Part 2: Poison
Kasabay ng pag sikat ng araw sa kalangitan ay ang pag-ahon ni Yuelo sa karagatan. Dito ay mula siyang nagkaroon ng mga paa at sa pampang pa lamang ng karagatan ay nakaabang na sa kanya si Marine hawak ang kanyang damit na susuotin.
Si Marine ay isang sirena din na kaibigan ni Seres na kanyang ina. Magbuhat noong umayat si Yue sa lupa upang isagawa ang kanyang misyon ay dito na siya tumira.
"Bakit kailangan mo pa kasi bumalik sa karagatan kapag gabi. Pwede ka naman doon sa loob ng bahay mag tago katulad ng ginagawa ko," ang nakangiti wika ni Marine habang tinutulungan si Yuelo magbihis ng damit.
"Ayos lang naman ako, nakasanayan ko na rin na bumalik sa karagatan kapag sasapit na ang gabi," ang nakangiti tungon ni Yue.
"Nga pala, kumusta ang misyon mo? Kailangan ba talagang gawin mo ito?" tanong ni Marine na may halong pag aalala.
"Kailangan kong gawin ito upang iganti ang mga kalahi nating nasawi dahil sa kanyang kagagawan. Kapag napatay ko na si Ryou Guerrero ay agad akong tatalon sa dagat at hindi na nila ako makikita pa. At alam mo ba ang good news tiya? Binili ni Ryou ang aking paintings at ngayon ay dadalhin ko na ito sa office niya para ideliver. Doon na rin niya ako babayaran," excited na wika ni Yue.
"At talagang excited ka pa? Papatay ka diba? Ngayon lang ako nakakita ng isang assassin na tuwang tuwa pa sa task niya. Yue, pinapaalala ko lang sa iyo na yung gagawin mo ay hindi biro. Napakagwapo ni Ryou Guerrero, lahat ng babae ay nagkakadarapa sa kanya. Tapos ikaw papatayin mo lang siya? Unfair naman yata iyon. Teka, paano naman siya tatapusin?" tanong ni tiya Marine.
"Mag babaon akong katas ng makamandag na fire fish. Ipapatak ko ito sa juice na iinumin niya tapos ay mangingisay na siya at malalason," ang nakangising wika ng binata. Ang akala niya ganoon lang kadaling mag aassinate ng tao.
"Fire fish? Madali lang mamatay ang kamandag nito sa alcohol. Kapag ininom ni Ryou ang juice na may lason ay agad siyang makakaligtas kung iinom siya ng alak. Mag isip ka ng kakaiba na walang gamot para mission accomplish ka na kaagad," sagot ni Marine.
"Huwag kang mag-alala tiya Marine, magtatagumpay na ako ngayon araw. Ngayon pa ba ako mag aatras kung kailan napalapit na ako kay Ryou?" sagot ni Yuelo.
Tanghali na noong magtungo si Yue sa siyudad upang ideliver ang painting sa opisina ni Ryou. Suot niya ang luma at kupas na ripped jeans at mayroong pa itong colored sun glasses na pambata na napulot niya sa basurahan kahapon. Ito kasi ang nakikita niya sa mga babasahin, mas gwapo ang mga lalaking may nakalagay na salamin sa mata, mas mayabang at mas maporma tingnan. Kaya't ito ang kanyang sinasunod.
Noong dumating si Yuelo sa building ng kumpanya ni Ryou ay nakapatingala ang binata dahil sa sobrang taas ng gusali sa kanyang paligid. Mga bagay na ngayon pa lamang niya nakikita at parang nalulula na siya agad.
"Iyan na ba yung painting na binili si Sir Ryou?" tanong ng guard kay Yue noong makapasok ito sa loob ng lobby.
"Oo, ito nga yung painting na nabili niya kahapon," ang sagot ng binata habang nakangiti.
Pinapasok siya ng guard. "This way sir, hinihintay na po kayo si Sir Ryou sa kanyang opisina," ang tugon ng guard at sinamahan niya si Yue sa patungo sa opisina si Ryou sa 4th floor ng gusali.
Abala si Ryou sa pakikipag usap sa telepono noong mga oras na iyon. Nahinto siya sa pagsasalita noong makita niya si Yue na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Literal na nagulat siya sa itsura nito dahil kakaiba talaga ang styling ng binata, napangiwi siya at pinigil ang pagtawa.
"Sir Ryou, nandito na po si Mister Yuelo, ang artist ng Historica Art Gallery, hawak na po niya ang painting na iyong binili," ang bungad ang guad sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...