Part 51: Value

450 39 0
                                    

Part 51: Value

RYOU POV

"Paano mo nalaman na nagtungo si Yue sa malayo?" tanong ko kay Seito.

"Dahil wala na ang kanyang amoy dito, at hindi na ito maabot ng aking abilidad. Ang ibig sabihin ay nasa malayo na siya. Huwag kang mag-alala dahil sigurado akong magkikita kayong muli. Doon sa kabilang buhay!!" ang sigaw ni Seito mabilis siyang sumugod patungo sa aking direksyon!

Mabilis pa rin siyang kumilos at batid kong lakas niya ay parang isang super human. Hawak niya ang patalim sa kanyang kamay.

Noong malapit na siya sa akin ay agad kong kinuha ang baril sa loob ng aking coat at mabilis itong itinutok sa kanya. Mabilis ko rin kinalabit ang gatilyo nito at pumutok sa kanyang kinalalagyan.

Napaatras si Seito, natamaan siya sa braso at umuusok pa ang parteng iyon sa kanyang katawan. Dito na rumesponde aking mga body guards. Sabay sabay nilang inasinta at pinaputukan si Seito.

Hindi natuloy ang pag atake niya sa akin, wala siyang nagawa kundi ang umiwas na lamang at tumalon sa sea wall. Sinubukan siyang sundan ng aking mga tauhan pero parang bula na itong nawala sa aming paningin. Batid kong bumalik ito sa karagatan at doon ay nagtago.

Ang akala ni Seito ay ganoon kadali akong mapapatay. Nagkakamali siya dahil dadaan muna siya sa butas ng karayom bago niya ito magawa. Marami akong mga mahuhusay na security guard at mag hihired pa ako ng mga professional para protektahan ang aking buhay laban sa mga kalaban.

Kung gusto nila ng labanan ay ibibigay ko iyon sa kanila! Huwag nilang maliitin si Ryou Guerrero dahil isa akong bilyonaryo at makapangyarihan!

"Sir Ryou, sino po ba iyon? Mukhang mayroon na ring nagtatangka sa inyong buhay," ang tanong head security.

"Marahil ay pinadala ng kalaban sa negosyo. Katulad ng sinabi ko sa inyo, kapag kasama niyo ako ay maaaring malagay sa panganib ang inyong mga buhay. Kaya't kailangan ay mas maingat tayo ngayon. Bumalik na tayo sa siyudad dahil mas ligtas tayo doon," ang sagot ko sa kanila.

Wala talagang balak tumigil si Seito, ni hindi ko maunawaan kung bakit niya ako nais patayin. Kung may makakasagot ng lahat ng aking katanungan ay si Yue iyon. At least, ngayon ay nalaman kong nandito lamang siya sa lupa at sa tingin ko ay hindi siya makakabalik sa karagatan dahil pati siya ay wanted na rin. Sa makatuwid ay mas kailangan niya ako, kaya ko siyang protektahan sa abot ng aking makakaya.

Ngunit ang malaking katanungan ay paano? Saan ko ba siya mahahanap?! Kahit na wala akong ideya ay nangako pa rin ako sa aking sarili na hahanapin ko siya at ibabalik sa aking piling.

Simula noong araw na iyon nag assign na ako ng tao na hahanap kay Yue. Iyon nga ay patahimik ang operasyon dahil nasa panganib rin ang kanyang buhay.

At sa bawat araw na dumaraan ay wala akong ibang ginagawa kundi ang balikat ang masasayang ala-ala naming dalawa. Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit siya ay weird at mabagal maka pick up.

May pagkatataon na natatawa na lamang ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga pinatuyong pakpak ang flying fish at pangil ng pating na ibinigay niya sa akin. Ito pala ay literal na kinuha niya sa karagatan dahil doon siya nakatira.

At sa tuwing tumitingin ako sa kanyang painting ay mas lalo siyang hinahanap-hanap ng aking mga mata.

"Baka naman malusaw na iyang painting ni Yue dahil kanina ka pa nakatitig dyan?" ang biro ni Gino sa akin.

"Sa tingin mo, magkakaroon ba ng happy ending ang isang ordinaryong lalaki at isang mermaid kapag sila ay nag-ibigan at nagsama?" makabuluhan kong tanong ko sa kanya.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon