3

1.2K 30 0
                                    

I just stared at him. Hindi ko alam ang tamang salita na sasabihin ko. At hindi rin ako makapaniwalang sinabi ko ang lahat ng bagay na iyon sa harapan niya mismo. Nakakahiya!

'Fuck you!" singhal ko.

"What? What did I do?"

"Bakit hindi mo sinabing ikaw si Hugo?"

"No preguntaste. Usted siguió hablando, Señorita."

Umirap ako at humalukipkip. "Stop speaking Spanish or whatever that language is. Hindi kita maintindihan."

"Eres una mujer muy luchadora."

Sa isip ko'y minumura na niya ako. "Fuck you! Go to hell! Shit, shit, shit!"

Nagulat ako nang tawirin niya ang pagitan namin at ilapit ang mukha sa akin. "Stop cussing, No se adapta a una mujer hermosa como tú."

Kinalma ko muna ang sarili ko. Kinabahan ako nang lumapit siya. "I don't understand what you are saying. Leave, Hugo."

"My name sounds amazing when you say it. Say it again."

"Leave, Hugo! Just fucking leave me alone!"

Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Fine, but I'll be back to fetch you later. Oh, and by the way..." Inayos niya ang kaniyang tayo. "You're brother is right. I kinda like you."

Malakas pa rin ang kabog ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang papalayong bulto ng katawan niya. Sinapo ko ang dibdib ko at ang isang kamay nama'y sa pisngi ko. Ramdam ko ang init ng pisngi ko dulot ng pagkapahiya ko kanina. Nakaramdam din ako ng inis dahil pakiramdam ko ay niyayabangan niya ako kanina habang nagpapakilala.

"Kung bakit ba naman kasi nagku-kuwento ka ng kung ano-ano, Kassandra!" malakas na sabi ko sa sarili.

Kahit naiinis at ninenerbiyos, pinasok ko na ang mga maleta ko sa kuwarto. Nilagay ko rin ang ilang gamit ko sa cabinet at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng puting croptop at maiksing denim shorts. Itinali ko rin ang buhok ko dahil sa init. May mga nakita akong libro tungkol sa isla kaya naman kinuha ko ito. Lumabas ako ng cabin at nagtungo sa maliit na terrace nito na may hammock at doon ko sinimulang basahin ang laman ng libro.

"This island is formerly owned by Alfonso Hernandez and Isabelle Hernandez. When Isabelle passed, their only son, Hugo Alonso Hernandez, took over and managed the island on his own." Paulit-ulit kong binabasa iyon. Kaya naman pala hindi matanda, dahil pinamana sa kaniya ang isla.

"What's that?" Halos mapatalon ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Tiningnan ko kung sino iyon at laking inis ko nang makita si Hugo na nakangisi.

"Why are you here?" tanong ko.

"Your brother called a while ago. Kumain ka na?"

"Not yet. May mga pagkain naman ako sa bag ko, at busog pa ako."

"He said you don't know how to cook."

I glared at him. "Marunong ako!" Marunong pero kaunti lang ang alam kong lutuin. Bukod sa pagbe-bake, puro prito-prito lang ang alam kong iluto at ilang putahe. Nabuhay naman ako.

"Yeah, that's not what Jackson said. So, do you wanna eat outside? We have a lot to offer in the food department. Let's go."

"I'm not hungry."

"I wasn't asking. I'm telling you to come with me so we could eat. I'm the one who's hungry."

Sinara ko ang libro at humalukipkip. "If you're hungry, then go eat on your own. Bakit kailangang magkasama pa tayo?"

Bumalantay ang inis sa mukha niya. "Because as long as you're here in MY island, YOU are my responsibility," may diing sambit niya. "Now, quit being so stubborn, Kassandra. I am so hungry, I might eat you out, right here, right now."

Napalunok ako sa sinabi niya at biglang sumagi sa isip ko ang senaryong sinabi niya. Nakaramdam ako ng kung anong kiliti sa katawan ko, pero nawala rin iyon at bumalik ako sa tamang huwisyo. Hinampas ko sa kaniya nang paulit-ulit ang hawak kong libro.

"Manyakis! Bastos ka!" sigaw ko.

Panay naman ang salag niya sa panghahampas ko. "Ouch! Damn it, that hurts, woman! I was just joking!"

"Ang sama mo! Hindi maganda ang joke mo! Ang bastos-bastos kaya n'on."

Nang tuluyang makalayo ay inayos niya ang shirt niya. "Okay. That's my mistake. I shouldn't have joked like that."

Ibabato ko pa sana sa kaniya ang libro, pero humingi naman na ng tawad. Padabog akong tumayo at sumunod sa kaniya. "It's not cool to say something like that."

"I'm sorry. I really am."

Wala nang umimik sa amin at umalis na kami ng cabin. Naglakad kami hanggang makarating kami sa isang mukhang restaurant, malaking karinderya, pero sobrang ganda niya. Inakbayan ni Hugo ang balikat ko at iginaya papuntang counter.

"Good noon, Alonso. Ano'ng order ninyo ng kasama mo?" bati ng isang babaeng siguro ay ka-edad ko lang.

"I'll have calamari rings, adobong pusit, escabeche, and two orders of rice." Nilista ng babae ang sinabi ni Hugo. "How about you?"

"Ako? Sa 'yo lang lahat 'yon?" gulat na tanong ko at tumango siya. "Okay. I'll have one order of rice and sinigang na hipon."

"That's all?" tanong ni Hugo at tumango ako.

Umalis ang babae at sumulpot naman ang isang ginang na mas matanda. Ngumiti siya sa amin at binati rin si Hugo. "Magandang araw, Alonso."

"Magandang araw din po, Nanay Ophelia."

Dumako ang tingin sa akin ng ginang at sa kamay ni Hugo na nasa balikat ko pa rin. "Nobya mo ba ang kasama mo?"

"Hindi po!" mabilis na sagot ko.

"I wish," aning Hugo kaya siniko ko siya.

Tumawa si Aling Ophelia. "Naku, bagay kayong dalawa. Ang gugwapo at gaganda siguro ng magiging anak ninyo kapag kayo nagkatuluyan."

Naiilang akong tumawa at si Hugo naman ang sumagot. "She's a very special guest, Nay. But I might court her soon. She is indeed, very beautiful."

Panay ang tukso sa amin ng ginang hanggang sa makahanap na nga kami ng mauupuan. Kinurot ko pa si Hugo sa kaniyang tagiliran dahil sa kahihiyan. Dahil malapit sa dagat ang establishment, kitang-kita ko ang kagandahan nito.

"Ano naman 'yong sinasabi mong ligaw-ligaw?" inis na tanong ko.

"Is there something wrong with that?"

"Yes, there is. Hindi mo ako kilala, Hugo, at sigurado akong kapag nakilala mo na ako ay aayaw ka sa akin."

"Kilala kita. You're brother told me a lot of things about you. I also did a research about you, and all that." Nag-iwas siya ng tingin. "I'm a follower of your social media accounts."

"Pft. Stalker."

"I just find you beautiful, that's all. And I wanna know you."

"Don't fuck with me, Hugo. Kung talagang kilala mo ako ay paniguradong hindi mo ako magugustuhan," matigas na sambit ko. "I don't even like myself. Why should I believe someone I just met?"

"Why wouldn't you like yourself?"

Tumahimik ako nang i-serve sa amin ang pagkain. "Kumain na lang tayo. I don't want to talk about myself."

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon