17

831 20 0
                                    

One week has passed. Isang linggo na rin kaming hindi nag-uusap ni Hugo. Kagaya ng nasa plano ko, lumipat ako ng cabin at may bago akong tour guide. Everything is not the same as before, though. Nakaka-miss rin pala ang pangungulit niya. Hindi ko na na-e-enjoy ang pananatili ko rito.

Ramdam kong iniiwasan talaga niya ako. Siguro masama talaga ang loob niya sa akin. Tama nga naman siya. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi intindihin ako at pakisamahan. Naging makitid lang talaga ang utak ko at nagpadala kaagad ako sa selos. Gustong-gusto ko na ring humingi ng tawad sa kaniya, pero masiyado yatang mataas ang pride ko para gawin iyon.

Ngayon, narito ako sa labas ng bagong cabin ko at nagpapahangin. Gabi na rin kasi at iilan na lang ang taong nasa labas. Sakto namang tumunog ang cellphone ko dahil naka-connect na ito sa WiFi. Si Kasper, ang kakambal ko pala ang tumatawag.

Nang sagutin ko ito, bumungad ang salubong na kilay niyang sobrang lapit sa screen. Parang may inaaninag pa siya bago magsalita. "Hi, good evening."

"Good evening. Napatawag ka?" sagot ko.

Parang naglalakad-lakad siya sa loob ng kuwarto niya bago tuluyang humiga. "Just checking on you. Kumusta ka diyan?"

"Fine... I guess?"

"You're not sure?" Ngiti lang ang sagot ko sa kaniya. "May problema ka? Kailangan na bang sunduin ka namin?"

Umiling ako. "Okay pa ako. Ikaw, kumusta ka? Kumusta ang panliligaw mo kay Delancy?"

Mukhang nag-isip pa ng sagot ang loko. "Malapit na."

"Malapit na‘ng? Malapit ka ng sumuko?"

"Grabe namang pag-iisip 'yan. Parang hindi tayo kambal!" Tumawa pa siya. "Sa tingin ko malapit na niya akong sagutin."

"Sa tingin mo lang 'yon. Malay mo, siya na pala ang karma mo sa lahat ng kalokohang ginawa mo."

"Ang sakit talaga nito magsalita. Hindi ba puwedeng, ‘Happy for you’ o ‘Ang galing mong manligaw, Kasper’? Kailangan mo talaga akong bigyan ng sama ng loob?"

"I'm just kidding." I laughed. "Good for you. Sana nga pangmatagalan na 'yan."

"Hey, if she'll be my first girlfriend, I'm gonna make sure she'll be my last."

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya at pati sa boses niya. My twin brother really is, in love. "I'm happy for you."

"Masaya rin ako. How about you? May nakilala ka na ba riyan?" he asked.

Months of staying here, pero wala akong sinasabi sa kanila tungkol sa amin ni Hugo. Hindi pa naman ako sigurado kaya hindi ko pa ipinapakilala sa kanila. Umiling ako bilang sagot.

"Bakasyon naman ang ipinunta ko rito. Wala na akong balak sa mga ganiyan." Yet, here I am... Nasasaktan dahil kay Hugo.

"Ilang linggo na lang uuwi ka na, right? Let's hang out later, okay? Dapat marami kang makuwento sa akin."

Tumango ako. "Sure. I'll hang up now. Thank you for checking up on me. Bye, kambal. I love you."

"Love you. Ingat ka, mamaya uuwi ka na namang umiiyak."

I smiled and his face disappeared on the screen. Well, it's a good thing Kasper was the one who called. Kahit papa'no kasi ay malambing ang isang 'yon sa tawag. Sa personal lang siya magaling mang-asar. Kung si Jackson siguro ang tumawag, binabaan ko na siya. Walang pinalalampas ang isang iyon sa pang-aasar.

At parang nananadya naman talaga ang kapalaran. May magkasintahang naglalakad at naririnig ko ang usapan nila. Mukhang nag-aaway sila.

"Kitang-kita mo namang selos na selos ako, tapos hindi mo siya lalayuan?!" sigaw ng babae.

"Kaibigan ko 'yon! Alam ko ang pagkakaiba ng kaibigan at girlfriend. Bakit ba wala kang tiwala sa akin?" sagot ng lalaki. "Ang taas-taas masiyado ng pride mo."

"Kasi ayaw kitang mawala!"

"Mas lalo akong mawawala kung ganiyan ka!  Why can't you let me do things that I enjoy? Sakal na sakal ako sa 'yo, sa totoo lang!"

Naintindihan ko ang babae, but hearing the guy's side made me think... Ganito rin ba ang nararamdaman ni Hugo? Nasasakal rin ba siya sa akin? Now, I feel really guilty.

Ilang minuto pa akong nag-isip isip tungkol doon hanggang sa ‘di ko namalayang tumatakbo na ako papuntang dagat. May nakasalubong akong isa sa mga tauhan dito. Tinanong ko kung nasaan si Hugo at mabuti na lang nakita niya ito. Nasa dagat daw siya at nagna-night swimming kasama si Devon.

Although, I must admit, ayaw ko pa rin sa babaeng iyon. But for Hugo, pipilitin kong pakisamahan siya. I won't let jealousy get in our way. This is my chance to be happy, and Devon won't take this away.

Tumakbo ako papuntang dagat. Mula sa malayo, nakikita ko na silang pabalik. Naririnig ko ang pagtawa nila at ang usapan gamit ang salitang espanyol. Mabuti na lang at bilog at maliwanag ang buwan ngayon. Naaaninag ko pa rin silang dalawa.

Ngayon, magkaharap sila at tinutuyo ni Devon ang buhok ni Hugo. Small gestures, but they hurt, big-time. Mas masakit pa dahil alam kong nagmahalan sila dati at puwedeng maulit 'yon. Pero may tiwala ako kay Hugo. Sinabi niya sa aking mahal niya ako at iyon ang panghahawakan ko.

"Hugo..." I whispered. Medyo hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo ko kaya hindi ako makasigaw.

Malayo rin ako sa kanila at madilim dito sa parte ko kaya siguro hindi pa nila ako nakikita. Sa nakikita ko, mukhang nag-uusap sila at parang ang seryoso ng awra nila. Hinawakan ni Devon ang dibdib ni Hugo, pero nagulat ako nang hawakan din ni Hugo ang beywang niya.

Parang ang sakit ng eksenang iyon. Parang sinasampal sa akin na sila talaga para sa isa’t isa. Napatingala na lang ako dahil pakiramdam ko ay tutulo na ang mga luha ko.

"Kass, he loves you. You're okay. You're strong, and you're not gonna cry again. Magtiwala ka sa pagmamahal niya sa 'yo, please?" I told myself.

Kahit masakit, patuloy ko pa rin silang pinapanood at hindi ako umimik sa kung nasaan ako. Tuloy-tuloy lang ang pag-uusap nila sa gan'ong posisyon hanggang sa lumapit si Hugo sa kaniya at lumapat ang labi niya sa noo ni Devon. That scene... why does it feel like a knife just pierced my chest? And what hurts more is what happened next. Tumingkayad si Devon, and...

I watched them kiss under the moonlight.

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon