6

1K 29 0
                                    

Kagaya nga ng sinabi ni Hugo, nag-ikot-ikot kami sa isla. Narito na kami ngayon sa parte ng isla kung saan marami ang hindi naman kalakihang mga gusali. May klinik, maliit na ospital, botika, at mga paaralan. Magkakatabi lang ang gusali ng pang-elementary, highschool at college. May simbahan sa malapit at may parke rin. Lahat ng nakakasalubong namin ay kilala si Hugo. Lahat sila ay binabati siya, pero ang hinahangaan ko lang ay ang pakikitungo ni Hugo sa kanila. Wala man lang akong makitang pagmamataas sa kaniya. He talks to his people as if they're equal. Kahit iyong mga community servants. Tumulong pa siya saglit sa kanila nang magpahinga kami sa lilim. Hinayaan niya akong maupo habang siya ay tumulong sa pagliligpit. Hindi ko namalayang nakatitig ako sa kaniya at napapangiti mag-isa.

Hinintay ko siya sa lilim hanggang matapos sila. Dahil nabilad sa araw, pinagpapawisan siya nang makabalik sa tabi ko. Hinihingal din siya dahil nagbuhat siya ng malalaking bato na naharang sa daan. Mabuti na lang at may dala akong panyo sa bag ko. Kinuha ko iyon ay humarap sa kaniya, nang-iangat ko ang kamay ko ay humarap siya sa akin.

"What's that?" he asked.

"You're sweating. Pupunasan ko lang."

Dumukwang siya para mas mapalapit sa akin. Sobrang lapit, ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Tinulak ko ang noo niya gamit ang mga daliri ko kaya naman ngumiti siya at umiling. Bumalik ako sa pagpunas ng pawis niya. May nakita akong stall na nagtitinda ng mga refreshments na gawa sa buko.

"Hugo, do you want BJ?" tanong ko.

"BJ? Like a blowjob?"

I turned to him, horrified. "BJ! Buko Juice 'yon, bastos!"

Tumawa naman siya at pinanggigilan pa ang tungki ng ilong ko. Umirap ako at tumayo, naramdaman ko ang pagsunod niya. Pumunta kami sa stall at kaagad siyang binati ng tindero.

"Kumusta ka, Alonso? Ano'ng sa inyo?" bungad niya.

"Good morning, Manong Julian. Isang buko juice nga," Hugo replied.

"Mayro'n kaming buko sorbet ngayon. 'Di ba gustong-gusto mo 'yon?"

Mabilis na tumango si Hugo. "Sure. Isang gan'on na lang, Manong. Put it in the bigger cup."

Nakalagay sa isang paper cup ang binigay ng lalaki kay Hugo. He scooped some using a plastic spoon and fed me. The sherbet tastes good. It's creamy and smooth. Sumubo rin siya gamit ang kutsarang ginamit niya. Pagkatapos niya ay ako naman ulit ang susubuan niya. Tinukso pa nga kami ng nagtitinda dahil sa nangyari.

Sobrang rupok ko na ba? Ilang araw pa lang ako rito, pero ito ako, nagpapasubo sa isang Hugo Alonso Hernandez. I discarded that thought. I came here to be happy, and him, giving me attention, makes me the happiest. Bahala na kung ano ang kalalabasan nito. Hindi naman na siguro mapapantayan ng kahit anong sakit ang naranasan ko dati.

"Masarap?" he asked.

"Mm-hmm," I nodded.

May batang lumapit sa tindero. Nang makita nito si Hugo ay kumaway siya. "Hi po, ninong Alonso!"

Nag-squat naman si Hugo at ginulo ang buhok ng bata. "Hello, Lian. Kumusta ka na?"

"Okay lang po, Ninong. May school na po kami!"

Bumaling si Hugo sa akin at binigay ang hawak na paper cup. Kinuha niya ang wallet niya sa likurang bulsa ng pantalon at kumuha ng limang daan. Ibinigay niya iyon sa bata.

"Baon mo sa school. Huwag mong ibili kaagad lahat. Give it to your Mama."

Umiling ang tindero at kinuha ang pera sa bata, anak pala niya ito. "Alonso, ang laki niyan. Hindi niya kailangan ng ganiyang kalaking pera."

"It's okay, Manong. She can put it in her piggy bank to save for later."

Naiilang na ngumiti ang tinderong si Manong Julian. Binigay naman sa kaniya ng bata ang pera. Napabuntonghininga na lang siya. "Ang dami mong nabibigay sa amin. Salamat."

Tumango lang si Hugo at inakbayan ako saka kami naglakad paalis. Mas lalo naman akong namamangha sa kaniya. Unti-unti kong napatutunayan na mabuti talaga ang loob niya. Hindi lang guwapo, mabait pa.

"Someone's happy," sabi niya.

"Natutuwa ako sa 'yo."

"Bakit?"

"Ang bait-bait mo kasi. Sabihin mo nga, nagpapa-impress ka ba?"

"Are you impressed, mi sol?"

"Mi sol? Ano 'yon?" Nakakainis din minsan 'tong lalaking 'to. Biglang nagsasalita ng espanyol.

"Mi sol. It means, my sunshine. Tú eres mi sol, mi única luz. Your smile is  like a sunshine." Hindi ko naintindihan ang isa pang sinabi niya.

"So, may endearment ka na para sa akin ngayon?" pang-aasar ko.

"Do you want me to call you my sunshine?"

"I kinda like that." Ngumiti naman ako.

"From now on, you're mi sol." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Binawi ko kaagad iyon at tinaasan siya ng kilay. "Sobra na 'yan. Tsansing na 'yang ginagawa mo."

He chuckled. Tumigil kami sa isang ihawan. Binati siya ng isang may katandaang babae. At kagaya ng mga nasaksihan ko nang mga nakaraang araw, wala man lang akong makitang pagmamataas sa inakto niya. Nakiusap siya kung puwede raw ba kaming tumulong sa pag-iihaw ng mga paninda niya. Nang pumayag si Manang Melinda– iyon ang tawag sa kaniya ni Hugo, ay hinila niya ako sa malapit na grill. May inabot na apron sa amin si Manang Melinda at tinulungan ako ni Hugo sa pagsuot n'on. Noong una ay tinuruan niya ako sa tamang lakas at bilis ng pagpaypay. He stood behind me, and his breath is hitting my nape.

Napatayo ako nang tuwid ng wala sa oras. Ito na naman 'yong weird na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko namalayang bumagal ang pagpaypay ko kaya hinawakan niya ang pulsuhan ko at ginalaw iyon.

"Nakakangalay ba?" he asked.

"N-No. I'm fine." Huminga ako nang malalim. "Tama ba 'tong ginagawa ko?"

Lumayo naman siya bago sumagot. "Yep. Keep doing that, mi sol. I'll go help Manang serve her costumers. It's lunch time and people are rushing."

Pinagpatuloy ko ang pag-iihaw ng mga nakalagay sa grill at si Hugo ay tumutulong sa kanila. Minsan ay pasulyap-sulyap siya sa akin at tinitingnan kung maayos lang ba ako. Hindi ko na nabilang kung ilang minuto akong naroon lang na nag-iihaw. Ang alam ko lang, wala nang tao at tinatawag ako ni Hugo.

"Halika, hija, sabay na kayong kumain sa amin." It was Manang Melinda.

Nahihiyang lumapit ako sa kanila at umupo sa isa sa bangko. Umupo si Hugo sa tabi ko. Hindi rin pamilyar ang ilan sa mga pagkain na nakahain. Nasa ibabaw ito ng dahon ng saging.

"Do you know what these are?" tanong ni Hugo.

"Iyong mga tilapia at hipon lang ang alam ko. I'm not familiar with any other of those."

May kinuha siya na nakalagay sa mangkok. "Are you familiar with kinilaw?"

Umiling ako. "Is it good? I never be tasted anything like it."

"It's actually raw fish. It's soaked in calamansi and vinegar. It's better when you it it with your hands, I mean like a pulutan. Do you know  that is?"

"Hindi naman ako ignorante, Hugo. Alam ko kung ano ang pulutan."

He chuckled, at kumuha ng kanin at sinubo sa akin. Sabi niya, kumuha raw ako roon sa isdang hindi luto at tikman iyon, na kaagad kong ginawa. At first, I didn't like it. I thought it's sour, pero habang tumatagal, mas nasasarapan ang panlasa ko.

Hugo then, leaned towards my ear and said, "This is only the start of our adventures, mi sol. We're gonna have lots of fun in the next months."

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon