SAAN ANG TOTOONG PANAGINIP?
THEA POV.
Nagising nalang ako sa isang pamilyar na silid, naramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko at ang init na dumadaloy sa sa'kin. Sinubukan kong umupo at nagawa ko naman nilibot ko ang paningin ko sa lugar syaka ko lang na realize na silid ko pala ito kaya napabuntong hininga ako at inalala ang nangyari kagabi at kung sino ang nagdala sa'kin dito.
"Thea gising.. thea si vince ito mahal ko gising na.." narinig kong parang may bumubulong sa'kin pero hindi masyadong dining ang kanyang sinabi, parang nagmamakaawa ang boses nito.
"Ang sakiittt!!" napahawak ako saking ulo dahil bigla itong pumitik sa sakit dahilan upang mapasigaw ako.
"Ughhhhhhhhhnggsakittttt!!" biglang may pumasok sa silid at tinulungan akong mahiga, hindi kita ang kanyang mukha dahil sa panlalabo ng aking mata.
Sa pangalawang pagkakataon nagising ulit ako sa lugar kung nasaan ako kanina, umupo ako at nakita ko nalang ang isang babae na nakahiga, may mga taong nagiiyakan, nagsusumamo pero hindi ko marinig ang kanilang boses hanggang dumapo ang tingin ko sa lalaking pamilyar sakin pero hindi ko maalala. Tiningnan ko ito tinitigan habang umiiyak at hawak ang aking kamay at ito'y hinahalikan.
"mahal ko...." napapikit nalang ako dahil sa tinig na aking narinig at hindi ko inaasahan ang biglang pagsakit ng aking puso, kumikirot ito kaya agad ko itong hinawakan at huminga ng malalim pumikit at pinakalma ang aking sarili.
"binibining thea." ako'y napalingon dahil sa narinig ko na may tumawag sa'kin pero agad ding binalik ang tingin sa mga taong aking nakita kanina pero sa kasamaang palad sila'y nagsilaho na.
Tiningnan ko ang tumawag sa'kin ang kanyang mukha ay hindi ko makilala na parang sa buong buhay ko hindi ko pa ito nakita.
"siguro'y hindi niyo po ako nakilala binibini pero ako ito ang iyong matalik na kaibigan na si Patricia." ngumiti ito sakin ng matamis ngunit ito'y aking tinitigan lamang sa hindi mapaliwanag na dahilan.
"Kailangan niyo pong kumain binibini upang bumalik ang inyong ala-ala at upang maging malakas po kayo." pagsasalita nito ulit pero tiningnan ko lamang ang dala niyang pagkain at walang balak itong kainin.
"Ahh-" sinubukan kong magsalita pero walang katagang lumalabas sa'king bibig pero ang pinagkakataka ko ay ang babaeng kaharap ko ay ngumiti sa'kin ng napakalaki.
"Hindi pala kayo makapagsalita binibini ito'y napakamagandang balita para sa'kin." sabi ng huwarang babae kaya napahawak ako saking bistida at pinagkumutan ito ng noo.
"Kainin niyo na po ang pagkain na aking dala binibini ito'y nakakatulong sa'nyo." Inis ang naramdaman ko sa kanyang sinabi kaya lumapit ako sa pagkain na kanyang dala at kinuha ito bago tinapon sa kanyang damit, pero tumawa lamang ito na parang demonyo.
"Hin.. hin--di." nagulat ito sa aking sinabi kaya nginisihan ko ito at hindi pinahalata ang gulat na namayani saking sarili.
"Kung ako lang ang masusunod pinatay na kita kaao hindi pa pwede ihh, hindi pa." ngumiti ito sakin bago tuluyang umalis at ako naman ang napaupo saking higaan sa gulat, takot at inis na naramdam.
Napatayo ako nang biglang may naramdamang kumatok sa bintana na nasaking likuran, dahan dahan akong lumapit dito at syaka ito binuksan at nakita ko ang babaeng maraming dugo ang mukha nahihirapang huminga kaya napaatras ako pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko dahilan ng aking panginginig.
"gumising ka thea.. gumising ka!!" nagulat ako sa katagang kanyang binitawan napabitaw ako sa kanya at agad na sinara ang bintana na nalilito kung ano ang nagyayari.
"Panaginip.." gulat akong napatigil dahil sa lumabas saking bibig, hindi inakala na ako'y nakapagsalita na.
"Ako'y nananaginip? hindi ko alam." at kagaya ng mga baliw kinakausap ko na ang aking sarili.
Sa paglalakad ko ay napunta ako sa isang malaking salamin,
nakita ko ang sarili ko na kamukha sa babaeng nakahiga kanina na pinapalibutan ng mga taong umiiyak at nagmamakaawa. Napatitig ako saking sarili hindi mawari kung ano ang nangyayari kung ito'y isa nga lang bang Panaginip o ang aking nakita ang isang Panaginip, nakakalito, nakakabaliw at higit sa lahat nakakatakot."Hindi ko na alam jusko tulungan niyo po ako.." napapikit nalang ako gustong umiyak pero kahit anong pilit walang luhang lumalabas saking mata.
"mahal......" binukas ko bigla ang aking mata at tiningnan ang paligid kong saan nanggaling ang mga katagang yun.
"Ang anak ko......" Napalingon naman ako saking gilid nang may narinig ulit akong salita.
"wag mo'kong iwan mahal ko.." palingon lingon ang aking ginawa dahil sa tinig na aking narinig hindi alam kung saan nanggaling.
Umalis ako roon at dinala nalang ako ng aking paa sa isang silid, binuksan ko ito at agad na pumasok. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid at napunta ang aking mata sa isang kahon, isang pamilyar na kahon. Lumapit ako dito at binuksan ng dahan dahan ang kahon may nakita akong mga gamit mga pamilyar na kagamitan ngunit hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari.
Tiningnan ko isa-isa ang mga ito nang may biglang kataga na pumasok saking isipan.
"Sunugin mo yan thea.. magtiwala ka sa'kin makakalaya ka sa bangongot na yan kapag sinunog mo ang lahat ng iyan.. magtiwala ka kaibigan.." napahawak ako saking ulo dahil sa pagsakit nito. Tiningnan ko ang mga gamit at may nakita akong sulat na nakaipit sa isang libro agad ko itong kinuha.
Binuksan ko nag isang pirasong papel na iyon pero ang nakakapagtaka ay pangalan ko lang ang nandon, walang ibang sulat at ito'y parang nasunog ngunit may umagap.
Bigla kong naalala ang tinig na aking narinig kanina kaya agad kong dinala ang kahon na ito at naghanap ng apoy. May nakita akong apoy sa may kaliwang bahagi kaya agad ko itong pinuntahan at sinimulang sunugin ang kahon at ang mga laman nito.
"PAKEALAMERA!!" Nagulat ako at napatingin saking likuran isang lalaki at si Patricia na kinakabahang nakatingin sakin.
Lumapit ang lalaki sakin upang itigil ang apoy ngunit agad ko itong hinarangan ngunit bigla niya akong sinagi dahilan upang matumba ako. Palapit ang lalaki doon kaya agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kanyang kinaruru-unan at kinuha ang kahoy na aking nadaanan syaka ito pinalo sa ulo dahilan upang matumba ito.
Tiningnan ko ang kahon at unti-unti itong nasunog napatingin naman ako sa dalawang tao na andito ngunit ako'y sobrang natakot dahil sa pag laho ng kahon dala ng gamit na yon ay unti unti ding nagsilaho ang dalawang taong kaharap ko ngayon.
"Salamat sa pakikinig.." boses na iyon ay pamilyar sa'kin ngunit bigla akong nahilo at dahan dahang natumba at ang huli na aking nakita ay ang paglaho ng lahat nang andito syaka ako tuluyang nawalan ng malay.
A/N:LAST NAPONG PLOT TWIST ITO HUHU 'DI NIYO INEEXPECT NO? HAHAHA. AKO DIN 'DI ITO INEEXPECT MALAY KO BANG ITO ANG MASUSULAT KO HAHAHA.
FEW CHAPTER'S TO GOOOOOOOO!!!!!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT ALSO PLEASE RECOMMEND THIS STORY THANKIESSSSSS!!
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Historical FictionAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...