Part 9: A New Day

745 53 0
                                    

Part 9: A New Day

Malakas ang tibok ng puso ni Yue noong unang beses siyang umahon sa lupa. Agad siyang nagsuot ng damit at ginawa ang lahat ng mga bagay na itinuro sa kanya ng inang si Seres.

Inakala niya na magiging malaking challenge ang hanapin si Marine, ang kaibigan ng kanyang ina. Ngunit hindi niya inaasahan na nakaabang na pala ito sa pampang ng karagatan na tila pa alam na niya na may darating siya panauhin.

"Naramdaman ko ang enerhiya ng mahiwagang kabibe kaya't agad ko itong pinuntahan. Ang akala ko ay si Seres ang makikita kong may hawak nito," ang nakangiti niyang salita.

"Ako si Yuelo, ako ang anak ni Seres," ang pagpapakilala ko.

"Alam ko, madalas kang naikukuwento sa akin ni Seres kapag nagkikita kami sa ilalim ng dagat. At sinabi niya sa akin noon na kapag ikaw ay nagdesisyon na umakyat dito sa lupa ay tulungan kitang makapag-adjust sa bago mong kapaligiran. So here I am! Ako ang magiging gabay mo dito sa magulong mundong ito," ang nakangiti niyang sagot.

Noong mga sandaling iyon ay nawala ang kabang nararamdaman ni Yue dahil alam niyang tutulungan siya ni Marine ng mga bagay dapat niyang laman dito sa high land.

Tama nga sila, masyado itong malawak, maraming tao at magulo ang paligid. Maingay din at abala ang mga tao sa kanilang mga gawain. At higit sa lahat, ay dito rin niya napagtanto na ang mga tao pala ay walang pinagkaiba sa mga sirena na nagkakaroon ng mga paa. Kaya naman pala mahirap malaman kung sino ang sirena at kung sino ang tunay na tao sa lugar na ito.

Kinupkop ni Marine si Yue sa kanyang tirahan. Dahil madalas siyang nag iisa ay masaya siya na makasama ang binata dito sa kanyang maliit na bahay. "Mag isa ka lang dito? Paano ka nabubuhay sa ganitong lugar?" tanong ni Yue sa kanya.

"Nakasanayan ko na lamang, alam mo bata pa lang ako ay pangarap ko na maniharan dito sa lupa. Kaya naman sabay kaming nagtungo ni Seres dito upang subukang mamuhay. Noong mabigo si Seres sa pag ibig ay bumalik siya sa karagatan at ako naman ay nanatili na lamang dito sa lupa upang ipag patuloy ang buhay," paliwanag ni Marine.

Nakasunod lamang sa kanya si Yue, "mahirap ba ang mamuhay dito sa lupa?" makulit na tanong ng binata.

"Sa tingin ko ay hindi naman mahirap as long as madiskarte ka. Dito ko nagagawa ang mga bagay na gusto katulad ng mga pinta ng mga larawan at mag desenyo ng mga paso. Huwag kang mag-alala dahil ituturo ko sa iyo ang lahat ng ito," wika ni Marine habang nakangiti.

Hindi maitago ni Marine ang saya noong mga sandaling iyon. Agad niyang ipinakilala si Yue sa kanyang mga kaibigan bilang isang pamangkin na nagbabakasyon dito sa tabing dagat. Samantalang si Yue naman ay patuloy lang sa pagtingin sa kanyang paligid dahil ang lahat ay bago sa kanyang mga mata. Nakakapanibago rin ang magandang sikat ng araw. Masarap ito sa balat at nagbibigay sa kanyang ng masarap na pakiramdam.

"Natutuwa ako dahil tinuruan ka ni Seres ng mga bagay na dapat mong gawin dito sa itaas ng lupa. Kumusta pala ang unang beses na tumayo ka gamit ang iyong mga bagong paa? Masakit ba?" tanong ni Marine.

"Oo, masyadong masakit ang unang beses na humakbang ako gamit ang aming mga paa, pero worth it naman dahil mas madali ang maglakad kaysa lumangoy," tugon ni Yue habang nakangiti.

Natawa si Marine, "Nakaka relate ako sa pakiramdam, pero sa pagsapit ng dilim kay kailangan nating magtago dahil ang ating mga buntot ay lalabas muli. Delikado kapag nalaman ng mga tao na isa tayong sirena, tiyak na gagawin nila ang lahat para hulihin tayo."

"Nauunawaan ko tiya, iyan ang bilhin sa akin ng aking ina. Ang mga tao ay malulupit at inaabuso nila ang karagatan kabilang na ang mga naninirahan dito," sagot ni Yue.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon