KABANATA 34

25 5 0
                                    


THEA POV.











Tinawag ako ng mama ni vince kaya agad akong lumapit dito na nakangiti. Pumunta kami sa labas at doon umupo nang tahimik.

"Alam kong ikaw ang babaeng iniiyakan ni vince noon." agad naman akong napalingon kay tita nena at hindi makakapa ng isasagot.

"Akala niya niloko mo siya pero alam mo nong pumunta ka sa'min at doon nanghingi ng tawad at may mga salita siyang nasabi. Umiyak siya ng umiyak noon at napag desisyonan kang sundan kaso nakita ka niya sa gitna ng daan walang malay." Napahawak ako sa'king dib-dib no'ng maalala ng nangyari dati.

"Takot na takot ito habang dinala ka niya sa hospital. Tumawag ito sa'kin hindi ito nagsalita at iyak lang ng iyak. Si vince simula't sapol iyakin 'yan, kunting pagkakamali lang sinisisi niya na ang sarili niya. At sa nangyari sa'yo noon sinisi niya din ang sarili niya, parati niyang sinabi na kasalanan niya ang nangyari noon kahit sa panaginip pa nita ikaw ang laman." Biglang tumulo ang luha ko sa sinabi ni tita, I can't believe pero dahil kilala ko ito alam kong sinisi niya ang sarili niya.

"Araw-araw ka niyang dinadalaw sa hospital walang palta kahit nong gising kana ay pumupunta siya pero hindi pumapasok dahil baka galit ka daw dito." napailing ako, ang akala ko ay hindi ako binisita ni vince, mali pala ako.

"Hanggang sa makalabas kana sa hospital parati ka lang niyang tinitingnan sa malayo kahit sa pag-alis niyo pa ay nakatingin lamang siya at walang tigil sa pagluha. Pag nakikita ko ang anak ko sa ganoong sitwasyon, sobrang sakit bilang ina niya kaya Please wag mo siyang iwan. Minsan lang nagmahal si vince at ikaw 'yon, ikaw lang ang babaeng parati niyang iniiyakan kahit sa panaginip." Pagtapos naming mag-usap ni tita ay nakatanga akong pumasok sa loob.

Nakita ko si vince na papalapit sa'kin. Yumakap ako dito pagkalapit kaya napangiti ito pero ramdam ko ang kaba niya.

"I love you vince and I'm sorry for everything I've caused." Bulong ko dito pero agad niya akong binuhat at dinala sa kwarto.

"Is there something bothering to my baby?" umiling lang ako siyaka inangat ang ulo at hinalikan.

"Nagiging clingy na ang lalabs ko." ngising sabi nito syaka pumatong sa babaw ko.

"Ngayon lang 'to kasi buntis ako." natawa naman ito sa sinabi ko at pinagdikit ang noo namin.

"Bubuntisin at bubuntisin kita parati."  ngising sabi nito at syka ako hinagkan sa labi.

"Oh sino ngayon ang clingy?" I asked kaya natawa ito at tumabi sa'kin.

"Nag-usap kayo ni mama, anong sinabi?" seryosong tanong nito kaya umiling lamang ako.

"Girls talk only." ngising sabi ko kaya nangunot ang noo nito.

"Daya naman ng bebelabas ko." parang batang sabi nito sabay nguso.

Ito ang araw na pinakahihintay ko. Today is our wedding. I smiled sweetly while looking at the mirror. Kinakabahan ako pero alam kong pagtapos nito makakasama kona ang lalaking mahal ko at mahal ako. Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pagpasok ni papa, ngumiti ito sa'kin kita ko ang saya sa mukha niya at ang pangunguli nito kaya agad ko siyang yinakap pagkalapit.

"Paa.." Pagsabi ko non ay agad nagsitulo ang mga luha niya. My father is still a cry baby like before, naalala ko tuloy nong bigla akong linagnat ng mataas sa sobrang kaba niya ay napaiyak siya sa hospital.

"Anak.... hindi na ako ang magiging the best man sayo.. alagaan niyo ang isa't isa at kapag sasaktan ka niya babawiin kita kayo nang mga magiging apo ko." Pinigilan kong hindi maiyak para hindi masira ang makeup ko kaya napanguso nalang ako.

"Ano kaba papa! Ikaw parin ang pinaka the best man sa mundong ito, ikaw parin ang una at hindi 'yon mapapalitan papa. I love you." Pagsabi ko non ay mas lalo itong napaiyak kaya natawa nalang ako.

"Ahwww My papa is still a cry baby." masuyong sabi ko kaya natawa siya at pinonasan ang mga luha sa kanyang mata at mukha.

"Mana ka talaga sa mama mo ihh." sabi niya sabay kurot sa ilong ko.

"Paa! 'yong makeup ko!!" agad niyang tinanggal ang pagkakahawak sa ilong ko at hinalikan ako sa pisnge.

"Are you ready to meet your man?" nakangiti ako habang tumatango sa kanya kaya agad niya akong inalalayan papunta sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay naguusap lamang kami ni papa upang matanggal ang kaba sa dib-dib ko. Kanina pa hindi ako mapakali kaya hinawakan ni papa ang kamay ko at syaka ngumiti sa'kin.

Nakarating kami sa simbahan at pagbukas nito ng pinto ay nakita ko ang lalaking naghihintay sa dulo. Hindi maalis ang tingin ko dito lalo na at nagsimula siyang umiyak agad naman siyang dinaluhan nang kaibigan niya at halatang inaasar. Dalawang lalaki ngayon sa buhay ko ang umiiyak ang papa ko sa tabi ko at si vince habang naghihintay doon. Tuluyan kaming nakarating doon kaya bago pa ako sumama kay vince ay hinarap ko mona ang aking papa na walang tigil sa kakaiyak.

"Paaa.. Andito parin naman ako sa tabi niyo ihh kahit may asawa na ako hindi ko kayo kakalimutan pangako yan papa. I love you papa kong iyakin." tumango ito sa'kin at syaka ako dahan dahang binitawan.

"Alagaan mo ang anak ko gaya ng pinangako mo sa'kin noon." tumingin ito kay vince.

"Opo papa gagawin ko po ang lahat para alagaan ang anak niyo at ang magiging anak namin." Tumango lang si papa bago umalis kaya hinarap kona si vince syaka humawak sa kanya at dinala ako sa harap ng diyos upang doon bigyan ng basbas.

Ang saya ko ngayon. Meron akong dalawang iyakin na lalaki na nagmamahal  sa'kin.

Hindi man naging mabuti ang nakaraan ko, naging masaya naman ang kasalukuyan ko.

Alam kong para sa'kin na 'to na wala nang hahadlang upang mahalin ko ang lalaking minahal ko sa nakaraan.

Sana sa susunod na habang buhay tayo pa rin. Hindi. Sa susunod na habang buhay tayo parin sisiguraduhin ko 'yon.













.・゚゚・(/J\)・゚゚・.



A/N: TOMORROW IS THE EPILOGUE! GET READY TO GOODBYE TO OUR MAIN CHARACTER. AND TOMORROW I WILL UPDATE THE LEYTE SERIES #3 WHICH HARNIE JAY PEREZ AND JASON RAY LORETO STORY INTITLED 'UNTIL ITS END'.





















COMMENT, VOTE AND RECOMMEND THIS STORY THANKIES!!

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now