Tahimik akong sumunod sa kapatid kong si Jackson na kanina pa ako pinagmamadali. Dala niya ang maleta ko at iba pang mabibigat na bagahe. Ako nama'y tahimik lang na sumunod. Wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya. Dapat ay nasa opisina ako ngayon at nagtatrabaho, pero ito ako, bumibiyahe papunta sa isla.
"Ate, are you even listening?" pukaw niya sa atensiyon ko.
"What? May sinasabi ka ba?"
Marahas siyang humugot ng hininga. "Nagbibilin lang ako. Hindi kita masasamahan hanggang sa isla. Ihahatid ka ng bangka, pagkatapos ay dadaong ka sa pampang, mula roon, magpahatid ka sa bangkero hanggang sa waiting shed. May lalaking susundo sa 'yo at ihahatid ka papunta sa isla. Got that?"
"Bakit hindi ka makakasama?"
"Alam mo 'yong tinutulungan kong charity organization?" Tumango ako. "May program sila ngayon sa kabilang probinsiya. Don't worry, Ate, hindi ka naman mapapahamak. I'll bet my handsome face."
Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. "Kung bakit naman kasi kailangan ko pang magbakasyon? I'm fine with resting at home."
"You need to unwind. Geez, Ate, you're no fun."
Hindi ko na siya sinagot at nanatiling tahimik. Nang makarating kami malapit sa dagat, may isang may edad na lalaki ang lumapit sa amin. Nakipag-kamay si Jackson sa kaniya kaya naman nasisiguro kong magkakilala sila. Sumenyas si Jackson na lumapit kaya naman iyon ang ginawa ko.
"Siya po ang Ate ko. Pakihatid po siya sa isla at saka sa waiting shed, 'Tay. Dodoblehin ko na ang bayad," sabi ni Jackson sa kaniya.
"Huwag na, hijo. Ayos lang namang samahan ko siya. May susundo ba sa kaniya papunta sa isla?"
Tahimik lang akong nakinig sa usapan nila.
"Nakausap ko si Alonso kanina, 'Tay. Susunduin niya si Ate."
"Ay, mabuti kung gan'on." Bumaling sa akin ang matanda. "Hija, sakay na sa bangka."
Tumango ako at ngumiti. "Jack, mag-ingat ka. I'll call you later, okay?"
Yumakap siya at humalik sa pisngi ko. "Nakalimutan kong sabihin sa 'yo, Ate. Wala palang signal doon pang-data."
"What? Bakit?"
"Malayo kami sa satellite, Ma'am," sagot ni kuyang bangkero.
"Paano ako makakatawag?"
"Doon ka receptionist. Puwede kang makitawag sa telepono nila. May WiFi rin naman sila, pero sa madaling araw at gabi lang puwedeng gamitin, unless, of course, it's an emergency. Oh, and don't forget to thank the owner, Mr. Hugo Fernandez. Sabihin mo rin ang pangalan ko, kilala niya ako." paliwanag ni Jackson.
"Bakit naman po gan'on? Bakit wala kayong signal?"
Si kuyang bangkero ang sumagot. "Layon po kasi ng may-ari na ma-disconnect ang mga tao sa social media. Hindi raw na-e-enjoy kapag puro sa cellphone lang nakaharap ang isang tao. 'Di bale, Ma'am, maraming magandang puwedeng gawin sa islang 'yon. Malilimutan mo ang lahat ng problema mo."
Paano kung ako mismo ang problema ko? I shook that thought off my head.
Muli, niyakap ako ni Jackson at hinalikan sa pisngi. "Bye, Ate. See you in six months. Enjoy yourself, and please, be happy."
"I'll try to enjoy. Bye."
Mabigat ang loob ko nang sumakay ako sa bangka. Nasa hiwalay na bangka ang mga maleta ko dahil masyado raw maliit ang bangkang dala nila. Gusto ko sanang maging tahimik ang pagpunta, pero nagtanong-tanong sa akin si Mang Dionisio, ang bangkero.
BINABASA MO ANG
Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)
General FictionKassandra Alejandrino 12.13.22 After suffering from physical abuse in the hands of her ex-boyfriend, Kassandra Alejandrino was left with a broken soul and a traumatized heart. Ever since then, she caged her heart and never dared to love again. Enter...