TRIGGER WARNING
LOST
Nagising ako habang habol ang hininga tumutulo ang mga luha sa aking mata. Napapikit nalang ako parang nagbalik ang panglalagkit ko sa katawan ko, parang kahapon lang lahat nangyari yun.
Umiyak ako ng umiyak nais kong puntahan si vince, pero hindi pwede bakamapano siya baka madamay sila at baka hindi makita ni kyla ang kanyang pamilya natatakot ako.
Umiyak lamang ako ng umiyak habang hawak ang aking tiyan alam kong buntis ako at gagawin ko ang lahat upang maging maayos ang aking lagay para sa aking anak.
Hindi ko inabala ang aking sarili lalo na at buntis ako, nais kong sabihin sa kanila pero diko magawa, natatakot ako sa posibleng mangyari. Alam kong wala silang paki alam kung mag kakaroon ako ng anak.
Wala nga silang pakialam sa akin sa anak ko pa kaya.
Bumaba ako ng makaramdan ng gutom kahit ayaw kong kumain pero dahil natatakot ako na may mangyari sa bata sa aking sinapupunan kaya pinilit kong kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nakaramdam ako ng pagduduwal kaya dali dali akong tumakbo papuntang banyo at doon nagsuka, habang nagsusuka ako ay may naramdaman akong tao sa likod nilingon ko ito pagtapos kong magsuka pero laking takot ko kung sino ito, ang aking mapapangasawa....
"Nagdadalang tao ka?..." mahinang sabi niya habang nakangisi.
"Hi- hindi..." yun lang ang sinabi ko bago umalis pero mabilis niyang nahawakan ang aking brasong nanginginig.
"Wag kang mag alala hindi ko sasabihin sayong ama." Nakahinga ko ng maluwag sa kanyang sinabi pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan niya ako. "Hindi pa ngayon..." nakangising sabi niya kaya bigla akong kinalibutan at ramdam ang takot sa aking katawan.
Pagtapos niyang sabihin yun ay umalis siya at iniwan akong hindi makagalaw sa aking kinatatayuan, natauhan nalang ako nong biglang nagsalita ang aming katulong.
"Ayos lang po ba kayo?" nagaalalang tanong niya sa akin syaka ako binigyan ng maiinum.
"Opo, maraming salamat." tinanggap ko ito at agad ding umalis at bumalik sa aking silid.
Nakatulog ako sa pagiisip at nagising nalamang ako na umaga na ang araw kung saan ako ikakasal at alam kong dito magsisimula ang ala alang kahit kailan hindi ko nanaisin.
"Thea.. halika mag ayos kana, isang oras nalang bago mag simula ang kasal mo." nakatanga lamang ako sa kawalan habang lumapit ang aking ina at sinimulan akong ayosan.
Tumingin ako sa aking repleksyon pagkatapos kong maayosan. Hinawakan ko ang bistidang sinuot nila sa akin na kahit sobrang linis nito at ganda parang nahahawa siya sa dumi na aking dala.
Nakarating ako sa simbahan kung saan minsan kong pinangarap na makasal at ngayon ay matutupad na pero hindi sa lalaking minahal ko ng lubusan.
Kasama ko si ama at ina habang naglalakad ako papuntang altar. nais kong umalis, tumakbo palayo sa kanilang lahat at mamuhay kasama ang aking anak at si vince pero hindi ko magawa dahil natatakot ako.
Nakangisi akong sinalubong ng aking mapapangasawa, nilahad niya ang kanyang kamay kaya nanginginig ko itong tinanggap pero laking gulat ko sa kanyang ginawa hinarap niya ako syaka hinila sa buhok.
"Itong babaeng to!! ay isang maduming babae, nagpabuntis siya sa lalaking hindi niya kasintahan!" sigaw niya na kinagulat ng lahat, napangisi ito sa akin syaka ako binitawan kaya napaupo ako sa sahig ng simbahan.
"Wala siyang kwenta! maduming babae!! sa akin pa balak niya ipaalaga ang bata na galing sa kahit sinong lalaki!!" gusto ko siyang sigawan na hindi kahit sino si vince, dahil siya ang lalaking minahal ko.
Napatakip ako sa aking tenga ng mag simula silang magbato ng masasamang salita sa akin pero hinila niya ang buhok ko pataas.
"Wala kang utang na loob! kayo ng pamilya mo!" sigaw niya sa akin kaya napatingin ako sa aking mga magulang sumalobong sa akin ang galit na tingin ni ama.
"Wag.. maawa ka.. wag.." mahinang sabi ko habang patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha.
Binitawan niya ako kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lumabas sa simbahan kung saan ako dapat ikasal pero bago pa ako makalabas ay may narinig akong putok ng baril, tumama ito sa aking tiyan kaya lumuluha akong napa upo.
"Ang anak ko...." mahinang sabi ko habang dahan dahang nawalan ng malay.
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid dahan dahang nagbalik ang aking ala ala kaya umiyak ako habang hawak ang akinh tiyan.
"Ang baby ko.. ang baby ko tulungan niyo ang baby ko.." Umiyak ako habang hawak ang aking tiyan non din ang oras na dumating ang doctor.
"Doc. ang baby ko po?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Patawad, wala kaming nagawa hindi nakayanan ng anak mo." Ang luhang umurong kanina ay biglang nagsilabasan habang umiling iling.
THIRD PERSON POV.
"No! hindi yan totoo! buhay pa ang anak ko! buhay pa siya... ramdam ko pang buhay siya maawa ka sabihin mong buhay siya maawa ka...." sigaw ng babae sa loob ng isang silid habang lumuluha.
"Patawad..." tanging sabi ng doktor syaka tuluyang lumabas ng silid habang ang babae ay umiiyak na mag isa walang karamay.
"Hindi yan totoo... mali sila... anak diba buhay kapa? ramdam pa kita anak ko.." sabi niya syaka hinimas himas ang kanyang tiyan.
"Anak... magparamdam ka kay ina, wag mong iwanan si ina ikaw lang natitira sa akin.." bulong bulong niya pa habang hawak ang tiyan pero kalaunan ay bigla siyang umiyak at nagwala.
"Hindi mali kayo! buhay pa ang anak ko! hindi niya ako iiwan siya lang ang meron ako!!" na alerto ang mga doktor kaya dali daling pumasok sa silid hinawakan nila ito syka ginapos na parang baliw.
"HAHAHAHHA alam kong nagbibiro kayo... maawa kayo sabihin niyo na buhay pa ang anak ko.. buhay pa siya alam ko...." napaiyak nalang ang doktor habang tinitingnan siya na nagmamakaawa, gulo ang buhok at kung titingnan ay parang baliw.
"Ms. wala na ang anak mo.. patay na siya..." mahinang sabi ng doktor habang umiiyak na nakatingin ka kaawa awang babae.
"Hindi yan totoo! wala kang karapatan na magsalita ng ganyan!! wala kayong karapatan.. hindi ako iiwan ng anak ko hindi niya ako iiwan..." umiiyak na sabi niya habang pinipilit na kumawala sa lubid na ginapos nila sa kanya.
Humalakhak siya ng malakas at bigla nalang umiiyak na parang bata at mag sisigaw sigaw.
"Anak ko hmmm hmm hmm hmmm anak ko hmm hmmm." heli niya sa kanyang anak habang tumitig sa kawalan.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Historical FictionAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...