TRIGGER WARNINGREVENGE
THIRD PERSON POV.
Umalis ang babae sa ospital na walang nakakaalam at naglalakad sa labas na parang baliw dumeritso siya sa kanilang bahay at doon niya nakita ang kanyang ina na umiiyak.
"Ina.." mahinang sabi niya kaya napalingon ang matanda dito na gulat na gulat.
"Thea anak.. ano ang ginagawa mo dito?" nagaalalang tanong ng matanda sa kanyang anak.
"Ina.. wala na ang anak ko, iniwan na ako ng anak ko.." nagsimula siyang umiyak at humagolgol at lalapitan sana ng matanda pero naglabas ito ng baril syaka niya ito tinutok.
"Pinatay niyo ang anak ko! wala kayong awa! pinatay niyo siya!!" sigaw ng babae habang nakatutok parin ang baril sa matanda.
"Pinatay niyo siya..." mahinang sabi ng babae at napaupo nalang sa sahig habang umiiyak.
"Anak.. patawad.." tinaas niya ang kanyang noo pagtapos humingi ng tawad ang kanyang ina siyaka ito humalakhak.
"Patawad? HAHAHA bakit may magagawa ba yan? maibabalik ba niyan ang anak kong pinatay niyo?!" sigaw niya sa matanda at pinaglaruan ang baril na kanyang hawak.
"Wala na kayong ginawa kung hindi pagpahirapan ako sa buhay!! sana noong bata at nasa sinapupunan palang niyo ako ay pinatay niyo na ako at para hindi ko maranasan ang walang kwentang buhay 'to!! Sana hindi ako nawalan ngayon! pinatay niyo ang anak ko! sana hindi ko nalang kayo naging magulang!!" sigaw ng babae sa matanda siyaka umiyak ng umiyak pero imbes na sampalin o saktan niya ang babae ay hinayaan niya lang ito at iyak lang ang nasagot niya sa lahat.
"Patawad..." mahinang sabi ng matanda sa babae pero tumawa lamang ito at umiyak.
"Napakasakit niyong maging magulang..." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumating ang matandang lalaki na galit na galit na nakatingin sa kanya.
"Thea! wala kang galang!!" sigaw niya dito at akmang sasampalin ng tumawa ng malakas ang babae at pumalakpak habang hawak parin ang baril na nakuha niya sa isang sundalo.
"Ama, andito na pala ang ama kong walang kwenta ang ama kong parati akong sinasaktan ang ama kong walang ginawa kundi patayin ako ng paulit ulit." umikot siya at tumalon talon sa tabi ng kanyang ama.
"Ang ama kong pumatay sa aking anak! pinatay mo ang anak ko! pinatay mo siya! wala kang puso! sarili mo lang ang iniisip mo!!" Sigaw ng dalaga sa matandang lalaki.
"Hindi yan totoo!" napamaang ang babae sa kanyang ama at syaka tumawa ng malakas.
"Ang alin ama? yung mskasarili ka? hmm?" malambing na sabi ng dalaga habang hinawakan ang kamay ng matanda.
"Wala kang-" hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng inunahan siya ng dalaga.
"Wala kang kwenta? wala kang silbi? wala kang utang na loob? yan ba ama? wala na bang iba? nakakarindi na kasi.." malungkot niyang sabi habang hawak pa din ang baril.
Akmang sasampalin siya ng kanyang ama ng bigla itong itinaas ang baril nakinatakot ng lahat.
"Shhhh wag kayong maingay.. natutulog ang anak ko shhhh.." pagpapatahan niya sa iba gulat itong tumingin sa babae dahil sa pagbabago ng kanyang mga salita.
"Aalis na muna ako ama, ina may sisilingin lamang akong utang." makahulugang sabi niya syaka tumalikod at kumakantang umalis sa kanilang tahanan.
Nandidiri ang mga tao habang tumitingin sa kanya pero pagnakikita nila ang baril ay natatakot silang umalis, habang ang babae naman ay ngumingiti habang papunta sa bahay ng mga diosdado.
Agad niyang nakita ang kanyang mapapangasawa at ngumisi ng malaki.
"hello my dear julio." Lumingon ang lalaki at biglang kinabahan pagkakita sa baril na nakatutok sa kanya.
"hmm? Takot ka ba?" kinasa ng babae ang baril at syaka tumawa.
"Buhay kapalit sa buhay na kinuha mo aking asawa." pagkatapos niyang sabihin yun ay walang awa niyang pinutok ang baril.
Nakahandusay ang patay na katawan ng lalaki at nagkagulo ang mga tao habang ang babae naman ay walang awang umalis sa lugar at pumunta sa tabi ng ilog.
"Anak... mahal ko... vince mahal patawad.." umiyak siya ulit habang sumisigaw sa galit.
"Patawad.. hindi ko naalagaan ang anak natin, wala akong kwentang ina hindi ko siya na protektahan.." bulong niya sa hangin habang nakatingin sa itaas.
"Panginoon! bakit niyo ako pinahirapan ng ganito? bakit? bakit niyo ako hinayaang isinilang kung papatayin niyo naman ako sa mundong 'to!! Kung hindi niyo ako hahayaang maging masaya.." Sigaw ng babae habang napapikit sa iyak habang sumisigaw.
"Bakit nyo pa ako binuhay? kung papatayin lang din naman ako sa sakit! kung papatayin niyo ako sa lungkot! kung wala na din naman akong kakampi!! kung wala na din ang aking anak! bakit pa? bakit!?" Sumigaw lamang siya walang nagawa kundi umiyak pilit na sinisi ang sarili sa pagkawala ng kanyang anak.
"Thea...." napalingon siya sa kanyang likuran nakita niya ang kanyang kaibigan naaawang tumingin sa kanya.
"Kyla..." sabi niya at sinalubong ito ng yakap, umiyak lamang ang babaeng nagngangalang kyla dahil sa awa na nararamdaman para sa kaibigan.
"Thea.. bakit mo yun ginawa? bakit mo pinatay si julio?" kinakabahang sabi ng dalaga, kumalas naman sa pagkakayakap ang babaeng si thea syaka ngumiti.
"Pinatay nila ang anak ko kyla.. iniwan ako ng anak ko dahil sa kanila..." malungkot nitong sabi, napatakip nalang ang babaeng si kyla habang umiiyak.
"Patawad thea..." Pagkasabi niya non ay nagsilabasan ang mga sundalo syaka dahan dahang kinuha ang babae na nagpupumigilas habang si kyla naman ay umiiyak lang na nakaupo.
"Kyla.. bakit mo ginawa to? wala ba talaga akong kakampi? pati ikaw sasaktan ako?" makahulugang sabi ng babae habang umiiyak 'patawad' lang ang salita na lumabas sa babaeng kyla habang umiiyak.
Nasa rehas ang babae nakatanaw sa kawalan habang humile heli at nakangiti. Ilang oras ay nakalabas niya ng kulungan dahil hindi pa nasisiayos ang kanyang kaso kaya mabilis siyang pumunta sa lugar kung saan siya nagtangka dati na magpakamatay, kung saan niya unang nakilala si kyla ang kanyang tinatanging kaibigan.
"Wala nang natira sa akin.. iniwan ako ng lahat." sabi niya habang nakatingin sa kalawakan.
"Pagod na ako.. ayaw ko na.... hindi kona kaya... gusto ko nang makasama ang anak ko..." bulong niya sa hangin at patuloy parin ang mga luhang walang tigil na tumulo sa kanyang mata.
"Tapos na.. napaghiganti ko na ang anak ko... pwede na ba akong umalis? pagod na kasi ako.." dinilat niya ang kanyang mata pagod na mata na nais nang mang pahinga.
"Ang ganda ng buwan, parang hinihintay ako kasabay ng hangin.."
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETED
Ficción históricaAng babaeng bumalik sa dating panahon gamit ang kanyang panaginip, na aksidente sya kaya sya napunta doon, ngunit wala syang maalala na galing sya sa bagong panahon nakilala nya dito ang isang ginoo na nagpatibok ng kanyang puso. Makakabalik pa kaya...