Vincent POV.
Nagising nalamang ako nang marining ko ang tawag ng aking ama, kaya dali dali akong bumangon at pumunta sa kanyang kinaruruunan nakita ko syang hawak ang kanyang alagang manok.
"bakit po ama?" tanong ko kay ama tumitig sya sakin syaka tumayo sumunod na ako sa kanya dahil alam kung aalis kami para maghanap ng pag kain at pera, wala na ang aking ina namatay sya sa kanyang matinding karamdaman di naman yun naagapan sapagkat wala kaming salapi para kumuha ng doktor, wala din akong kapatid ako lang nagiisang anak nila ngunit kami ay mahirap lamang kahit dalawa lang kaming nananatili ni ama.
"dalian mo dyan vicente kung nais mo nang kumain." malakas na sabi ni ama kaya dali dali akong lumakad pra mahabol sya.
Papunta kami sa taniman may maliit na lupa si ama sakto lang pangkain namin.
"oh vicenti hali kana magsimula na tayong mag trabaho." tawag sakin ni ama.
"opo ama" agad naman akong sumunod sa kanya at nagsimula nang magtrabaho.
Sa pagtatrabaho ko ay may nakita akong isang binibini para syang naliligaw hindi nya ata alam kung pano umuwi sa kanila lalapitan ko sana ito nang may isang ginoo na naunang lumapit sa kanya kinausap nya ang binibini ngumiti namn ang binibini sa kanya bago sumama.
"vincenti kumain kana dito!" agad naman akong napaiwas ng tingin sa binibini at tumingin kay ama na sinisilip kung sino ang aking pinagmamasdan kaya agad akong lumapit sa kanya.
"sino ang pinagmamasdan mo don vicenti?" takang tanong ni ama na nakatingin parin sa may gilid.
"wala naman po ama may nakita lang ako." mahinang sabi ko tumango namn sya sakin syka nagsimula nang kumain kaya kumain na din ako.
Dumilim na lamang ay hindi parin ako tapos saking ginagawa nanuna na si ama na umuwi dahil meron pa syanh gagawin isa na don ang pakainin ang mimahal nyang manok nadadagdagan tuloy ang kanyang papakainin wala naman yung problema sakin basta masaya lamang si ama, napatigil ako sa aking ginagawa nang may narinig akong tumawag sa akin.
"Ginoo? ginoo nais ko sanang magtanong kung inyong mararapatin." napalingon namn ako may ari ng tinig na yun ito ata na tinig ang pinakamaganda sa lahat na aking narinig.
"Ano ang inyong nais binibini?" ngiting tanong ko dto na nagpangiti sa kanga napaka ganda nyang babae matangos ang ilong maganda ang mga labi nakaka akit ang mga mata, napailing nalang ako sa karahasan na aking naisip.
"hmm kasi po ginoo ako ay naliligaw.." mahina na sabi nya ramdam ko ang hiya ng kanyang tinig kaya napangiti ako nang mas malapad.
"Taga san kaba binibini? upang ikaw ay aking matulungan pauwi sayong tahanan." di pa rin nawawala ang ngiti saking mga labi dahil sa hiya na aking nakikita sa kanyang mukha kay sarap tingnan.
"hmm kasi hindi ko din alam kung sang banda ang aming tahanan." napanganga ako sa aking narinig hindi ako makapaniwala pano kaya to napunta dto sa liblib na lugar ang bininining to? kahit maganda ang tanawin dito delikado parin sa kagaya nyang babae.
"hmn ganto nalang samahan nalang kita pumuntang bayan baka mahanap mo ang iyong tahanan, ano pala ang iyong ngalan binibini?" mahabang sabi ko sa kanya tumingin sya sakin at alinlangan na ngumiti.
"hmm ako po si Althe-" hindi nya natapos ang kanyang pahayag ng may biglang tumawag sa kanya.
"binibini andito lang pala kayo, kanina pa kayo hinahap ng inyong ama." biglang sabi ng isang ginoo dito.
"paumanhin po itay eman hindi ko po kasi malaman ang daan pauwi." mahinang saad ng dalaga dto.
"sa madaling salita binibini ikaw ay naligaw." natatawang saad ng matanda sa kanya, ngumiti lang ng kunti ang dalaga bago humarap sakin.
"hmm maraming salamat po ginoo at ako'y uuna na." tumango nalang ako dito, ngumiti sya sakin bago tumalikod at sumunod sa tinatawag nyang itay.
Hindi mawala saking isipan ang ganda nang kanyang mga mata sa bawat ngiti na kanyang binibigay sakin ako ay nabibighani parang awit ang kanyang boses saking tenga napakaperpekto nyang babae sigurado akong nabibilong sya sa mayamang pamilya.
"Vicenti! pinapatawag ka ng inyong ama at kakain na kayo." napalingon ako ng marinig ko ang sigaw ng aking kababata na si patricia.
"ako'y susunod na pakisabi kay ama patricia!" bawing sigaw ko dito ngumiti naman sya sakin bago tumango at tumakbo pauwi.
Inayos ko ang aking sarili bago ako umuwi saming tahanan, pagkarating ko ay nakita ko si ama na nakikipag inuman sa ama ni patricia na si tiyo lando agad akong lumapit sa kanila at nagmano.
"Andito na pala ang aking pinakamamahal na anak umupo ka at kumain na." sabi ni ama habang tumatawa kaya napabuntong hininga ako bago kumuha ng pagkain.
"Sa tabi na po ako ni patricia ama." mahinang sabi ko sakanya.
"oh cge basta wag kayong gagawa ng ikasusuway nyo sa dyos kasal muna bago apo haha." nagulat ako sa sinabi ni tiyo ngunit ngumiti nalang.
"magkaibigan lang po kami ama, tiyo ang ibig kung sabihin ay sa tabi ako uupo at sumabay sa pagkain." sabi ko sa kanila tumango lang ang mga ito bago pako tuluyang lumapit kay patricia.
Lumalim na ang gabi bago tuluyang umalis sina tiyo lando nagpaalam pa sila sakin bago ako tumungo saking silid upang magpahinga. bago pako nakatulog ay bumalik saking alala ang mukha ng binibini kanina sobrang laki na ata ang aking nagawang kasalanan sa pagpapantasya sa kanya.
Ngayong umaga ay dadayo ako sa lungsod upang bibili ng makakain kaya ako'y ayos ng aking sarili bago tuluyang lumabas. Pagdating ko sa lungsod ay naghanap na ako ng aking bibilhin nang may nakita akong pamilyar na hitsura.
"Paumanhin binibini hindi ko sinasadya." paumanhin ng isang dalaga sa binibini na aking nakita kagabi, tinitigan ko ang dalaga na humingi ng paumanhin nang may nakita ako na meron syang kinuha sa dala ng dalaga na hindi mn lang nya namamalayan kaya dali dali akong lumapit sa kanya.
"Paumanhin binibini nais ko lang malaman kung ano ang inyong kinuha sa dala ng binibining ito." napalingon sila sa sinabi ko...
﹉﹉﹉﹉﹉﹉
A/N: Magandang araw sa lahat paumahin at ngayon lang ako nakapag ud kung may naghihintay man haha.Happy 28 followers na pla hehe tas 481 na ang nagbasa ng Sunday in church guysss ang saya kona dyan. Thank you!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT SALAMSS.
PA follow pooo ako (Jayce WP) sa fb pa like poo salamat syaka kung sino want pagawa ng tula you can pm me (Malayang taludturan only) baka want nyo lang hehe.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Historical FictionAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...