PAGKAKAIBIGAN
Nakita ko ulit si vin-vin ang aking matalik na kaibigan dumalaw kasi sila ulit saming tahanan, parati ko syang kalaro mabait at masayahin din kay ganda ng kanyang ngiti.
"vin-vin dito hanapin moko hahah" tawa ng tawa lamang kami habang naglalaro.
"huli ka elaine! ikaw na taya!" naalala ko pa ang bawat parti lalo na yung mga pangako namin sa isa't isa.
﹉﹉﹉………﹉﹉﹉
"Mangako tayo vin-vin na di natin iiwan ang isa't isa." nakanguso ko pang sabi dito tumingin sya sakin syaka tinaas ang kamay.
"Pangako elaine d kita iiwan at paglaki ko papakasalan kita pangako yan." napatawa ako sa sinabi nya na akin ding hiniling na tutuparin nya ang kanyang binitawang salita dahil ito'y aking aasahan.
"tutuparin mo ba yan vin-vin?" malungkot kung sabi dito.
"oo naman elaine lahat ng sinabi ko sayo ay tutuparin ko dahil ako'y nangako." ngumiti ako sa sinabi nya syaka yumakap dito.
Ang mga iyon ay naging ala-ala nalang nang biglang pumunta sya samin na umiiyak at nagpaalam.
"paumanhin elaine diko matutupad ang pangako ko na di kita iiwan aalis kami ngayon dahil nagkasakit si ina." di nya magawang tumingin sakin dahil sapag iyak hanggang nahawa ako sa mga luha nya.
"pe-pero babalik ka din naman vin-vin diba?" umiiyak na saad ko dito tumingin sya sakin at hinawakan ang aking kamay.
"oo babalik ako at pagbalik ko papakasalan kita pangako yan elaine." napayakap ako sa kanya habang umiiyak ngayon lang ako umiyak ng ganto hindi ko inakala na dadating ang araw na magkakahiwalay kaming dalawa.
Umiiyak syang tumalikod sakin gusto ko syang habulin ngunit pinigilan nila ako nagwawala ako sa lungkot at sakit habang sinisigaw ang kanyang pangalan at sakaling bumalik ngunit nabigo ako hindi na sya lumingon at tumakbo na paalis.
Hanggang dumating ang araw na kami din ay kailangang umalis.
"Ayaw ko ama, babalik dito si vin-vin hahanapin nya ako kaya ama dito lang tayo wag na tayong umalis ama." umiiyak na ako nanghihingi ng tulong kay ina ngunit umiwas lang sya ng tingin wala akong nagawa nang tuluyan na talga kaming umalis na hanggang ngayon ay ala-ala nalamang ang natira.
"elaine? ayos ka lang ba?" nabalik ako sa reyalidad ng may tumawag sakin nakit ko si vince saking tabi agad ko namang pinunasan ang mga luha saking mga mata.
"Paumanhin naalala ko lang dati nung nangako si vin-vin sakin na papakasalan nya ako." gulat nya akong tiningnan ngunit ngumiti lamang ako.
"bakit?" takang tanong nya.
"kasi d na yun matutupad ikakasal na ako sa taong dko kilala at dko mahal." napangiti ako ng mapait sa sinabi ko, kita ko ang pagyukom ng kanyang kamao.
"Matagal ko syang hinintay na siguro ay kailangan ko nang tigilan dahil sa huli ako lang din ang masasaktan." napaluha ako hindi ko na talga mapipigilan si ama upang hindi ako ikasal sa taong d ko kakilala.
"Kung makikita mo ba sya hindi ka tutuloy sa kasal na ginawa ng iyong ama?" napalingon ako dito sa tanong nya dko kayang masagot dahil kahit kailan hindi ako pwedeng sumuway kay ama dahil lahat ng ginagawa nya ay ikinakabuti ko sana ngayon din ikinakabuti ko pa ang iniisip nya.
"Hindi ko alam, Hindi ko kayang suwayin ang aking ama pero siguro susubukan ko dahil sa kanya ko din naman gusto ikasal." napangiti ito saking sinabi.
"ngunit kung babalik nga lang sya.." ang totoo kung ngiti kanina ay napalitan ng pait na ngiti.
"pano kung sabihin ko na ako si vin-vin maniniwala kaba?" gulat ko itong tiningnan ngunit sya ay nakangiti lamang.
"Hindi." taka nya akong tiningnan kaya napatawa ako.
"at bakit naman?" tanong nito sakin.
"kasi si vin-vin hindi suplado."
"Hindi naman ako suplado huh"
"Bakit ikaw ba talga si vin-vin? pariha kayong ngumiti." binulong ko din ang huli kung sabi dahil nakakahiya.
"Tlaga? pareha kaming ngumiti? ganto bang ngiti?" ngumiti ngiti pa sya sakin kaya napatawa ako.
"Magsitigil ka vince baka maniwala talga ako na ikaw si vin-vin." mahinang sabi ko sa kanya, napatingin ito sakin syaka ngumiti nalamang.
"Bakit ayaw mong maniwala na ako sya?"
"Bakit ikaw nga ba sya?" bawing tanong ko din dito kaya napangisi sya.
"Kung sasabihin ko bang ako sya? maniniwala ka?" balik nyang tanong sakin.
"Oo maniniwala ako basta't ipapakita mo ang binigay ko bago sya tuluyang umalis." hindi ko alam ngunit ngiting ngiti parin sya sa mga sinabi ko.
"hmm alin ba don? yung kwentas?" napatingin ako dito gulat na tumingin.
"Ikaw nga si vin-vin!!!" hindi ko alam ngunit sa sobrang gulat ko ay napayakap ako dito pero mabilis lang ding umalis at nahihiyang tumingin sa kanya.
"Paumanhin natuwa lamang ako." pagkasabi ko non ay nagsimulang tumulo ang aking mga luha kung kanina ay luha na puro sakit ngunit ngayon ay luhang puro saya nalamang.
"Bumalik ka vin-vin, tinupad mo ngunit hindi paba huli?" ang masaya kung boses ay napalitan ko ng lungkot.
"Bakit? nais mo bang ikasal sa lalaking yon?" tanong nya kaya agad akong umiling.
"hindi ako papayag dahil hindi ko sya kilala at hindi ikaw sya vin-vin." pagkasabi ko non ay napangiti sya at ginulo ang aking buhok na mahaba kaya napanguso lamang ako.
"Kung ganon ipaglalaban kita binibining elaine kahit ama mo man ang maging kalaban ko makuha ka lamang." Napatitig ako sa kanya syaka ngumiti ng malaki, pagkakatiwalaan ko sya gaya ng pagkakatiwala ko dati sa kanya.
A/N: hallowwww salamass sa pagbasa!!
DON'T FORGET TO VOTE SALAMSS!!!
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Historical FictionAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...