20

956 23 3
                                    

I haven't had a decent sleep for days because of what he said. First day at work and here I am, walang maintindihan sa binabasa ko. Parang sirang plaka ang sinabi niya sa akin. Gustong-gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya, pero may parte rin sa akin na gustong huwag na lang maniwala.

Minasahe ko ang sentido ko at ibinalik ang atensiyon ko sa files na binigay ni Rogue sa akin. Nakailang beses pa akong ulit sa pagbabasa, pero kagaya kanina ay nababagabag pa rin ako. Parang tanga na lang akong nakatunganga rito at pinapakalma ang sarili ko. Mas lumala pa ito nang pumasok si Hilda, isa sa mga employee namin.

"Ma'am, there's someone looking for you. Hindi pa pinapapasok ng mga guard dahil wala naman siyang appointment," she said.

"Ano raw ang pangalan?" I replied, kahit may ideya na ako kung sino iyon.

"Mr. Hernandez, Ma'am."

Tumango ako. "Sige, susunod na lang ako."

Nagpaalam siya at umalis na rin. Inayos ko muna ang skirt ko at ang pagkakatali ng buhok ko. Tiningnan ko rin kung presentable ba ang mukha ko bago tuluyang sumunod. Nasa elevator pa lamang ako pero parang nagkakabuhol-buhol na ang mga laman ko.

Nang makarating ako sa baba, nakita ko ang bulto ng lalaking nakatayo, kausap ang mga guard. Mukhang pinipilit pa niyang pumasok pero napipigilan lang nila. Habang palapit ako ay mas nasisiguro kong siya nga iyon. Nakakapanibago lang dahil nakasuot siya ng two-piece dark gray suit na walang necktie. Nakasanayan ko nang nakikita siyang nakasuot ng maong na pantaloons at muscle shirt, o ‘di kaya ay swimming trunks. Maayos rin ang buhok niya at

Hindi pa ako tuluyang nakalalabas nang makita niya ako. Walang alinlangan siyang tumakbo patungo sa akin at niyakap ako. My eyes unconsciously closed when I felt the warmth of his body. Kumapit ako sa balikat niya para hindi ako matumba, dahil parang nanlambot ang mga tuhod ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay saka ko lang napansin na ang dami na palang nakatingin sa amin. Sumenyas ako sa mga guwardiya na

"I'm here, Kass," he whispered.

"Why are you here, Hugo?" I managed to say.

"Sinabi ko naman sa 'yo, ‘di ba? Kung ayaw mong bumalik, ako ang susunod. Now, I'm here. Let's talk. Let's save our happiness."

"Huwag dito. Sa ibang lugar tayo mag-usap."

Humiwalay muna siya sa akin. "Anywhere, basta makausap kita."

"Sige. Go and wait for me outside. May aayusin muna ako at babalikan din kita kaagad."

Bumalik ako sa sariling office ko at sinigurado kong nakaayos ang lahat para sa mga darating na investors namin galing ibang bansa. Nang palabas na ako ay nakasalubong ko si Kasper. Nakasunod pa siya ng pang-opisinang porma niya at mukhang seryoso siya.

"Oh, what are you doing here?" I asked.

"Hindi pa sinasabi ni Rogue? May emergency meeting with one of our business partners. They're bad news."

Just then, Rogue came. "To the conference room. Naroon na si Mr. Vasiliev. Ready yourselves. Sasakit ang mga ulo natin sa matandang ito."

Kasper and I followed Rogue. Rogue may be the CEO, pero sa mga ganitong pagkakataon ay palagi kaming kasama ni Kasper. After all, this is a family company. Pagdating namin doon, nakaupo na si Mr. Vasiliev at mukhang hinihintay na lang kami.

And true to his words, hindi naging madali ang pag-uusap namin. We found out that his company is going bankrupt and he's doing everything to save it. He keeps demanding na dapat ay mas malaki ang ipinapasok naming pera sa kanila. Dinadaya na raw namin ang investment. The meeting lasted for three hours. I totally forgot about Hugo.

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon