SULAT
VINCE POV.
Kinakabahan kong binuksan ang sulat na kanyang iniwan para sa akin. Sinimulan ko itong basahin mga masasayang ala-ala hanggang sa masakit na kanyang naranasan.
"Magandang araw sayo vince mahal ko, alam mo nong una kitang nakilala mga bata pa tayo non vince,naging matalik tayong magkaibigan ikaw ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Naalala mo ba nong natumba tayo sa putik umiyak ako non dahil natatakot akong pagalitan ni ama dahil sa dumi sa aking damit, ikaw lang ang nagpatahan sa akin non at niligtas mo ako kay ama kaya ikaw ang napagalitan." Napangiti ako habang sinimulang basahin ang sulat na iniwan niya sa akin.
"Pero nong umalis ka sobra akong nasaktan, para akong nawalan ng karamay, nawalan ako ng kahati ko sa lahat, iniwan mo ako hinintay kita ng ilang buwan hanggang sa kami na din ang umalis nagmamakaawa ako kay ama na hintayin ka pero nagalit lamang ito sa akin at syaka ako sinaktan ulit." Natulala ako habang binabalikan ang ala alang yun, nainis ako sa aking sarili sa pagiwan ko sa kanya kung hindi ako umalis sana napagtanggol ko siya sa kanyang ama pero pag nanatali ako don hindi ko makikitang nawala si ina, wala ako sa tabi niya habang nagaagaw buhay.
"Lumipat kami, nong una masaya kami hanggang sa dumating ang pamilyang Diosdado, sila ang gumulo ng lahat sila ang nagbigay kahihiyan sa aking sarili, ginahasa ako ni senyorito diosdado, nagmakaawa ako non, humingi ako ng tulong pero ang masakit hinayaan lang ng aking magulang ang ginawa nila." Umiyak ako naaawa sa kanya hindi ko kayang basahin yun pero kailangan ipapangako kong magbabayad lahat ng nanakit sayo.
"Pero nong umalis sila, humingi ng tawad ang aking magulang kahit masakit pinatawad ko parin sila dahil magulang ko sila." Mas lalong nag situlo ang aking mga luha dahil sa taglay niyang kabaitan naiinis ako kung bakit siya ganon.
"Pero sa kasamaang palad bumalik sila upang sirain ulit ang aking buhay nais nilang ipakasal ako kay julio pero masaya pa din ako dahil nakita kita ulit ang saya ko nais kitang yakapin pero natatakot ako haha, naisip ko kasi na kasintahan mo ang babaeng kasama mo, si patricia maganda siya at alam kong mabait din ito." Umigting ang aking panga dahil alam kong nais niyang maging kami ni Patricia.
"Pero nong nagyaya kang makipagtanan sakin aaminin kong nagdadalawang isip ako non, natatakot kasi ako na baka magalit si ama at baka may gagawin sila sayong ama, pero nong nagkasama tayo nawala lahat ng takot ko marami akong nagawang bagay na kasama ka, sa ilalim ng puno, at nanguha kapa non ng mangga, tapos nahulog kapa sa puno." Ulit napangiti ako kahit sobrang sikip ng dibdib ko.
"Nong dinala mo ako sa sapa sobrang ganda don nais ko sanang bumalik kaso hindi na pwede, sana bumalik ka don para sa akin pero dapat kusang loob wag naman yung napipilitan ka lang malulungkot ako. Ang ganda ng inalay mong 'balak' sa akin, hindi mo man lang sinabi na may talento ka ako kasi wala haha, paumanhin kasi hindi mo naintindihan ang mga sinabi ko don." natatawa ako habang patuloy sa pagagos ang aking mga luha. Pwede kapa sanang bumalik kung hindi mo ako iniwan kung sana ay narito kapa ngayon.
"Nong pumunta tayong bundok tapos biglang umulan sumilong tayo sa kubo non haha nakakahiya mang aminin pero hindi ako nagsisi na binigay ko sa iyo ang aking sarili, tapos ang galing mo pang makipaghalikan."
bigla atang namula ang aking pisnge kahit kailan ang galing niya alam na alam niya kung paano ako ako pakiligin sa sakit na binigay niya sa akin ngayon."Dumating si kyla ang saya ko pero umiyak siya at lumuhod sa akin nagmamakaawa, sobrang awang awa ako sa kaibigan ko, kahit labag sa loob kong iwanan ka ginawa ko kasi kailangan, patawad." Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa kahit sobra na akong nasasaktan.
"Dumating kami sa ating lugar, alam mo bang sobrang laki ng pagbabago, ako ang dahilan non nasasaktan ako sa lugar natin, ang tahimik kaya non tapos naging ganon lang nang dahil sa akin lang naging magulo na." gusto kitang tanungin kung kailan kaba magiging makasarili? kahit sa maliit ba bagay sarili mo sinisisi mo.
"Sinampal ako ni ama pagdating haha, dapat di na ako masaktan dahil sanay na ako pero bakit masakit parin? nong araw na yun sinabi nila na ikakasal ako kay julio kinabukasan at sa araw na yun nalaman kung buntis ako, buntis ako at anak natin ang dala ko." puno na ng luha ko ang papel na aking hawak.
"At ayun nga nalaman ni julio na buntis ako, sobrang takot ko non dahil baka saktan niya kami at baka isumbong niya ako kay ama. Kinabukasan non ay pumunta kaming simbahan takot ako ayaw kung ikasal sa kanya pero hindi natuloy ang kasal namin sinabihan niya ako ng masasamang salita, tumakbo ako pero sa kasamaang palad binaril ako at namatay ang ating anak, patawad." naikuyom ko ang aking kamao, galit saking sarili dahil wala man lang ako sa tabi niya hindi ko siya nasamahan.
"Patawad dahil wala akong nagawa, hindi ko man lang siya napagtanggol, wala akong kwenta wala akong nagawa para mabuhay ang anak natin sana mapatawad mo ako." Umiyak ako sinabunutan ang aking sarili.
"Thea... Patawad... wala ako sa tabi mo sana mapatawad mo ako... sana.." bulong ko habang tinatanaw siya na walang buhay na nakahiga sa kama.
"Patawad kasi Hindi ko ito masasabi sayo sa harap mo mismo. Patawad kasi parati nalang akong humihingi ng tawad sayo. Patawad dahil pinili kong sumuko. Patawad dahil nawala ang anak natin. Patawad sa lahat nang nagawa ko sana masasabi mo din na pinagmamalaki mo ako."
"Pinagmamalaki kita mahal ko... marami kanang nagawa pilitin man kitang gisingin ngayon alam kong pagod kana, pwede kanang magpahinga mahal na mahal kita thea...."
"Mahal na mahal kita vince hanggang sa susunod na habang buhay, hahanapin kita pangako yan mahal ko."
"Mahal kita thea hanggang hanggang sa muli nating pagkikita, hihintayin kita muli sa ating tagpuan mahal ko."
﹉﹉﹉﹉﹉
Nagiisip ako kung gagawin ko tong happy ending. gagawin ko bang happy ending? pag may magsabi na 'yes' gagawin ko talaga promise yan. mamatay pa si senyorito diosdado HAHAHA.GOOD DAY PALA MGA KIDS! DON'T FORGET ME EHE TO VOTE AND COMMENT PALA.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Historical FictionAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...