Part 23: What If?

578 45 1
                                    

Part 23: What If?

YUELO POV

"Ipagpalagay mo na lamang na ito na ang pinakamahalaga misyon sa isang buhay. Ang mabigyan ng katarungan ang ating mga kalahing napaslang dulot ng pagkalason ay isang malaking karangalan. Kaya't huwag mo kaming bibiguin Yuelo," ang mariing salita ng elder mermaids.

Lahat ay nag cheer habang itinataas ang kanilang mga kamay! "Patayin si Ryou Guerrero!"

"PATAYIN!"

"PATAYIN!"

"Patayin si Ryou Guerrero! Isa siyang halimaw ! At banta sa ating lahi!" ang sigaw ng iba.

Ito ang sigaw ng lahat, samantalang wala akong nagawa kundi ang sumabay at makisigaw na rin sa kanila kahit hindi ko gusto ang aking ginagawa. "Patayin si Ryou Guerrero! Patayin siya!" ang sigaw ko rin bagamat nag aalangan akong sabihin ito.

Kaya't noong mga oras na iyon ay mahahalata sa aking mukha ang pagkalito lalo't para bang may parte ng aking puso ang kumikirot sa tuwing binibigkas ko ang salitang "patayin siya."

Sana lamang ay walang nakahalata sa aking reaksyon habang nag aalangan akong itaas ang aking kamay at makiisa sa kanilang pagsigaw. Noong mga sandaling ay mas lalo kong napatunayan sa aking sarili na parang hindi ko yata kayang patayin si Ryou lalo't hindi naman talaga siya ang may kasalanan ng pangyayari.

Noong huling magkausap kami ni Ryou ay ipinaliwanag niya sa akin ang kanyang side tungkol sa totoong nangyari doon sa karagatan noong nawasak ang barkong kilalagyan ng tanke ng langis. Hindi rin niya ginusto ang pangyayari at labis niya itong pinagsisihan. Nakita ko sa kanyang mata ang sincerity habang kinakausap niya ako at ikinukwento niya ang tungkol sa insidenteng iyon. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko siya magawang sisihin. Hindi ko rin masabing kasalanan niya ang lahat.

"Yuelo, bago matapos ang pagpupulong na ito, mayroon ka bang nais na sabihin sa aming lahat?" tanong ng Elders.

"Anong ibig nilang sabihin? Alam ba nila na nakikipagkita ako kay Ryou? O alam na ba nila na nakakalakad na ako sa gabi dahil sa magical necklace? Ano ba ang gustong marinig sa akin ng mga elders?" ito ang tanong ko sa aking sarili.

Panandalian akong natahimik.

"Yuelo, kinakausap ka ng mga elders!" ang sigaw ng mga mermaid guards.

Nagbalik ako sa aking ulirat. "Ang tanging masasabi ko lamang ay.. gagawin ko ng maayos ang aking misyon. Gagawin ang best ko para maibigay ang hustisya sa aking mga kalahi," ang sagot ko sa kanila. Noong mga oras na iyon ay pinilit kong magrelax at magsalita ng walang hesitation.

"Mabuti kung ganoon, umaasa kami sa iyong tagumpay, Yuelo," ang wika ng mga Elders.

"Umaasa rin ako, ang ibig kong sabihin ay, good luck din sa akin!" ang sagot ko naman habang nakayuko, nagbigay galang ako sa kanila bago lumabas sa bulwagan.

Paglabas ko ay sinulubong agad ako ng aking ina na si Seres, isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. Hinawakan niya aking kamay ay sabay kaming lumangoy patayo sa himpilan ng mga elder mermaid's guide.

"Patawad, hindi ako pinahintulutan na pumasok sa loob ng himpilan, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"Maayos naman ako, hindi talaga ako komportable na humaharap sa mga elders. Pakiramdam ko ay paparusahan nila ako lagi, kahit na wala akong ginagawang masama," ang tugon ko naman.

"Alam ko ang traumang nararamdaman mo, simula pa noon ay lagi ka nang pinaparusahan ng mga elder mermaids. Pero sa tingin ko ay malakas ka na ngayon, tama?" ang tanong ni Seres habang nakangiti.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon