KABANATA 10

50 8 0
                                    

ULAN

Nakarating kami sa aming tinutuluyan at agad na kumain, ang saya ko na may halong lungkot. Iniwaksi ko nalamang ang mga negatibong pumasok saking isipan at inisip ang masayang nangyari ngayong umaga na hinihiling na ito'y dina matapos pa.

Pagtapos naming kumain ay agad akong naghugas ng pinggan ng biglang may yumakap saking likuran kaya't napangiti ako.

"mahal ko.. aalis ako, nais mo bang sumama?" malambing na tanong niya sa akin.

"oo nais kong sumama, nais kong ikaw ang kasama ko sa araw na ito." mahinang sabi ko habang tinutuloy ang paghuhugas.

"hindi lang sa araw na ito mahal ko."makahulugang sabi niya. "Habang buhay tayong magsasama." dagdag niyang wika na kinangiti ko.

Naglakbay kami patungong bundok medyo mainit na at nakakapagod sapagka't di ako sanay na maglakad sa malalayong lugar. Kay presko ng hangin kay aliwalas ng panahon, kay ganda ng huni ng mga ibon na parang naglalaro sa himpapawid at sila'y sobrang saya.

"Malapit na tayo, kunting tiis na lamang." nagaaalalang sabi niya saking tabi kaya napatawa ako.

"Sa iyong sinabi ay parang manganganak ako." tumatawang sabi ko, natahimik ito kaya agad ko siyang tiningnan at nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga.

"Ayos ka lamang ba?" kinakabahang sabi ko.

"ayos lamang ako."

"ngunit namumula ka.. halika't magpahinga muna tayo."

"wag kang magalala ayos lamang ako." nilapitan ko ito siyaka kinapa ang kanyany noo at leeg na dahilan upang mas lalo siyang mamula.

"hindi ka naman mainit.. nahihilo kaba?" nagalalang sabi ko ngunit ngumiti lamang siya sakin.

"Ang ganda mong tingnan habang nagaaalala sa akin." nanlaki ang mata ko at napanguso nagpipigil ng ngiti.

"may gana kapang magbiro sa kalagayan mong yan." dko namalayan na tumigil na pla kami sa paglalakad. nakanguso parin ako sa kanya habang siya naman ngumiti ngiti.

"sino bang nagsabi na nagbibiro ako? totoo kaya ang sinabi ko na napakaganda mo." pambubula niya pa sakin. naramdaman ko na may likidong pumatak saking uluhan kaya napatingin ako sa taas nagsisimula na palang umulan.

"vince! paulan na! san tayo mananatili niyan? baka tuluyan kang magkasakit niyan." nagaalalang sabi ko dito.

"nagaalala ba ang aking asawa?" napatigil ako sa kanyang sinambit.

"Tara na vince! mamaya kana mambula baka uulan na ohh." wika ko habang hila hila siya na parang ayaw nang umalis.

"Tara na akin na ang dala mo." agad niyang kinuha ang dala ko bago pa ako makaangal.

hawak niya ang kamay ko habang naghahanap ng masisilungan medyo lumakas na ang ulan at basa na kaming dalawa. May nakita kaming puno ng saging kaya agad kaming pumunta don, kumuha si vince ng patalim siyaka pinutol ang isang dahon ng saging.

Agad akong dumikit sa kanya upang di kami mas lalong mabasa habang hawak niya ang saging at ang aming dala ay nakahawak ako sa kanyang braso.

"baka magkasakit ka niyan vince." kinakabahan kong sabi.

"May kubo akong nakita don muna tayo magpalipas ng ulan!" tumingin ako kung san siya tumingin at nakita ko ang munting kubo na parang wala nang nakatira.

Nakarating kami sa kubo at agad niyang binaba ang mga dala at binigay sakin ang dahon ng saging, akmang susundan ko siya ng nagsalita siya.

"Diyan ka muna titingnan ko lamang kung ano ang nasa loob." tumango ako dito kaya mabilis siyang pumasok.

Agad naman siyang lumabas at lumapit sa akin, kinuha niya ang mga gamit at inalalayan akong makapasok.

"wala bang tao?" tanong ko rito.

"wala na atang nagmamay ari nito." mahinang sabi niya. napaupo ako ng makapasok kami dahil sa pagod sa katatakbo.

"Sobrang basa mo thea.." nagaalalang sabi niya kaya nginitian ko lamang ito.

"Ayos lamang ako, ikaw mas basa ka."

"nah! diyan kalang maghahanap muna ako ng pwedeng iilaw dito at pamalit na iyong magamit." di niya na hinintay ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at nagsimulang maghanap, hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako nagising ako ng hinalikan ni vince ang aking pisnge.

"thea alisin mo damit mo ito muna gawin mong panakip baka magkasakit ka pag natuyuan." ungol lang ang sagot ko dito at sinimulang maghubad agad naman siyang tumalikod sa akin kaya napatawa ako.

"Ba't bigla kanalang naghuhubad?" malakas na sabi niya habang nakatalikod parin, hindi kona lamang siya pinansin at kinumot ang kanyang binigay.

"hmm? maghubad ka basa ka rin vince baka mapano kapa." lumingon siya sakin na nakangiti.

Naghubad siya sa harap ko na kinanganga ko habang siya ay ngumiti ngiti na nangaakit sa kanyang katawan napaiwas nalamang ako ng tingin sa kanya.

"hmm ba't ka nakaiwas? buong gabi akong walang damit dahil pinahubad moko." hindi ko parin ito tiningnan.

"Anong buong gabi? uuwi tayo pagtumila." angal ko dito.

"hindi pa tumitila kaya pag gabi pa ito tumila hindi tayo aalis dahil baka mapano pa tayo sa labas hmm?" hindi ko ito pinansin at nakatagilid parin.

Ramdam ko ang pananahimik niya kaya dahan dahan akong lumingon sa kanya, yakap niya ang kanyang katawan na habang nakayuko kaya nakaramdam ako ng awa.

"vince?" tawag ko dito, tumingin siya sakin at ngumiti.

"hmm?" mahina niyang sabi.

"halika't tabi tayo, medyo malaki naman tong kumot kaya kasya tayo nito baka mapano ka sa lamig." tumitig ito sakin syaka umiling na kinakabahan.

"vince..." tiningnan ko siya ng masama kaya napanguso itong lumapit sakin.

"Thea mahal ko..." sabi niya habang nanginginig ang boses takot nalumapit sa akin.

"Hindi kita kakainis vince." naiinis na sabi ko kaya mabilis itong lumapit, binigay ko ang kalahati lumapit siya nagkadikit ang hubad naming katawan sa isa't isa kaya kinabahan ako.

Ramdam ko ang init ng aking katawan kahit ako'y nakahubad pati titig ni vince sakin ay parang nagaapoy kaya iniwas ko ang aking paningin at kinalma ang aking sarili.

"Sinasabi ko sayo thea." mahinang sabi niya na kinakabahan.

"Sobrang init vince." mahinang sabi ko.

Natatakot ako na baka may mangyari samin dahil mali yun kasalanan yun lalo na at hindi pa kami kasal, ngunit diko mapigilan ang aking sarili kasalanan mang tawagin ito makasalanan man ito sa paningin ng mga tao ng diyos. Ito ang kasalanan na kahit kailan diko pagsisisihan, kasalanan bang tawagin ang kinakasasaya ko kung gayon inaamin kong makasalanan akong tao.

     

ANYEONG now lang ulit ako nakapag ud ang busy kasi. Don't forget to vote, comment and recommend this story!!

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now