KABANATA 16

59 7 0
                                    

PAGIWAN





THEA POV.

"Pagod na ako..." mahinang bulong ko habang patuloy parin ang aking mga luhang bumabagsak saking mata.

"Ginawa ko ang lahat... para kahit papano maging masaya ako.. pero ngayon hindi kona kaya pagod na ako.." Tiningnan ko ang buwan gamit ang mga pagod kong mata.

"Hindi naman siguro masama kung nais ko nang magpahinga.. hindi kona kaya.."

Dahan dahan kong kinuha ang basag na botel sa aking damit, lumapit ako sa karagatan at dahan dahang hiniwa ang aking pulso, syaka ko nakita ang mga dugong dumaloy sa aking kamay.

"Patawad vince.. sana balang araw mapatawad mo ako and I hope someday you'll be proud of me.." mahinang sabi ko syaka ako nahulog sa dagat at dito alam kong makakapagpahinga na ako..

THIRD PERSON POV.

May lalaking pumunta sa tabing dagat upang magsimulang mangisda at laking gulat niya sa kaniyang nakita.

"Tulong!! May babaeng lumulutang sa dagat!! Tulungan niyo ako!!" sigaw ng binata habang pinuntahan ang babaeng lumulutang, agad namang nagsidatingan ang kanyang kasama at tinulungan siyang buhatin nito.

"Tingnan mo kong buhay pa ang batang iyan." sabi nong lalaki at agad naman nyang tiningnan ang pulso ng dalaga siyaka nila nakita ang laslas nito.

"Malaking kasalanan... kawawa ang babaeng ito.. Panginoon sana'y iyong patawarin ang katawang ito sa kanyang nagawang kasalanan." mahinang dasal ng matanda habang hawak ang kamay ng babae.

"Dalhin natin ito sa malapit na pagamutan at baka may maghanap sa kanyang katawan." nalulungkot na sabi ng binata, at kanila naman itong sinang ayunan, at syaka nila ito binuhat.

"Ano ang nangyari diyan?" tanong agad ng doctor pagkadating nila sa kanila.

"Nakita ko po siya sa dagat na walang buhay na lumulutang..." mahinang sabi ng binata at may lungkot sa kaniyang mata.

"Kilala ko ang batang ito!" nagulat sila ng may nagsalita sa likod nila, agad naman nila itong tiningnan at nakita nila ang matandanh babae na umiiyak.

"Thea anak..." mahinang sabi ng matanda syaka niya ito hinawakan.

"Bakit ka umalis hmm? bakit mo kami inwan.. anak ko.." humagol gol na sabi ng matanda.

"Anak ko andito na si nanay lita mo.." mahinang sabi niya at pilit na ginigising ang patay na katawan sa kama.

"Kaano ano niyo po?" biglang tanong ng doktor sa kanya.

"Nobya siya ng inaanak ko, nung nakaraang buwan ay bigla siyang nawala sa bahay.." sagot ng matanda syaka ito tumayo.

"aalis ako, kailangan niya itong malaman..." pagkasabi ng matanda ay agad siyang umalis kahit kita sa  mga mata niya ang sakit  ng dahil sa nangyari.

Pagkaalis ng matanda ay merong mag asawang dumating, umiiyak sila habang nakatingin sa walang buhay na katawan sa kanilang harapan.

"Patawad anak ko.. Patawad at hindi ka napagtanggol ni ama.. patawarin mo ako anak.. pinapangako kong sa susunod na buhay pangako kong aalagaan, mamahalin at pro- protektahan kita." Sabi ng matandang lalaki habang nakayakap sa walang buhay niyang anak sa kanyang harapan.

Habang patakbong umalis ang matanda na nag ngangalang lita. Hanggang sa makarating siya sa munting kubo, dali dali itong pumasok at isinigaw ang pangalan ng isang lalaki.

"Vince!! nakita ko na si thea!!" sigaw ng babae pagapasok palang niya sa kanilang tahanan.

"Nasan po? asan siya?" sabi ng binata pagkababa niya sa hagdan, kita sa kanyang mata ang pangungulila at lungkot pati ang pagod.

"Si thea.." hindi alam ng matanda kung paano niya sasabihin sa kanyang inaanak na wala na ang babaeng kanyang minamahal.

"Anong nagyari po?" kita ang kaba sa mukha ng binata,  takot sa posibleng sabihin ng kanyang ina inahan.

"Nakita si thea kanina.." nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mata.

"Anong nangyari? sabihin niyo naman nay lita.. nagmamakaawa ako.." nagulat ang matanda dahil sa biglang pagluhod na ginawa ng binata.

"Nakita ang p-patay na ka-katawan ni thea na lumulutang sa dagat..." nahihirapan na sabi ng matanda.

"Hi-hindi yan to-totoo! wag kayong magbiro maawa kayo masamang biro yan.." hindi makapaniwalang sabi ng binata.

"Mali kayo! hindi ako iiwan ni thea! hindi niya ako iiwan gaya ni ina, nangako siya.." nagsimula siyang lumuha sa sahig at nagmamakaawa na buhay pa si thea na mali ang kanilang sinasabi.

"Vince patawad.." umupo ang matanda at yumakap sa binata na patuloy sa pagiyak.

"Hindi yan totoo pupunta ako don at sa harap ng babaeng yun, sasabihin ko sa iyo na hindi siya si thea, na namamalikmata ka lamang." agad siyang tumayo at pumunta kung saan dinala ang babae kung saan andon ang kanyang nobya.

Sasabihin ko sa harap ninyo na hindi ang bangkay na iyon si thea na buhay ba ang babaeng mahal ko...

Pagkadating niya doon ay agad siyang sumunod sa kanyang tita at laking gulat sa kanyang nakita, napaupo nalamang siya.

VINCE POV.

Pagalis ko sa puting nakatabon sa bangkay ay nakita ko siyang walang buhay, hindi himihinga at maputla ang mga labi na hiwa ang pulso.

"Hindi... thea.. bakit? bakit mo ako iniwan? nangako ka! sabi mo hindi mo ako iiwan sinabi mo yun thea.. bakit?" umiiyak kong sabi dahil hindi matanggap ang aking nakita.

"Bumangon ka diyan! maawa ka.. wag mo akong hahayaang magisa..." Hinawakan ko ang kanyang patay na katawan at hinalikan siya sa pisnge habang ang aking mga luha ay dumadaloy sa kanyang katawan.

"Patawad.. nahuli ako thea... hindi kita naligtas patawarin mo ako.." Iyak kong sabi.

"Patawad matagal ako..  hindi ako nakaabot mahal maawa ka gumising ka na diyan... wag mo naman akong iwanan hindi ko kaya..." pagmamakaawa ko pa sa kanyang patay na katawan.

"Bakit mo ako iniwan? sana hinayaan mo akong lumaban para sa atin.. patawad natagalan ako hinanap kita pagkaalis mo pinuntahan kita pero hindi nila ako hinayaang makapasok sa lugar na iyon.. nagpumilit ako pero binaliwala lamang nila hanggang sa binubog ako, hindi ako nanlaban dahil akala ko hahayaan nila akong pumasok pero hindi pala, sinabihan nila akong ikakasal kana sobrang gumuho ang mundo ko parang pinatay ako ng paulit ulit pumunta ako kay ama pero pagdating ko don ay may nakatutok sa kanyang baril tumakbo ako papalapit pero hindi pa ako nakakalapit binaril siya.. binaril siya ulo nakita ko ang pagtulo ng luha niya sa huling sandali..." mahabang kwento ko sa kanya.

May umiyak sa likod ko kaya tumingin ako don nakita ko si kyla umiiyak na lumapit sa bangkay ng kanyang kaibigan.

"Patawad vince.. di ko siya napigilan.. patawad theaa! sana mapatawad mo ako..." humagolgol nitong sabi sa akin at kay thea.

"Nakita ko itong sulat sa loob ng kulungan... para sa iyo daw ito.." nagulat ako sa kanyang sinabi, naginginig kong tinanggap ang sulat.

"A-anong ibig mong sabihin na nakulong?" kinakabahan kong sabi.

"Pinatay niya ang kanyang magiging asawa dahil pinatay nito ang inyong anak binaril si thea sa loob ng simbahan at buntis siya namatay ang bata." gumuho ang mundo ko galit sa may gawa non awa sa aking sarili.

Bakit parati akong iniiwan ng lahat?










Pa add ako sa fb acc ko

(Chars Jayce) that's my fb acc, let's be mutual there salamat have a good day!


VOTE.COMMENT.RECOMMEND.

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now