8

1K 20 0
                                    

Nang makarating kami, kaagad kong natanaw ang kubo na nakatayo. Mayro'n ding duyan na nakasabit sa puno. Nilagay ni Hugo ang mga dala niya sa isang bangko na nasa labas lang ng kubo niya. Nakaharap na siya ngayon sa waterfalls, at may lagoon din.

"You can put your things inside. Don't worry, this place is safe," he said.

I did what he told me. Nasa loob ng kubo ay ang isang simpleng papag lang. Doon ko nilapag ang mga damit ko at naupo roon sa loob ng sampung minuto. Napagod talaga ako sa paglalakad. Paglabas ko, sakto namang nagtatanggal ng pang-itaas na damit niya. Tumambad sa akin ang makisig niyang likod na may iilan ding tattoo sa salitang espanyol.

"Maliligo ka na kaagad?" tanong ko kaya lumingon siya sa direksyon ko.

"Oo. Ikaw, gusto mong maligo kasama ko?"

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin, pero iba ang pumasok sa utak ko. Kaagad akong nag-iwas ng tingin para hindi niya makita ang epekto ng tanong niya. "Mamaya na siguro. Magpapalit lang muna ako."

"Okay. Suit yourself." Lumusong na siya sa tubig na hanggang dibdib niya.

Nagmamadali akong pumasok sa kubo. Sinapo ko ang pisngi ko at ilang beses sinampal-sampal 'yon. Nang nasa tamang huwisyo na ako, kinuha ko na ang mga susuotin ko at nagpalit. Simpleng itim na two-piece bikini iyon at pinatungan ko ng malaking shirt dahil nahihiya akong makita ni Hugo sa gan'ong damit.

Tuwing maliligo kami sa mababaw na parte nh dagat, lagi akong naka-cotton shorts at croptop. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at ganito ang dinala kong damit. Nang lumabas ako, nasa lagoon pa ring naliligo si Hugo. Nang siguro ay maramdaman ang paglapit ko, lumingon siya sa akin at ngumiti.

"You coming in?" he asked.

Tumango ako at tumalikod. Tinanggal ko ang suot ko, at alam kong sa mga oras na 'to ay nakatingin siya sa akin. Nang mahubad ko ang malaking shirt, humarap ako sa kaniya. Literal na naka-awang ang bibig niya ngayon. Titig na titig siya sa katawan ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi rin naman kasi ako sexy tulad ng mga babaeng kadalasang nagugustuhan ng mga lalaki. Oo nga’t matangkad ako, pero payat. Hindi malaman ang dibdib ko, at katamtaman lang ang laki ng pang-upo ko. I'm also not that kind of woman who can “choke someone with their thighs” and yes, I am skinny as hell.

Lumusong na ako sa tubig, pero nakatitig pa rin siya. Hanggang sa makarating ako sa harapan niya, gan'on pa rin ang tingin niya. Saka lang ako nahiya sa kaniya.

"Please don't stare," I said.

He shook his head. "I'm sorry. It's just that you're... Wow," namamanghang sagot niya.

"I know." Yumuko ako. "I'm not sexy."

"Who in the fucking hell told you?" Halata ang bahid ng inis sa tono niya. Salubong ang mga kilay, at matalim ang tingin sa akin.

"Hindi naman talaga. Mula noon, marami na ang nagsasabi sa akin na para akong tinik, kalansay, tingting, at kung ano-ano pa. Don't bother feeding me lies. Tanggap ko na, Hugo."

Hinapit niya ako palapit at hinawakan ang baba ko para tingalain siya. "Dapat lang na tanggapin mo ang sarili mo, because you are so goddamn beautiful. Kung ano ang sinabi ng mga taong 'yon sa 'yo ay hindi totoo. You're perfect, just the way you are. So, don't ever tell me you're not sexy. You're a goddess, mi corazon." He snaked his arm around my waist, then planted a kiss on my forehead.

Nahigit ko ang hininga ko. Nakayakap pa rin siya sa akin, kaya niyakap ko siya pabalik. Nang tingalain ko siya, nakatingin din siya sa akin. May iilang patak ng tubig ang tumulo muna sa buhok niya, papunta sa pisngi hanggang sa labi niya. Napatitig ako roon. Ang ganda ng labi niya, nakakatakam.

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon