KABANATA 5

70 10 2
                                    

WARNING: SUICIDAL ALERT

Lumipas ang isang linggo, isang linggo ko ding hindi nakita si ginoong vince kahit pa pumupunta ako don sa aming tambayan ngunit maski anino nya ay hindi ko nakita pero parati ko pa rin syang aabangan dahil nangako sya at alam kung tutuparin nya yon.

"binibining althea pinapatawag kayo nang inyong ama sa kanyang silid." hindi na ako nagsalita at dali daling umalis upang puntahan si ama.

"Ama! hindi ako magpapakasal!!" deretsang sabi ko dito napabuntong hininga sya sa sinabi ko at nagsalita.

"ngunit-" hindi ko ito pinatapos at nagsalita na.

"Ama! buhay ko to ama, ito lang ang hihilingin ko kahit dito hayaan mokong mag desesyon para sa sarili ko ama maawa ka ama, hindi ako magpapakasal don sa lalaking yun ama hindi ko sya kilala! pano kung saktan nya lamang ako ama!? hindi nyo naman inisip kung ano ang posibling mangyari sakin ama." napaluha na ako ngayon ko lang nasagot ng ganto si ama ngunit anong aking magagawa ko kung sa gantong paraan ay kailangan nyang magising sa ginagawa nya sakin.

"Hindi althea! kailangan mo tong sundin kundi malalagay tayo sa alanganin!!" napaupo na ako, kahit ano palang gawin ko ay hindi na magbaago ang kanyang isip.

"Malalagay din ako sa alanga-" hindi ko natuloy sinampal nya ako napahawak ako sa aking kabilang pisnge habang humihikbi.

"ALTHEA!! MAGSITIGIL KA!! KUNG HINDI MO YUN GAGAWIN PAPATAYIN NYA ANG AMA NANG KAIBIGAN MONG SI VIN-VIN!!" dahil sa sinabi nya ay napatingin ako dito, hindi ko alam ang sakit.

Upang iligtas sila ay kailangan akong lunurin..

Hindi ko na alam wala na akong maisip sobrang sakit ang nagyayari sakin hindi kona alam kung kailan ako lalaban at magpapatuloy pabang lalaban.

"Ganon ama? Upang iligtas ang iba ay kailangan saktan ako? kailangan akong lunurin hanggang sa mamatay sa masakit na paraan? ganyan ba ama?" nagulat sya sa sinabi ko ngunit umiling lamang.

"Wag kang makasarili Althea!" makasarili? ngayon ko lang naman inisip ang aking kalagayan pero bakit makasarili parin?

"Masama bang isipin ang aking sarili sa maliit na panahon ama? kahit ngayon lang?" tanong ko dito tumingin sya sakin at bumuntong hininga.

"Makinig ka Althea! papayag kabang masaktan si vince? dba hindi? alam mong wala na syang ina althea! huwang mo namang hayaan na mawalan din sya ng ama, dahil iniisip mo lang ang sarili mo!!" pagkasabi nya nun ay agad akong umalis at tumakbo papunta saking silid, hindi ko na alam ang aking gagawin mas mabuti pang tapusin ang aking buhay.

Wala nakong lakas upang manatili sa mundong mapangliit sa mundong mapanghusga, sobrang mapanakit ang mundong ito. Hindi ko maisip ngayon ko lang inisip ang aking kalagayan pero tinatawag pa rin nila akong makasarili pero totoo nga ba makasarili ako? ayaw ko lang naman makasama ang pamilyang bumaboy sakin sa dalawang taon ang nakakalipas, gusto ko nang tapusin ang aking buhay upang mas maging madali ang lahat gusto ko nang magpahinga.

Tuluyan konang inilagay ang maliit na lubid sa taas ng aking kama alam kung mali ito pero hindi ba mali ang patuloy ka paring humihinga kahit pago kana? pumatong ako sa kama ata syaka pinasok ang aking ulo sa maliit na lubid ngunit bago ko payun nagawa ay biglang bumukas ang pinto, kita ko ang gulat at takot sa mukha nang aking kaibigan na si kyla sa wakas syay dumating na pero akoy pagod na ngumiti ako habang dahan dahang pumikit.

"Thea!!" rinig kung sigaw nya papalapit sakin, ako ay naghihintay na mawalan ng hininga habang tumutulo ang mga luha.

Yumakap sya sakin habang umiiyak natanggal nya ang lubid sakin, iyak sya ng iyak habang ako ay nakatunganga lamang sa kawalan.

"Thea bat mo yun ginawa? pinag alala moko, paumanhin at ngayon lamang ako paumanhin thea." hindi nya matigil sa pagiyak gusto ko syang patahanin ngunit kahit isang salita ay walang lumabas saking bibig, parang nawalan ako ng kakayahan na magsalita.

"Thea hmm? wag mokong takutin ng ganon, may problema ka? ilang beses na kitang naabutan ng ganon thea, wag mo akong iwan thea alam mo namang ikaw nalang ang meron ako, lumaban ka thea hmm? kahit para sakin at sa sarili mo hmm?" naluha ako dahil meron papalang magaalala sakin kahit ang dumi-dumi kung babae kahit ganto ako may naniniwala parin sakin.

"Patawad kyla.. alam kung mali pero natatakot akong bumalik sa kanila natatakot ako don ayaw ko kyla, baka saktan nila ulit ako kyla." umiyak ako habang nasa bisig nya alam kung wala syang magagawa pero sakto na kahit andito lamang sya sa tabi ko upang may makasama at mapagsabihan ako ng mga hindi kona kayang itago.

"Pwede mo namang sabihin sayong ama thea, sabihin mo ang nangyari sayo dati upang d nya ituloy ang kanyang gagawin." umiling ako dito

"Hindi kyla, wala, hindi."

"pero mas maaayos ang iyong lagay pagsasabihin mo yun sa kanila thea." sabi nya pero umiyak lamang ako at umiling.

"Hindi kyla, Alam ni ama." hindi, mali, bawal.

"Anong alam nya thea?" umiiyak sya hindi maintindihan ang aking sinabi.

"wala, hindi, mali, bawal." apat na salit lamang yun pero kung iintindihin marami kang malalaman.

"Anong hindi? wala? mali? bawa? thea ipaintindi mo naman sakin thea" umiling ako hindi pwede mali bawal.

"Thea pano kita matutulungan? maawa ka magsalita ka naman thea!!"

"Alam ni ama kyla, Alam nya ang nangyari pero wala syang ginagawa dahil mapanganib ang pamilya Diosdado." napatakip sya sa kanyang bibig, oo alam ni ama ngunit hinayaan nya lang, wala silang nagawa at walang gagawin.

A/N: huhu kashakit charr lang

DON'T FORGET TO VOTE SALAMSS!!

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now