"¡Bienvenido a la Isla De Fuego, Señorita Kassandra!" Iyan ang bungad ni Alonso sa amin nang makababa kami sa sasakyan nila. Nasa tapat na kami ngayon ng isang hindi kalakihang gusali. Nakatayo ako at hawak ang isang bag habang si Alonso nama'y hawak lahat ng natirang gamit ko, dalawang maleta at isang may kalakihang traveling bag.
"Ano'ng mayroon dito?" tanong ko.
"Ah, you need to check in first. You can choose a cabin later when we get inside. C'mon." Naglakad ito papasok kaya sumunod ako sa kaniya.
Sa reception, binati ako ng isang magandang babae. "Good day, Ma'am. How may I help you?"
"She's checking in, and needs a cabin to stay in." It was Alonso.
"Do you have a slot reserved for you, Ma'am? Puno na ang slots for this week."
Tumango ako. "Yes, I do have a slot reserved. It's under Kassandra Alejandrino."
"Alejandrino? Si Mr. Jackson Alejandrino po ba ang tumawag para magpa-reserve?"
"Yes. He's my brother."
Ngumiti siya sa akin nang malapad at binigyan ako ng parang brochure. "Welcome to Isla De Fuego, Ma'am. Ito ang mga available na cabins namin, you can choose one. Nakalagay na rin d'yan ang mga activities na puwedeng gawin."
I looked at them one by one. Hindi ko gusto ang mga activities. Cliff-diving, snorkeling, scuba diving, surfing at iba pang puro extreme activities. Mayroon ding boating, island hopping at banana-boating. They're not my kind of fun.
"Wala bang cabin na medyo malayo sa dagat?" I asked.
"We have one available, Ma'am. Malapit siya sa mga palm trees at medyo malapit sa mismong market."
"I'll take that."
Ngumiti siya at may kinuhang susi na may palm tree inspired design na key holder. Humarap ako kay Hugo at nginitian niya ako. Sumunod ako nang tumalikod siya at magsimulang maglakad.
Mula sa likuran niya, malaya kong nakikita ang pag-f-flex ng muscles niya sa likod. Dala na rin siguro ng matinding init dahil sa araw kaya basa na ng pawis ang likod niya at bumabakat ang likod niya sa muscle shirt niya.
Sa edad kong thirty-two, ngayon pa talaga ako nakaramdam ng ganito. Good God! Paano pala kung may asawa ang lalaking ito? Hindi ko ugaling pagnasaan ang asawa ng may asawa!
'Pagnasaan?' aning isang boses sa isip ko. Doon ko lang na-realize ang mga iniisip ko. Bakit ko nga ba kasi napapansin kung gaano siya kakisig? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Estás hermosa." Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita siya ulit. Nakangisi siya at nakaharap na sa akin.
"A-Ano? Hindi kita maintindihan."
"Ang sinasabi ko lang," may accent ang tagalog niya, "You look beautiful."
"Thank you."
He bit his lower lip and turned his back on me. We continued walking out in the open sun, until we reached my cabin. Kinuha ni Alonso mula sa akin ang susi at siya na ang nagbukas ng pinto. Nauna rin niyang pinasok ang mga gamit ko.
Mula sa labas, mukhang simpleng log cabin lang ang itsura nito, pero ibang-iba sa loob. Wooden marble tiled flooring, a small living room, with a flat screen TV, sofa and a coffee table. May isa ring pintuan, nang pinasok ko ang kuwartong iyon, tumambad sa akin ang dirty kitchen, maliit na refrigerator at pang-tatlong taong lamesa. Bumalik ako at ngayo'y pumasok sa isang saradong silid. May queen-sized bed ito, nightstand at may kalakihang cabinet. Mayroon pang isang pinto doon. It lead me to another room that seems to be divided into three parts. Nasa dulo ang banyo, na nakahiwalay sa shower gamit ang glass, at sink. So far, this is a nice cabin.
Tuluyan na akong bumalik sa sala at naroon si Alonso. Nakaayos na ang mga maleta ko at prente lang siya habang hinihintay akong matapos sa paglilibot ng cabin. Nang mapansin ako, inabot niya sa akin ang susing kinuha niya kanina.
"So, is this okay with you?" he asked.
"Yeah. It's nice. Although wala pang laman ang refrigerator, I need to buy some stocks."
"I can accompany you to the market. Would you like to go now?"
Umiling ako. "Maybe later. I wanna rest."
"Okay, Señorita. I'll just get back to you later, this afternoon."
"Ikaw talaga? Hindi ba puwedeng iba na lang?"
His forehead creased. "Do you have a problem with me, Miss?"
"Hmm, wala naman. I just find it weird na kasa-kasama pa kita."
"Well, your brother personally requested me to be your tour guide, so I will accompany you for the rest of your stay here."
"O-Okay." This is not good. It's my first day meeting him, at kung ano-ano na ang nararamdaman ko. Paano pa ang six months na pananatili ko rito?
"What activities are you planning to do?" he asked again.
"Well, I'm here to rest, so maybe no activities? Sa ngayon, wala pa akong plano, pero sinabi ng kapatid ko, kailangan kong ma-meet si Mr. Hugo Hernandez."
"Why?"
"My brother said I should thank him. My whole stay here is free of charge, thanks to him. My brother once featured this island on his vlog, I'm sure you already know that. Plus, Jackson said that guy would like me." Marahas akong bumuntonghininga. "I don't get it. Lagi na lang nila akong sinasabihang mag-asawa, at sa tingin ni Jackson ay magugustuhan ako ng kung sino mang pugo na 'yan! He wanted me to date him. I bet he's old!"
"Old? How do you say so?" Nakataas ang isang kilay niya
"This island is beautiful. It must've cost him a lot of time and effort. Siguro ay hindi na siya nakapag-asawa. At saka, hindi ko gusto ang lalaking hindi ko kilala. What makes Jackson think that pugo guy will like me?"
"I'm sure he will."
I glared at him." What makes you say that? You might know him, because he is your boss and all, but do you know his likes?"
Nag-iwas siya ng tingin at tumawa ng mahina. Pagkatapos n'on ay bumaling ulit siya sa akin at inilahad ang kamay niya. "Tú eres chistoso. I'm a little sad you thought about me that way. I'm gonna introduce myself again. Hola, me llamo Hugo Alonso Hernandez. Mucho gusto, Señorita. And I'm only thirty-three."
BINABASA MO ANG
Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)
General FictionKassandra Alejandrino 12.13.22 After suffering from physical abuse in the hands of her ex-boyfriend, Kassandra Alejandrino was left with a broken soul and a traumatized heart. Ever since then, she caged her heart and never dared to love again. Enter...