THEA POV.
Minulat ko ang aking mata at bumungad sa'kin ang puting kisami na may maliwanag na ilaw. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay pero may nakahawak dito, tiningnan ko kung sino ang natutulog at nakita ko ang aking ina.
"Ma.." gising ko dito agad naman niyang minulat ang kanyang mata at gulat itong tumingin sa'kin na naluluha.
"Gising kana.. Salamat sa diyos!" Sabi nito bago ako hinalikan sa noo.
"May masakit ba sayo? wait kalang huh? tatawagin ko lang ang doctor." tumango lang ako kaya agad siyang lumabas at tinawag ang doctor.
Dumating si papa at agad akong niyakap habang umiiyak. Humagolgol ito sa'king balikat.
"Sorry thea wala si papa nang mangyari yan sayo.. hindi nanaman kita naligtas sorry anak ko.." Napangiti nalang ako siyaka pinunasan ang mga luha sa kanyang mata.
"I'm okay na papa." sabi ko kaya tumitig siya sa'kin habang umiiyak parin.
Pinilit kong inalala ang nangyari kung sa'n ako nawalan ng malay pero walang pumasok saking isipan imbes ay sumakit nalang ang aking ulo kaya dahan dahan ko itong hinawakan at pumikit. Dumating ang doctor at tinanong ako ng madami, tango at iling lamang ang aking ginawa dahil sa pagod na aking nadama.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa ingay na aking nadinig minulat ko ang aking mata at nakita ko ang aking mga kaibigan, nagtatawanan ang mga ito. Lumingon sila nang naramdaman ang titig ko sabay silang lumapit sa'kin.
"May masakit ba?" tanong ni kyla sa'kin, hinawakan ko ang aking puso syaka tumango.
"Masakit puso ko miss ko na kasi siya.." Mahinang sabi ko sabay titig sa kawalan. Akmang babatukan ako ni Jl pero agad naman siyang pinigilan ni harnie.
Ilang araw ang lumipas bago ako nakalabas sa hospital. Sumama ako sa 'king magulang dahil ayaw kong maalala ang mga nangyari doon sa lugar na iyon, kung saan ko siya nakilala at kung saan niya ako sinaktan.
"Thea.." Napalingon ako nang tumawag sa 'kin si kyla.
"What?" Sagot ko dito.
"Kwento mo naman ex mo." naka ngusong sabi nito sa 'kin.
"pak u kaba?" Inis na tanong ko dito kaya tumawa silang lahat sa 'kin.
"Ako nalang mag kwe-kwento." Sabi pa ni lein tiningnan ko lang ito ng masama pero ngumisi lamang siya sa'kin.
Hindi ko sila pinakinggan at hinayaan nalang na i kwento ni lein sa mga kaibigan namin si vince. Habang nakatunganga ako ay may ala-ala na biglang pumasok sa 'king isipan.
"Lein... pakihawak mona ng phone ko.." lasing na sabi ko kay lein, tinanggap nito ang phone ko at nilagay sa kanyang bulsa.
Hinanap ko si lein at jake sa loob ng venue pero hindi ko sila makita hanggang natagpuan ko nalang ang sarili ko na pumasok sa isang silid at humiga sa kama, Ilang minuto ay may naramdaman akong tumabi sa 'kin pero hinayaan ko lang ito at tinuloy ang tulog.
Napamura ako sa 'king isipan dahil sa nangyari inalala ko ang sinabi ni vince nong nakaraan.
"WALANG NANGYARI?! TANGINA NAMAN THEAAA MAY TIWALA AKO SAYO PERO GAGOOO BAKIT PAGTAWAG KO SAYO KAGABI....kagabi theaaa nari- narinig ki- kitang umuungol gago theaa ang sakit!!"
Ngayon ko lang nalaman ang lahat ang narinig ni vince nang gabing yun ay si lein at hindi ako dahil sinabi ni lein na may naka sex siya sa gabing yun. Pero sobrang tanga ko rin meron akong bag ngunit hindi ko nilagay ang phone ko don imbes pina hawak ko ito kay lein.
"thea... di na ako virgin.."
Si lein nga yon hindi ako ang narinig niya gusto kong umiyak pero walang luha ang gustong kumawala sa 'king mata. Hindi ko sisisihin si lein dahil alam kong wala siyang kasalanan dahil ako ang nag bigay ng phone ko sa kanya. Pero kahit ganon masaya parin ako dahil alam ko sa sarili ko na walang nagyari sa 'min ng lalaking 'yon.
"Thea? ayos ka lang ba? kanina kapa nakatunganga diyan." pag-aalalang sa 'kin ni lein, nginitian ko lamang ito at pinahiwatig na ayos lamang ako.
Ilang oras lang ay dumating na kami sa bahay, napangiti ako pag pasok ko dahil sa pa surprise nila sa 'kin. Hindi na ako sumali sa kanilang pakulo at nagpahinga na lamang.
Natahimik na ang labas ngunit hindi parin ako makatulog. Napaisip nalang ako bigla kung pa'no 'pag nalaman ni vince ang nangyari sa'kin mag-aalala kaya ito? naisip kaya niya na dalawin ako sa hospital? o baka naisip niya na karma ko ito dahil sa pananakit na aking ginawa sa kanya? pero nasaktan lang naman siya sa maling akala, hindi ko alam kung bakit 'di niya ako kayang pakinggan. Totoo kayang napagod siya sa 'kin? o baka pinalabas lang niya 'yon kasi nasaktan siya?
Madaling araw na nang makatulog ako kaya late na akong nagising. Nalaman ko na dito na pala ulit ako mag-aaral na nagpalungkot ngunit nagpa relieve naman sa 'kin kasi hindi ko na siya makikita at para maka move-on na rin ako, hindi ko na siya iisipin simula bukas.
Ilang araw na ang lumipas at pilit ko paring kinakalimutan ang lalaking iyon, pilit kong pinapasaya ang aking sarili sa tulong nang aking mga kaibigan ay nagawa ko naman. Hindi nila ako hinayaang mag-isa.
"Alam niyo nahihiya na akong makita si ken." biglang sabi ni Jl kaya tumingin kami sa kanya lasing na ito nagsimula nang umiyak.
"Mali ako.. sana pinakinggan ko siya, sana pinakinggan kita thea..." iyak nito. Kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha kaya nilapitan ko ito at niyakap.
"okay na 'yon, lahat naman tayo nagkakamali.." sabi ko dito kahit nahihilo narin sa alak.
"misskonasya." sabi ni jl bago nawalan ng malay napahinga naman ako ng malalim.
"dina ako lalapit sa kanya nakakahiya ang sarili ko.." salita ulit nila jl na akala ko'y tulog na.
Kinabukasan ay inaasar nila si Jl kinuhanan ba naman kasi ni lein ang pa-iyak nito kaya hiyang-hiya ang gaga tudo explain pa pero wala naman siyang magawa dahil kita sa video na hindi pa ito naka move-on.
"Nahihiya lang kasi ako guys." inismiran nila ito at tumawa mas lalong inasar si Jl.
Nang mag college kami ay hindi na kami nag kita kita dahil sa sobrang busy ang kinuha kong course ay Flight attendant dahil matangkad naman ako at gusto ko talagang mag travel na libre.
Years have past at nakapagtapos ako sobrang saya, kompleto kaming magbabarkada at sobrang proud ng parents ko sa'kin. Tuluyan na rin akong naka sakay ng eroplano bilang isang ganap na Flight attendant, suot ang uniformi na aking pinapangarap at nakapunta na sa ibang lugar.
-THE END-
EME LANG HAHAHA
A/N: Sa KABANATA 26 po i eexplain ko lang baka malito kayo. nangyari po 'yon nong nahimatay si thea sa gitna ng daan, bumalik ulit siya sa nakaraan. Yun pong sinabi doon na 'magtiwala ka makakalaya ka sa bangungot na ito' ang ibig pong sabihin niyan ay kapag ginawa niya ang sinabi ng babae ay hindi niya maaalala ang nakaraan niya kapag nagising siya sa kasalukuyan at pra hindi siya pilit na hinahabol ng panaginip na iyon. At doon po sa nakita niya na andon si vince ay parti ng nakaraan niya parti ng panaginip hindi po iyon ang nasa kasalukuyan kundi panaginip po lahat ng nangyari, sa KABANATA 26 ay isang panaginip.
HINDI PA PO TO TAPOS PERO FEW CHAPTERS TO GO NALANG AT IIWAN NA NATIN SI VINCE AT THEA!!
Thankies po sa pag read!! DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND RECOMMEND THIS STORY MATSALAM!!
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Fiksi SejarahAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...