Lakad takbo ang aming ginawa bago makapunta sa kalesa na aming sasakyan. Di ko parin maiwasan na mag alala kay kyla at pati din samin dalawa na baka mahuli kami.
"Hali kana thea sakay na at baka ma abutan nila tayo." Inalalayan niya ako pasaka sa kalesa at syaka sya pumuntang harap upang kami ay tuluyang lilisan.
"Ayos lang ba ang aking mahal?" napangiti ako sa tanong niya, kahit kailan talga ako ang inuna niya bago ang kanyang sarili.
"Oo naman ikaw ang aking kasama kaya ako'y ayos lamang, Ikaw ba mahal ko ayos ka lang?" kita ko ang pagkabigla niya kaya mahina akong natawa, lumingon siya sakin syaka ngumimiti.
"Ayos lang ako mahal ko, masaya ako pagka't naka alis tayo ng matiwasay." sa pagsabi niya non ay bigla kong naalala si kyla kung ano na ang nangyari dito.
"Nag-aalala ako sa kanya." mahinang sabi ko.
"Alam ko dahil isa kang mabuti, pero wag kang magalala alam kong ayos lamang siya diba yun ang sabi niya sayo? satin?"
"Ngunit diko maiwasang magalala sa kanya, para siyang kapatid sakin." natatakot ako na baka balang araw sisihin ko nanaman ang aking sarili pagmay mangyari sa kanya gaya ng nanyari sa isa kong kaibigan.
"Wag kang mag alala alam kong ayos siya kaya magpahinga ka muna at gigisingin lamang kita pag tayo'y nakarating na." Pagkasabi niya non ay agad akong nakaidlip dahil narin sa pagod na aking naramdaman.
Nakaramdam ako na may humawak sakin kaya dinilat ko ang aking mata nakita ko kaagad siya na parang bubuhatin na ako kaya napangiti ako.
"Bubuhatin sana kita, kaso nagising ka." nakangusong sabi niya kaya agad kong kinurot ang kanyang pisnge.
Kanina pa kami naglalakad hanggang sa may nakita kaming kubo. Tumingin ako kay vin at nakita ko ang pasilay ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Andito na tayo!" maligayang sabi niya sakin habang hawak ang aking kamay na nakangiti.
"Kaninong bahay ang ating tutuluyan vin?" tanong ko sa kanya, hindi ito sumagot at ngumiti lamang.
Nadating namin ang munting tahanan. Nakita ko ang ginang na nagwawalis sa labas nang bigla itong tinawag ni vin na kinagulat niya.
"Nay lita!!" sigaw ni vin napabitiw ito saking kamay at lumapit sa matandang babae.
"Jusko vicentong bata ka! anong ginagawa mo dito?" napanguso naman si vincent sa ginang at siyaka ito yumakap.
"Nay naman! bawal bang nais ko lang kayong makita?" Kita ang saya ni vin sa kanyang mata tinitigan ko lamang ito nang biglang nagtanong ang ginanang na kinakaba ko.
"Oh? Sino naman ng magandang binibini na ito?" sasagot na sana ako, ngunit naunahan ako ni vince.
"Kasintahan ko po nay." nagulat ang ginang ngunit agad namang nakabawi at nakangiti sakin.
"Magandang umaga po, ako po pala si Althea Elaine, tawagi niyo nalamang ako sa pangalang thea o laine po." magalang kong sabi sa kanya at siyaka ngumiti.
"Kay gandang bata, bakit mo pala pinatulan itong si vince?" natawa ako sa kanyang sinabi, nakabusangot naman ang mukha ni vince kaya mas napatawa ako.
"Nanay talaga ohhh!!" aping api na wika ni vince kaya mas napatawa kami ni aling lita.
"Ito naman hindi mabiro, oh siya pumasok na kayo at alam kong hindi pa kayo kumain!" hinawakan ni vince ang aking kamay at siya kami sabay na pumasok. Dumikit siya sakin at bumulong.
"Ayos kalang ba mahal ko?" Nakikiliti ako sa klase ng pagbulong niya kaya tumango nalamang ako habang namumula ang pisnge.
"Maupo na muna kayo at hahainin ko lamang ang pagkain." tahimik akong tumabi kay vince na panay lingon sakin.
Pagbalik ni nay lina ay tinulungan ko ito sa hapag ngumiti lamang ito sakin
"Maraming salamat po pala-" hindi natuloy ang aking sasabihin ng nagsalita ang ginang.
"Ay suss ayos lang yon at siyaka tawagin mona din akong nanay."
"opo nay.." mahinang wika ko na kinangiti niya.
Nagsimula na kaming kumain. Si vince at nanay lita ay naguusap habang ako ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila, ngunit tinatanong tanong din naman ako ni nay lita at siyaka ko ito sinagot ng maayos.
"hayy thea magsalita ka naman, isipin mo na bahay mo ito wag kang mahiya sa akin." nahiya akong nagtaas noo upang tingnan ang ginang.
"Nay.. pagod po kasi itong si thea medyo malayo ang aming nilakbay at hindi din siya sanay." naunahan akong magsalita ni vince na tumitig sakin at hinawakan ang aking kamay.
"Paumanhin po nanay lita." mahinang sabi ko at kinakabahan, narinig ko ang tawag ni nanay kaya napatingin ako.
"Oh siya sige magpahinga na kayo ako na bahala dito at ayusin niyo lamang na pahinga lang ang inyong gagawin." namula ako sa huli niyang winika dahil sa hiya.
"Nanay talaga ohh, nahihiya na po ang aking mahal!" mas lalong pumula ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi.
Bago pa magsalita si nay lita ay hinila na ako ni vince papuntang taas. Bumungad ang tatlong silid namin pumasok kami sa may kanan na silid ata ni vince.
"Ayos ka lang mahal ko?" tumango ako dito at ngumiti. Pumunta siya saking likod siyaka ito yumakap sakin at siniksik ang kanyang ulo saking leeg.
"Pasensiya kana at malayo ang ating nilakbay upang makalayo sa kanila." napapikit ako, masamang alala ang unang pumasok saking isipan at ang aking naiwan na kaibigan.
"Ayos lang.. ang mahalaga wala na tayo don at magkasama na tayo ngayon. medyo nagalala lamang ako kay kyla." hinarap niya ako siyaka tinitigan sa mukha.
"Magiging ayos lamang siya.. pangako yan." wika niya at dahan dahang lumapit sakin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
"Salamat.."
"Para san?" tanong niya.
"Sa pagdala mo dito sakin, paglayo sakin sa mga.." diko na tinuloy ang aking sasabihin dahil sa takot na bumaloy sa aking katawan.
"Magpahinga kana muna kukunin ko lang ang ating gamit sa baba." pagkasabi niya don ay hinalikan niya ako sa noo siyaka lumabas ng silid.
Linibot ko ang aking paningin sa loob ng silid, hindi kalakihan ang kama ngunit kasya na saming dalawa ni vince. Lumapit ako don siyaka humiga at ilang minuto lamang ay dinalaw ako ng antok hanggang sa nakatulog.
~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~
hallow!! hope someone enjoy reading this, and I hope someone waiting of my upadate. Matagal kasi supper busy sa school huhu.Matsalam guys!! Don't forget to vote, comment!!
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Historical FictionAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...