4

1.1K 22 0
                                    

Walang nagsalita sa amin hanggang sa matapos kaming kumain. Pagkatapos naming magpahinga saglit sa tabing dagat, sumunod kaming nagpunta sa fish market. Dahil malapit sa dagat, puro mga sariwa pa ang mga isda nila. Noong una'y nag-alangan pa akong bumili dahil hindi naman ako masyadong marunong sa paglilinis, mabuti na lang nilinis na iyon ng tindera. Tatlong magkakaibang uri ng isda ang binili ko, sakto na hanggang bukas. Sumunod naman kaming pumunta sa isang maliit na grocery store. Hindi siya kagaya ng mga nasa lungsod na malaki talaga at maluwang. Mas mukha siyang upgraded sari-sari store. Tingi-tingi ang nabibiling bagay-bagay. Mabuti na lang kasama ko si Hugo, siya ang may hawak ng lahat ng pinamili ko. Hindi pa rin kami nag-uusap, pero nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin at saka biglang ngingiti tapos iiling. Hinayaan ko na lang at inisip na baka nasisiraan na talaga siya ng bait.

Bumalik kami sa cabin ko at hanggang sa kusina ay sinamahan niya ako. Tahimik lang siya pero nakangiti habang pinapanood akong ilagay ang mga pinamili namin sa refrigerator. Prente siyang nakatayo at talagang titig na titig sa ginagawa ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at humarap sa kaniya. "You can leave. Thank you for accompanying me, Mr. Hernandez."

"You're calling me Mr. Hernandez now?"

"Thank you for letting me stay here free of charge. I really appreciate it."

"Stop being so formal, Kassandra. Just call me Hugo."

"Everyone calls you Alonso, why should I call you Hugo?"

"It sounds so special when you say it."

"Siraulo ka pala, e'."

"I'm just telling the truth!"

"Kung ano man 'yang ginagawa mo..." Dinuro ko siya. "Itigil mo na. Hindi nakatutuwa."

"Ano ba'ng ginagawa ko?"

"This! You keep telling me flowery words! Kanina, you were telling me you like me! Please lang, nagpunta ako rito para magbakasyon at hindi para maghanap ng sakit sa ulo o sa puso!"

Ipinilig niya ang ulo at sumandal sa pader. "Hindi ako sakit sa ulo. I'm a good man."

"Walang 'good man' ang magkakagusto sa babaeng kakikilala pa lang niya."

"Ako lang."

"You don't like me. PERIOD!"

"Pensé que el amor a primera vista es un engaño,  pero estoy empezando a creer en ello. Y estoy cayendo más profundo cada vez que te miro."

Ano ba'ng pinagasasabi nito?

"Minsan pang magsalita ka ng espanyol, mumurahin na kita."

"Señori–"

"‘Gago!"

"¡Cállate!" He glared at me. His dark eyes made my heart beat fast. Bigla akong napaatras at napasandal sa refrigerator.

"L-Leave, Hugo!" sigaw ko at pumiyok pa ang boses ko.

Kaagad na nanlambot ang reaksiyon niya. "Sorry. Did I scare you?"

"Umalis ka na, please."

"I'm sorry, did I do something?"

Naramdaman ko na ang panlalamig ng mga kamay ko. Parang sasabog ang dibdib ko at para akong kinakapos ng hininga. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa ano mang oras. His angry reaction kept replaying in my mind.

"I'm sorry if I did yelled at you. I just don't like girls that cuss. It's irritating me."

"Leave." matigas na sambit ko.

Tumango siya at tumalikod saka naglakad paalis. Nang wala na siya, napasapo ako sa dibdib ko at sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Nanghina ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig.

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon