasakyan.
"Para kang teen ager bro! Mag ingat ka at huwag kang masyadong mabilis pagdating sa panliligaw," biro ni Gino.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantastikIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...