Part 35: The Best Part
"Kumusta naman ang training ni Yue? Baka naman masyado niyo siyang pinapahirapan?" tanong ni Ryou kay Kurt noong nagkita sila sa opisina.
"Hmm, secret. Ayokong magbigay ng any update tungkol sa training namin ni Yue lalo't kalat na ang balita na lalahok si Sir Jihan ngayong season. Ayaw kitang bigyan ng update dahil close kayo ni Jihan aka "Slap King!"
"Kurt c'mon. Iniisip mo ba na spy ako ni Jihan? Kakampi niyo ako diba? Man, paano mo naiisip na kalaban ako?" ang sagot ni Ryou sa kanya.
"Pwes, wala kaming kakampi ngayon, wala kaming pagkakatiwalaan ni Yue kundi ang aming mga sarili," ang sagot naman ni Kurt. Maging kay Ryou ay isinikreto niya ang status ng kanilang training.
"Damot niyo naman," nakangusong sagot ni Ryou na parang nagtatampo.
"I'm sorry handsome!" ang sagot naman ni Kurt.
Samantalang na excite naman si Ryou, nananabik siyang makita ang malaki changes sa personality ni Yue matapos ang training nito. Alam niyang malaki ang improvement nito mula sa pagkilos ng maayos at sa pagdadamit ng tama.
Halos isang linggo na lamang ang nalalabi at bubuksan na ulit ang panibagong season ng Elite Super Model. Noong kumalat ang balita na si Jihan ay nag entry ay tila nawalan ng pag asa ang iba na mananalo at ang iba naman ay nag withdraw na lamang ng kanilang mga entry dahil sa takot at sa paniniwala na si Jihan na ang mananalo sa nasabing contest.
"My God, out of 76 entries ay halos 40 na lang ang natitira dahil ang iba ay nagback out na dahil sa takot kay Jihan," ang wika ni Kurt na hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Aatras din ba tayo?" tanong ni Yue sa kanya.
"Retreat? Excuse me, wala sa bokabularyo ko ang salitang umatras dahil naniniwala ako sa talent ko at naniniwala ako sa kakayahan mo Yue. Kaya hindi tayo mapapaatras ng sea witch na iyan!" ang hirit ni Kurt.
"Laging sinasabi sa aking ina na wala namang masama sa pagkatalo. Ito ay parte ng buhay at sa pagkabigo tayo nagiging malakas. Gawin natin ang best natin para wala tayong pagsisihan," ang nakangiting wika ni Yue.
"Alam mo, minsan ang mga contest na ganito ay nakadepende rin sa luck. Kung meant to be tayong manalo ay mangyayari ito. Kung hindi naman ay tiyak na hindi ito ibibigay sa atin. Maaaring may ibang bagay na inilaan para sa atin at i-reredirect lang tayo sa tamang lugar na dapat nating kalagyan," ang sagot naman ni Kurt.
Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay siya namang pagpasok ni Jihan sa eksena, "Ewan ko ba naman kung bakit naisipan niyong sumali sa contest, eh hindi naman kayo bagay doon! May salamin naman sana dito, sana ay nakita niyo ang mga sarili niyo,," ang entrada nito.
"Hala, Sir Jihan paano po kayo napunta dito? Paano po kayo nakapasok dito sa salon ko? Ganyan ba talaga kayong mga kontrabida bigla na lang pumapasok sa isang pribadong lugar para gumawa ng eksena? Yung bigla na lang susulpot at mag babato ng lines?" ang tanong ni Kurt sa kanya.
"What ever! Well, napadaan lang ako dito sa cheap na salon mong pang mga daga at nakalagay sa harapan ang sign na "open" kaya pumasok ako. Wala naman sigurong masama diba? Sana nga ay hindi na ako pumasok para hindi ko na narinig yung kadramahan niyong dalawa. Nakaka suka talaga, swear," ang sagot ni Jihan.
Lumapit sa kanya si Yue, "Jihan, hindi ko maunawaan kung bakit galit na galit ka sa amin. Hindi ko alam kung saan ito nagmumula, bakit ba ganyan kang makitungo sa amin? Hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan na lang?" tanong ng binta.
"Magkaibigan? Nagpapatawa ka ba? Mayroon akong talong dahilan kung bakit hindi tayo pwedeng maging magkaibigan.
"Una, dahil chararat ka, weird, swanget, ugly ducking! Ang mga katulad mong mahirap at cheap ay hindi pwedeng makipagkaibigan sa akin. You know, yung mga kaibigan ko ay nasa upper upper at hindi kayo yun!
BINABASA MO ANG
The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
FantasyIt follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the reason for the destruction of their home under the sea. The name Yuelo literally means Moon. This i...