Part 76: To Be With Tomorrow (END)

1K 47 3
                                    

Part 76: To Be With You Tomorrow

FINAL CHAPTER

Naging laman ng balita sa telebisyon at pahayagan ang pagkakaroon ng malakas na tsunami sa gitna ng karagatan at inilubog nito ang laboratoryo ng Singh Cosmetics. Kasama sa mga nasawi ay sina Fredrick Singh at ang anak nito na si Jihan Singh.

Ang kanilang kumpanya ay pinaghati hatian ng mga share holders at ang pinakamalaki parte ng Singh Cosmetics ay binili naman ni Ryou Guerrero dahil ito ang negosyong ala-ala ng kanyang mga yumaog magulang. Ibinalik niya ang pangalang "PEARL COSMETICS" bilang pag alala sa kanyang magulang at sa ama ni Yue na si Romualdo.

Samantalang hindi makapaniwala si Lexie sa sinapit ng kaibigang si Jihan. Naisip niyang ito ang karma ng kaibigan dahil likas na masama ang ugali nito. Gayon pa man ay naging masaya silang dalawa at patuloy na nakaukit sa kanyang puso at isipan ang kanilang mga pinagsamahan.

Ikinalungkot rin ni Gino ang pagkawala ni Jihan lalo't may gusto pa naman siya sa binata. Maraming nanghinayang sa kagandahang lalaki nito ngunit ang kanyang kapalaran ay hindi na mababago pa. Ang mapait at malagim na katapusan ay nakaukit na sa kanyang mga palad. Siya mismo ang gumawa nito noong mga oras na labagin niya ang batas ng kalikasan.

Sa pagsapit naman ng bagong buwan ay muling bumalik si Yue sa Tsunaria at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang pagtibayin ang harang sa kanilang tahanan. Mas itinago pa niya ito sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan walang sinuman ang makakatagpo.

Nagkaroon din siya ng pagkatataong humarap sa mga natirang elder mermaids. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya wanted at hindi na siya itinuturing na malas o salot.

"Yue, nais naming ibigay ang trono ng pagiging pinuno at haligi sa iyo. Sa iyong lakas ay nararapat lamang na kami ay iyong pamunuan," ang alok ng mga elder mermaids. Sa wakas ay kinilala na rin nila si Yue bilang natitirang descendant na kauna unang lahi ng mga mermaid. Ang mga silver tail na pinaka makapangyarihan sa lahat.

Ngumiti si Yue at sumagot, "sapat na sa akin na kinilala niyo ang aking mga ninuno. Sa tingin ko ay mapayapa na ang lahat at hindi na natin kailangan ng isang haligi na mamumuno sa ating lahat. Sa tingin ang gabay at payo ng mga elder mermaids ay sapat na upang tayo ay lumangoy patungo sa tamang landas. Umaasa ako na simula ngayon ay magiging payapa na ang lahat. Sana ito na simula ng paghihilom ng mga sugat sa ating mga puso," ang tugon ni Yue, sa makatuwid ay tinanggihan niya ang pagiging haligi ng mga sirena dahil sa ngayon ay gusto niyang makasama si Ryou Guerrero.

"Ang buong Tsunaria ay nagagalak sa iyong ipinakita ng kabutihan sa aming lahat. Umasa ka na simula ngayon, ang iyong pilak na buntot ay titingnan bilang isang dakila at sagrado. Sana ay mapatawad mo ang ating lahi sa panghuhusga sa iyo," ang salita ng mga elders.

"Huwag kayong mag alala dahil matagal ko na silang napatawad. Hindi ako marunong magtanim ng galit sa aking kapwa. Pinalaki ako nina inay na mapagpatawad at marunong lumimot sa mga pagkakasala ng iba. Sa palagay ko ay masaya na rin ang aking mga ninuno dahil nakamit nila ang pagkilala na para sa kanila," ang sagot ni Yue habang nakangiti.

Pagkatapos niyang makipagpulong sa mga elder mermaids ay dumiretso naman siya sa Isla ng Karikit upang magbigay ng galang sa kanyang mga ninuno at para magdasal na rin sa buwan. Nagpasalamat si Yue sa mga biyaya at proteksyon na kanyang natanggap at tanggapin sa mga susunod pang panahon. Ang pagdarasal at pagsamba sa buwan ay ang tanging tradisyon na paulit ulit niyang gagawin at ituturo sa mga susunod sa salin lahi.

Nag alay rin siya ng mga bulaklak sa puntod ng kanyang ama na si Romualdo. Pagkatapos ng labanan sa karagatan ay hinanap niya ang lumang human capsule nito sa loob ng nawasak na laboratoryo ng Singh Cosmetics. Kinuha niya ang katawan ng ama at inilibing ito sa tabi ng puntod ng kanyang ina. Ngayon ay magkasama na rin sa wakas ang kanyang mga magulang sa paraiso ng walang hanggang kaligayahan. Balang araw ay magkakasama sama rin sila doon at hinding hindi na maghihiwalay pa.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon