Part 26: Exhibit

500 47 2
                                    

Part 26: Exhibit

Habang nasa ganoong pag-uusap sina Kurt at Yue ay dumating naman si Marine sa kanilang tabi. "Bakit hindi ka sumama? Isang magandang opportunity na makita nila ang creator ng painting na nakadisplay sa exhibit," ang salita nito habang nakangiti.

"Hello po, And you are?" ang pagtataka ni Kurt.

"Sorry sa pagsabad ko sa inyong usapan, ako si Marine, ang guardian ni Yue," ang wika nito.

"Ay, kaya naman po pala gwapo si Yue dahil maganda rin ang kanyang guardian, lakas maka Jacquelyn Jose noong kabataan niya ha. Tita, pakiconvince nga po si Yue na sumama sa akin dahil wala na kaming oras na natitira, please," ang pakiusap ni Kurt.

Ngumiti si Marine at hinawakan ang kamay ni Yue, lumayo sila ng bahagya kay Kurt at saka sila nag usap ng masinsinan. "Ayokong sumama dahil baka biglang may mangyari sa kwintas at lumabas ang aking buntot."

"Ano ka ba, walang mangyayari sa kwintas. Matibay ang pisi nito dahil gawa ito sa isang espesyal na tali. Kahit hilahin ito at gupitin ay hindi mapuputol," ang sagot ni Marine at hinila niya ang kwintas ni Yue, sinubukan din niya ito hiwain ngunit talagang matibay ang pisi.

"Ngayon, ang tanging magagawa mo lang ay siguraduhin itong nasa leeg mo ito at hindi mawawala, maliwanag ba? Mag enjoy ka at maging masaya," ang dagdag pa ni Marine.

Napabuntong hininga si Yue at tumango ito bilang pag-sang-ayon. "Uuwi ako agad, hindi ako magtatagal doon," ang nakangiting sagot ng binata.

"Okay lang, basta ang mahalaga ay maging masaya ka at alisin mo ang kaba sa iyong puso, maliwanag ba?" ang nakangiting wika ni Marine sabay haplos sa buhok ni Yue.

Humarap siya kay Kurt at nagsalita "Kurt, alagaan mo si Yue para sa akin."

Ngumiti si Kurt, "Of course tita, ako na ang bahala kay Yue," ang sagot ng make up artist habang nakangiti.

Noong sumang-ayon si Yue ay agad silang umalis ni Kurt. Nagtungo sila sa isang maliit na beauty salon na pag aari ni Kurt sa siyudad. Ilang minuto lamang ang byahe mula sa sea wall. "Alam mo, gustong gusto ni Sir Ryou na umattend ka sa party mamaya. And he asked me na ayusan kang mabuti at gawing stunner mamaya," ang nakangiting salita ni Kurt.

"Hindi talaga ako mahilig makisalamuha sa maraming tao. Hindi ako sanay sa mga ganoon pagtitipon at lalong hindi ako komportable," ang nahihiyang wika ni Yue.

"Siguro ay sa simpleng buhay ka lang pinalaki ng mother mo kaya hindi ka masyadong sanay sa mga social gatherings," ang sagot ni Kurt.

"Wala na akong nanay. Namatay siya noong 8 years old ako," ang sagot ni Yue na may halong lungkot.

"I'm sorry, pero you know what, alam kong nakabantay sa iyo ang mother mo at pino-protektahan ka niya mula sa itaas. At alam kong proud na proud siya sa iyo dahil lumaki kang mabait at simpleng tao," ang tugon ni Kurt, iniharap niya si Yue sa malaking salamin at sinimulan niya itong ayusan. "Alam mo yung mga ayos ng korean heart throb ngayon, ganito lang talaga ang bagay sa iyo," ang dagdag nito.

Ito ang ikalawang beses na ayusan niya ang binata pero hindi pa rin siya nagsasawa na titigan ang mukha nito. Light make up lamang ang kanyang inilagay at pinapula niya ng kaunti ang labi para lalong maging kissable. Ang buhok ay ginawa niyang classic na para bang pang 80's slick back quiff. Kaya mas lalo pang na highlight ang kanyang mukha. That moment, ang lahat ng tao sa loob ng salon ay napapalingon at hindi maiwasang tumitig sa binata.

Samantala, sa loob ng mansion ni Jihan ay nagkakagulo ang mga make up artist para ayusan at gawing head turner ang binata. Maarte ito at mitikuloso sa kanyang looks kaya't nag iingat ang mga stylist para hindi magkamali. Lalo't alam nila na bayolente si Jihan kapag hindi niya nagustuhan ang kanyang looks. Bilang high paid na model ay talagang looks ang center ng buhay niya.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon