KABANATA 9

57 8 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw. Wala si vince saking tabi kaya umalis ako saking higaan at dahan dahang bumaba ng hagdanan. Pagdating ko ay nakita ko silang nagaayos marahil silay lilisan upang mangisda, mabilis akong lumapit sa kanila.

"Vin.." mahinang sabi ko agad siyang tumingin sakin at ngumiti.

"Magandang umaga! Kung iyong mamarapitin nais sana kitang isamang mangisda sa ilog?" napangiti ako sa kanyang sinabi dahil nais kong subukan ang mga bagay na kahit kailan hindi ko nagawa.

"Syempre naman!! nais kong sumama upang masubukan ang bagay na iyon!" maligaya kong wika sa kanya. Lumapit siya sa akin at syka ako hinalikan sa noo.

"Lahat ng bagay na hindi mo pa nagawa, nais kong ako ang iyong kasama upang magawa natin nang sabay."

"Oo namn vin ikaw lang naman ang aking kasama at wala ng iba pa." hinawakan nito ang aking pisnge na nakangiti.

"Pangako?" patanong niyang sabi, masigla ko naman itong sinagot.

"Pangako!!" maligayang sabi ko dito.

"Kung gayon uminom ka muna ng kape upang tayo'y maka alis na." Agad naman siyang umalis at syka nagtimpla ng kape.

"Ako nalamang ang gagawa ng kape." sabi ko dito.

"Ayaw ko dahil nais kong paglingkuran ang aking mahal." namula ang aking pisnge dahil sa sinabi niya kaya agad akong napayakap sa kanyang likuran ramdam ko ang pagkabigla niya ngunit bumalik lang din ito sa kanyang ginagawa.

Pagkatapos naming magkape ay umalis na kami, dinala niya ang ibang gamit at nagdala din ako ng kaunti kahit hindi ito pumayag wala din siyang nagawa at hinayaan nalamang ako.

Habang kami ay naglalakad sobrang daldal naman ni vin, ang akala ko ay nagbago ito hindi pala gaya nong mga bata pa kami siya ang pinakamaingay. Napangiti nalamang ako habang inaalala ang dating kami ang dating kami na walang pinagtataguan na sarili lamang ang iniisip.

"Andito na tayo!" napabaling ako sa kanyang tinitingnan ang ganda nito sobrang ganda ito ang pangatlong nagbibigay sakin nang masiglang araw dahil ang una ay si vince na kahit saan kami pumunta basta't siya ang aking kasama, pangalawa naman ay kung saan kami muli nagtagpo, kung saan nabihag niya ulit ang aking puso.

"Ang ganda dito.." mahinang wika ko habang tumitingin sa karagatan.

"Hindi yan ang pinakamaganda na aking nakita dahil ang una ay ikaw, ikaw ang magandang nangyari sa buhay ko.." napabaling ako sa kanya siyaka ngumiti. hinawakan niya ako sa kamay at siyaka hinila ito.

"Mas maging maganda ito pagnasa gitna tayo ng karagatan lalo na pagtumaas ang araw kaya halika na't sabay natin itong aabangan." inalis niya ang lubid sa bangka at siyaka nilahad ang kanyang palad, hinawakan ko ito at dahan dahang sumakay sa bangka.

Siya ang nagsaklay habang ako ay tinitigan lamang ito malaki ang pinagbago ng kanyang mukha mas naging mukha itong maamo na maypagkamatapang, matangos ang kanyang ilong at mahaba ang pilik mata meron din itong biloy (dimple) sa magkabilang pisnge at lalong nagpaganda ang kanyang puro na mata kitang kita na siya ay isang purong pilipino dahil sa itim na itim niyang mata na kinabagay sa kanya, bagay sa kanya ang kayumangging balat.

Hindi ko namalayan na nakarating kami sa gitna pero nagulat ako dahil sa pagalay niya ng tula sa akin.

      "oh aking iniibig,
      na parang bituin kayhirap marating,
      babaeng akala ko'y ako'y nakalimutan,
      dahil sa tagal na panahon ako'y  lumisan."

napangiti ako hindi maalis ang saya na dulot niya sobrang daming paru paru ang lumilipad saking tiyan sa mga oras na ito.

     "Maraming bituin ang aking natignan,
     ngunit mata ko'y napabaling sa isang bituin na lumiliwanag sa kalangitan."

Lumiwanag ang karagatan napatingin ako dito nakita ko ang pagsikat ng araw habang nakikinig sa tulang kanyang sinambit.
    
       "Dating pangarap na mapansin,
       ngayo'y masasabi kona ito'y akin,
       pinapangako sa kinataas taasan,
       na ito'y mamahalin pagsubok may dumating."

Tumitig ako sa kanyang mga mata na puno ng emosyon, kita ang saya dito na parang batang nakakuha ng pinapangarap na laruan.

"Mahal kita aking mahal." huling salitang sinabi niya bago lumapit sakin at hinalikan ako sa gitna ng karagatan sa pagtaas ng araw.

Gumanti ako ng halik dito hanggang siya na ang tumapos. Nakapikit ang aking mga mata habang nakadikit ang aming ulo, dinilat ko ito ng dahan dahan at nagtagpo ang aming mga mata.

"Yo también te amo, aunque no quiero quedarme en este mundo por mucho tiempo, aunque un día también te deje, solo quiero que sepas cuánto te amo y sepas que en la próxima vida. seremos el final, te buscare en nuestra proxima vida, te lo prometo de nuevo te amo." nagtataka niya akong tiningnan ngumiti lamang ako dito syaka mabilis itong hinalikan sa labi.

"Anong ibig sabihin ng iyong sinabi? paumanhin ngunit hindi ko kasi maunawaan.." nahihiyang sabi niya kaya napatawa ako ng mahina at pinipigilan ang mga luhang nais kumawala saking mga mata.

"Sinasabi ko lang kung gaano kita kamahal at nais makasama." ngumiti ito sakin at yumakap, syaka pa nagsilabasan ang mga luha saking mata agad ko naman itong pinunasan dahil natatakot akong kanya itong malaman.

"Nais mo bang umalis na tayo? baka ikaw ay pagod na." nakatitig niyang sabi sakin.

"Hindi, ayaw ko pa nais ko lamang dito... pwede bang mangisda tayo?" nakangiti kong sabi dito nais ko lamang makasama at gusto kong amin ang araw na ito.

"Oo naman mas maganda nga yun!! pakibigay sakin ang lambat at sabay natin itong ihagis sa karagatan." sinunod ko ang kanyang sinabi ang nga ngiting nasa kanyang labi ay hindi maalis kaya napangiti nalamang din ako.

"bibilang akong tatlo tapos sabay natin itong ihagis, ayos ba?" tumango ako dito, nagsimula siyang mabilang.

"isa!! tatlo!!" nagulat ako dahil bigla nalang naging tatlo kaya nahagis ko agad ang lambat habang siya ay tumatawa lamang.

"Nakakainis ka talaga vince!! pasalamat ka mahal kita!" sinamaan ko ito ng tingin habang siya ay walang tigil sa tawa, kay gandang pagmasdan ang kanyang tawa ang bagay na ayaw kong maalis sa kanyang sarili.

Sobrang saya ng araw na ito meron kaming kunting nakuhang isda, muntik pa akong mahulog sa dagat dahil sa biglaan kong pagtalon nong biglang tumalon ang isda. Naisipan na naming umuwi dahil ilang oras na kaming andon at dumadami na ang tao sa paligid.

A/N:
hello! now lang pla naka update si em haha sana magustuhan niyo! don't forget to vote or comment mahal ko kayo mwaaaa😚😚

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now