5

1K 27 0
                                    

Hindi pa man pumuputok ang araw, nasa cabin ko na si Hugo. Nagulat ako nang alas kuwatro ng madaling-araw ay kumakatok na siya. Kinailangan ko pa tuloy magtapis ng tuwalya dahil wala akong suot na bra.

'Parang may makikita naman siya bukod sa nipples,' aning maliit na boses sa isip ko.

"It's too early, Hugo. What do you want?" pasinghal na tanong ko habang prente siyang umupo sa sofa.

"Let's have some fun today. Do you want to go cliff diving? Or any other fun activities? You have to enjoy your stay here."

"I'm not into those kind of things."

"Then what are you into?" tanong niya.

"I don't know. Something a little less extreme?"

"Boating? Scuba diving?"

Umiling ulit ako. "I don't like deep waters."

"Deep water is awesome."

"Then go ahead. Mag-scuba diving ka mag-isa mo."

He chuckled. "Ikutin muna natin ang isla, if that's what you want. Let's go to Nay Melinda's ihawan later."

Nagtaka naman ako sa isang bagay. "Bakit Alonso ang tawag nila sa 'yo?"

"Ano ba dapat?"

"You're the owner of this island. It should be Boss or Sir, 'di ba?"

Umiling siya. "The people in this island are like my family. I don't want to be treated special just because I own this place. I mean, I only own it according to the papers, but it's also theirs. It's their home as well."

"So, pantay-pantay kayo rito?"

"It's better that way. I hate special treatment."

"Okay, if you say so. Can I sleep muna? It's freaking four in the morning, mamaya na 'yang mga gusto mong gawin."

"Later, yeah?"

"Oo, kahit ano pa 'yan."

Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya at kumindat. "What if I wanna do something naughty?"

"Fuck you!" Hindi ko na mapigilan pa ang pagmumura ko.

"I told you not to cuss, but yeah, fuck me."

Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. Nahulog ko pa ang tuwalyang nakatapis da dibdib ko at dahil manipis na nightie ang suot ko, agaw-pansin ang nipple ko. Kaagad ko iyong tinakpan gamit ang braso ko.

"You did that on purpose, did you?" he asked with an annoying smile plastered on his face.

"No!"

"Really?"

Nagdabog akong iniwan siya roon at pabalibag na isinara ang pinto. Bumalik ako sa pagkakahiga at pinilit ang sarili ko na matulog. Narinig ko ang pag-iingay niya sa labas ng kwarto ko, pero hinayaan ko na lang siya sa kung ano'ng ginagawa niya. Pinilit ko ang sarili kong matulog at 'di nagtagal ay bumigat na rin ang talukap ng mata ko.

NAGMULAT ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Unang sumalubong sa paningin ko ay ang mariing pagtitig sa akin ni Hugo. Inis akong bumaling sa kabilang banda at pinikit ulit ang mata ko, pero naramdaman ko ang pagsundot ng daliri niya sa beywang ko.

"Hugo, lumayas ka sa kuwarto ko!" singhal ko. "It's too early to piss  me off!"

"Is eight AM early?"

Napabalikwas ako ng bangon. "Alas otso na?"

"Yeah. Bangon na and eat your breakfast."

"Breakfast?"

"Nagluto ako. I hope you don't mind." Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatingin nang makahulugan sa akin.

Wala sa sariling bumangon ako at nagtungo sa banyo para maghilamos at magmumog. Nang lumabas ako, maayos na ang kama. Nakatupi na ang kumot at maayos na ang bedsheets. Nagsuot na rin ako ng panloob para naman hindi nakakahiya.

Nang makarating ako sa kusina, may nakahanda nang pagkain sa lamesa. Nakatalikod si Hugo sa akin at nang humarap siya ay may hawak siyang kape na hinahalo pa rin niya. Masuyo siyang ngumiti at pinaghila ako ng upuan.

"You only have tilapia and some eggs so, this is all I can come up with." Nilapag niya ang kape sa harap ko at tinuro ang sarciadong tilapia. Nagpasalamat ako habang nilalagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko. "Can I join you?"

Tumango ako. Sigurado akong hindi pa rin siya kumakain dahil alas kuwatro siyang pumarito. Umupo siya sa silyang kaharap ko at maganang kumain.

"After this, we could go out and I could tour you around the island. Don't worry, we won't do extreme activities like you mentioned. Today, I was hoping we could do some food trip?"

"Food trip?"

"We have great delicacies here. It would be a shame if you won't try any."

"Iyon ang gagawin natin sa buong anim na buwan ko rito?"

"No, of course not. There are other activities we could do. There's a waterfalls, puwede tayong pumunta roon. The water is not that deep, although we have to trek first. Then, we could do some firefly watching, if that's fine with you. We have more to offer."

"That's fine by me." Tumikhim ako. "Thank you."

"Yeah? For what?"

"Alam ko namang ayaw mo sa hindi extreme, pero sasamahan mo pa rin ako."

"I told you, you have no choice but to enjoy it here. Your happiness is my priority."

Tumingin ako sa kaniya. "My happiness?"

"I can see it in you. You're not happy. You're forcing yourself to be happy."

"Am I that obvious?"

Tumango siya. "Why are you like that?"

"I told you, Hugo, I don't like talking about myself."

"I'm sorry. Okay, hindi na ako mangungulit."

Napangiti naman ako. Sobrang weird namin kapag nag-usap. Nag-aasaran tapos biglang magkakaganito. "Ang cute ng tagalog mo."

Nakayuko siya pero ang mga mata niya'y nakatuon sa akin. "You like my tagalog? It's weird."

"No, it's not. You're accent is cute, and it's even cuter when you speak tagalog."

"I don't like cute," dinig kong sabi niya.

"Ano pala ang gusto mo kung hindi cute?"

Ngumisi siya. "I like sexy. Do you find me sexy, Kassandra?" Natulala naman ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Narinig ko na lang ang mahinang tawa niya. "I know you do. I can see the way you look at me."

"Ang kapal rin naman ng mukha mo, Hugo!"

"Am I mistaken? So, you don't find me sexy?"

"I do." Halos bulong lang 'yon.

"Hmm? You do, what?"

"I do find you sexy."

Tumawa siya at tumayo. Kinuha niya ang pinggan kong wala na rin palang laman at iyong sa kaniya at saka dumiretso sa lababo.

"Go and get ready. We have a long day to enjoy."

Isla Del Fuego (Alejandrino Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon