11

920 21 0
                                    

Nakaupo kaming dalawa sa isang open cottage. Madilim na at walang masiyadong maraming tao kaya mas nangingibabaw ang tunog ng along humahampas sa tubig. Nakikinig lang si Hugo sa kuwento ko.

"Fifteen years ago, when I was seventeen, doon kami nakatira sa America. May best friend ako na half-Filipina, her name's Delancy. Magulo ang mga magulang niya, may naunang family ang Mommy niya, at lagi  na lang nag-aaway ang parents niya about doon. Sa kagustuhan ni Delancy na makilala 'yong mga kapatid niya sa Mom niya, she asked me to help her find them." Nakatingin lang sa akin si Hugo. "Teenagers pa lang kami noon, pero ginawa pa rin namin ang lahat para mahanap sila. I accidentally found him, Denver ang pangalan niya. He's seven years older than me, twenty-four na siya noong makilala ko siya. Ayaw niyang makilala siya ni Delancy bilang kuya, so I played messenger."

"You became their communication's channel?"

Tumango ako. "Oo. And dahil lagi kaming nagkikita ni Denver, we fell in love. As a teenager that time, it was the most beautiful thing that ever happened to me. Sobrang perfect niya. Nagtatrabaho siya sa isang office, may investments, living alone, financially stable. He always treats me to restaurants, buys me flowers, at kung ano-ano pa. Dumating sa point na, napabayaan ko ang studies ko. Sometimes, I'd skip classes para makita siya, to spend some time with him. And then, nalaman ng parents ko ang tungkol sa amin. They told me, na matanda na para sa akin si Denver. He said, bad influence lang siya. Nagtalo kami ng parents ko noon." I tried my best not to cry while remembering everything.

"Don't cry." Hugo rubbed my back.

"Simula noon, nagrebelde ako. Madalas na akong hindi uma-attend ng klase ko noon. Minsan, hindi na ako umuuwi sa bahay dahil nasa bar ako kasama siya. Natuto ako ng mga masasamang bisyo. Eventually, Mom and Dad found out. Sinabi nila na babalik na lang kami dito sa Pilipinas. Nagalit ako sa kanila. Pakiramdam ko kasi noon, ayaw nila akong maging masaya. Naglayas ako, sumama ako kay Denver. I was already eighteen that time." I wiped my tears off my face. "Naging masaya naman ako. He spoiled me, gave me more than anything I want. And you know, ang bata ko pa noon. Too young and too naive for love. I gave him everything. Every inch of my being, even my body. I lost my virginity to him. Akala ko kasi, parang sa movies. I was living my best life, and at the age of eighteen, nabuntis ako."

I looked at him. Gulat na gulat ang ekspresyon niya. Hindi siya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang kuwento ko.

"When I told him, he was so happy. Kitang-kita ko ang excitement sa mgq mata niya. Ako rin naman, sobrang saya ko. I told myself, 'Finally, a happy family. A happy ending at last', pero hindi, e'. Only movies end like that. Hindi nagtatapos ang kuwento kapag nagkaroon na ng pamilya ang mga bida. For months, he did nothing but take care of me. Alam kong magiging mabuti siyang Daddy sa anak namin, pero naglaho lahat ng pangarap niya. I fell off the stairs and lost our baby." Nagsimula na naman akong humagulgol nang maalala ko 'yon. Niyakap niya ako at paulit-ulit binulong na magiging maayos rin ang lahat.

"I'm sorry for your loss, baby." He kissed my head.

"Ang tanga ko, Hugo. Ang tanga-tanga ko! Dahil sa akin, nawala ang baby ko. I killed–" I did whatever I thought I deserve. I hit my head repeatedly as I cry. "Wala akong kuwentang ina. Nawala siya sa akin."

"No, Kassandra. Don't think like that, okay? Isipin mo na lang, you gained an angel. Ayaw mo sa nangyari, ‘di ba?"

"Pero kasalanan ko, Hugo. Hindi ako nag-ingat." Kinalma ko muna ang sarili ko bago tinuloy ang sinasabi ko kanina. "Ever since then, nagbago si Denver. I expected him na samahan at damayan ako sa pagluluksa kay baby, pero nawala ang Denver na minahal ko. He became cold and wicked. Gone was the sweet and loving Denver. Palagi siyang lasing, nawalan siya ng trabaho, he sold his car dahil sa pagsusugal niya. Everytime na magkakamali ako, sasaktan niya ako, bubugbugin. Ipinapaalala niya sa akin na wala akong kuwenta, na dapat ay namatay na lang ako. Minsan nga, natalo siya sa pagsusugal niya, tapos ako ang sinisi niya. Paulit-ulit niya akong binugbog hanggang sa hindi ko na maramdaman ang katawan ko. I thought it was over, pero hindi. He tried to drown me, sa lake na malapit lang sa bahay niya. My whole life flashed before my eyes. I was almost out of breath. Naalala ko sila Mommy, ang family ko. I promised myself, na kapag nalampasan ko 'yon, babawi ako sa kanila. Luckily, nakita nila ako bago pa niya ako tuluyang mapatay. I survived and he was sent to jail."

"He's an asshole. Hindi lang siya dapat nakulong, he should be in hell right now." He caressed my cheek with his thumb. "A woman like you should not be treated like that. Sana noon pa kita nakilala. Sana nauna akong dumating sa buhay mo. I'd give you the life you really deserve."

Just like that, I started crying again and hugged him tight. I held him close to me, scared that this is just a dream and I'll lose a man like him. "Thank you, Hugo."

"If I may ask, hindi ka ba dumaan sa counseling?"

Umiling ako. "Sobrang pabigat ko na sa mga magulang ko dahil sa pagrerebelde ko.  Panganay ako, so I have to be strong. At isa pa, kapag nagpa-counseling ako, mas mauungkat at mauungkat lang ang lahat. I don't have a choice, but to be strong for the people around me. I thought I'm doing a great job keeping all these pain to myself, but you manage to break my walls, Hugo."

"Wow," he said, amazement showing in his eyes. "You're such a strong woman. How I could I not fall deeper for you?"

"Tell me, after knowing everything about my dark past, tanggap mo pa rin ba ako? Hindi ikaw ang nakauna sa akin, I lost a child, I'm broken inside. Kaya mo ba akong buoin?"

Umiling siya. "No one can complete you but yourself. But to answer your question... yes, Kassandra. Mas humanga ako sa 'yo dahil ang tatag mo. You're a strong woman, and I'm falling deeper."

"Strong are those who love the broken ones. Gusto kong mahalin ka rin, pero kailangan ko ng oras para maayos ko ang sarili ko. I'm falling for you, too. Kaunting oras lang, Hugo, and I promise you, I'll love you the way you deserve to be loved.

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon