Part 53: Forbidden
YUELO POV
"Talaga palang makapangyarihan ang mga silver tailed mermaid," ang namamangha kong salita habang nagkukuwento si Inay.
"Oo, talagang makapangyarihan sila, lalo na si Donno na anak nina Atlas at Asha, siya ang nagmana ng kapangyarihang iginawad ng lumikha sa kanyang mga magulang," ang tugon ni Inay.
"Inay, ano yung dalawa pang pagsubok ni Caldina? Nagawa ba ito ni Donno? Naging matagumpay pa siya?" ang excited kong tanong habang hindi maitago ang pagkamangha.
"Yue, para kang bata, masyado kang makulit, pero itutuloy ko na ang aking kwento," ang sagot ni inay.
Ngumiti ako at muling nakinig sa kanya. Muling ipinagpatuloy ni inay ang pagsasalaysay tungkol sa kasaysayan ng mga silver tail mermaid.
Ang lahat ng mga sirena ay tumira sa Liquara at dito ay nagkaroon sila ng kapayapaan. Samantala ay umakyat naman si Donno sa Isla ng Karikit upang makipag kita kay Caldina. Dito ibibigay ang kanyang ikalawang misyon.
"Ano ang nais mong ipagawa sa akin? Alam mong magagawa ko ito dahil walang imposible sa aking kapangyarihan," ang wika ni Donno, puno puno ng kumpiyansa sa kanyang sarili.
"Donno, nais kong makalakad sa gabi. Alam naman natin na tayong mga sirena ay nakakatayo lamang at nagkakaroon ng mga paa tuwing umaga. Ngunit sa gabi ay bumabalik ang ating mga buntot. Saklaw ba ng iyong kapangyarihan na baliin ang batas ng kalikasan? Kaya ba ng kapangyarihan mo gawing posible ang imposible?" tanong ni Caldina.
Natahimik si Donno, "ang iyong nais ay talagang imposible. Kahit ang aking mga magulang ay hindi nagawang lumakad sa gabi. Hindi nila magawang panatilihin ang kanilang mga binti ng matagal," ang pag aalinlangan niya.
Napa buntong hininga si Caldina, "kung ganoon ay maaari na nating itigil ang mga ito. Maaari naman tayong maging magkaibigan," ang nakangiting salita nito.
Pero hindi pumayag si Donno ng ganoon na lamang. "Gagawa ng paraan, bigyan mo akong tatlong linggo upang makahanap ng kasagutan kung paano ko babaliin ng patakaran ng kalikasan," ang sagot ng hari.
Ngumiti si Caldina at hinalikan si Donno sa kanyang labi, "katulad ng inaasahan ko, hindi ka agad susuko, huwag kang mag alala dahil kapag nagawa mo ang lahat ng aking pagsubok at magiging alipin mo ako. Gawin mo ang lahat ng nais mong gawin sa akin," ang sagot niya.
Lumakas ang loob ni Donno at mas lalo pa siyang nanabik. Sa paglipas ng araw ay pinag aralan niya ang sitwasyon hanggang makadiskubre siya ng isang espesyal na enerhiya nagmumula sa liwanag buwan.
Inipon niya ang enerhiyang ito at inilagay sa kabibe. Ginawa niya itong kwintas at matagumpay niyang nabali ang patakaran ng kalikasan. Gamit ang mahiwagang kwintas ay biniyayaan sila ng mga paa sa pag sapit ng gabi.
Sa makatuwid ay nagawa ni Donno ang ikalawang pagsubok ni Caldina. Gumawa siya dalawang kwintas at kapwa nila ito isinuot sa kanilang mga leeg. Makalipas ang ilang sandali ay kapwa sila nagkaroon ng mga hita at nakatayo sila sa kalaliman ng gabi.
Na-conquer ni Donno ang gabi, ngayon ay hindi na nila kailangan sumunod sa patakaran ng kalikasan. Masayang masaya si Caldina noong mga sandaling iyon dahil hindi siya binigo ni Donno.
Kaya naman noong gabing sila ay magkaroon ng mga binti ay malugod na ibinigay ni Caldina ang kanyang sarili sa hari. Nagtalik silang dalawa at iyon ang pinakamasaya masaya nilang gabi ng magkasama.
Bago matapos ang espesyal na gabing iyon ay ibinigay ni Caldina ang kanyang ikatlo at final na pagsubok kay Donno. "Nais kong pumitas ka ng isang pirasong gintong halaman at ibigay mo iyon sa akin. Kaya mo bang suwayin ang batas ng iyong magulang at ng ating lahi para sa akin?" tanong ni Caldina.
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasiaIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...